Demosthenes
"Weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeak!"
Sigaw nya sa akin habang kinakawawa yung joystick.
"Deeey! Ano ba? Sayang ng token sayo puro ka talo!"
Sigaw nya ulit. Wala na, tuluyan na syang sinapian ng game monster. Juiceco. R.I.P videogame. For sure dadaan na naman sa repair ang parts mo. Gamer na gamer ang dating nya, mga tipong life and death ang labanan. Daig pa ang Spartans. Kung may course lang sa arcade malamang Valedictorian sya. Tsk. Bigla ako nagsisi na sumama ako dito. Kukuha na ako ng token ko nung may batang lumapit sa kanya, tinitignan sya maglaro. Handa ako magtawag ng mga santo wag lang hangaan ng batang yun si Aia. Lechugas, masisira po kinabukasan nya.
Tinignan ko ulit si Aia, ganadong ganado parin sya at malabong mapasin nya ang batang mukhang kanina pa gusto maglaro. Binubutbot ko yung natitirang token sa bulsa ko ng lumapit na sa akin si Aia.
"Tara na."
I gave her a puzzling look, asking her why so sudden.
"Binigay ko na yung token ko dun sa bata, mukhang kanina pa nya gusto maglaro."
Di na ako nagulat. Kahit naman ganyan si Aia, she's always been good to others; lalo sa mga bata.
I was about to ask her where will we go next when she suddenly held my hand,
"Dey, videoke tayo"
"Hoy kulangot awat na! Iba na lang, wag ng videoke please"
"Eh gusto ko kumanta..."
She pursed her lips and deym, ang cute cute nya ngayon. Mukha syang tuta.
"lanya maaawa ka wala akong payong!"
"Puhhh-leeeeeeease"
Ayan na, nag puppy eyes na sya. Sht. Sarap gawing keychain ng eyeballs nya. :3
"Puhhhh-leeeeeeeeeease!!!!"
Hinihila na nya ako papalapit sa booth.
"Oo na! Basta 4 na kanta lang ah, A-P-A-T lang!"
Hindi na nya ako pinansin at binuklat agad yung songbook. Sht. Desidido talaga 'tong taong grasang kasama ko. Pag nga naman minamalas ka oo. As expected, wala naman ako magagawa kundi sumunod. 'di naman sa sintunado at pangit ang boses ni Aia kaya ayaw ko sya pakantahin (sa public), kaso kasi makabasag tenga yung mga kinakanta nya. I mean mga pang post-apocalyptic films at war themed movies. Yung tipong mga kanta habang sinusugod na ni Megatron yung hideout ng mga zombies. (Hanu daw?!)Oo basta ganun. Haaay, perks of having a rakistang bestfriend. For sure pagtitinginan na naman sya ng mga tao dito. Actually sanay na ako everytime na kasama ko sya. Bukod sa buhok nya na sadyang papansin, isa pa yung mga print ng shirts nya. There was this time when we're in a mall, ginawang panakot nung nanay sa anak nya yung t-shirt ni Aia. Hahaha Meron pang incident dati na umiyak yung bata sa church upon seeing Aia. Hahahaha lanya. Halloween every day. At sobrang dami pang beses at insidente na mala Insidious at Conjuring. Brrrrr.
Zombie - Cranberries
"...what's in your head? In your heeee-yieeee-e-ed zom-hom-bie, zo-hom-bie, zo-hom-biee-ee-ee ooh-ooh-ohh"
![](https://img.wattpad.com/cover/98968286-288-k431544.jpg)
YOU ARE READING
Saving Glass Heart (ON-GOING)
Teen Fiction"you came in with surprise but now it's hard to believe 'cause I've been through all the lies but you saved me" A Halloween in disguise who fancied and envied fiction romance; she's definitely the girl you can't handle. She's the complete opposit...