PROLOGUE

159 58 23
                                    

Aia

...And Marco locked their lips to ever after"

That's it. Tapos na ang kwentong pinagpuyatan ko nang ilang gabi. Haaaay, nakakainggit lang talaga. I'm so attached sa Wattpad world I'm starting to hate the real world. Bakit kasi sa Wattpad lang pwede maghire ng boyfriend/girlfriend? Bakit sa Wattpad lang may universities na puno ng mayayaman at magagandang nilalang? Bakit sa Wattpad lang may gwapong mga gangsters? Bakit sa Wattpad lang nilalandi ng mga hunks at papable na boys ang mga weird, nerd, wallflower, abnormal, outcast at unpopular na girls? Bakit sa wattpad lang merong mayaman na nagkakagusto sa simpleng babae? Bakit sa wattpad lang merong sikat na artista na eventually magkakagusto sa P.A niya? Bakit sa wattpad allowed magpropose kahit highschool palang? Bakit sa wattpad lang may magulang na hinahayaan lumandi ang mga anak nila basta mayaman?. Bakiiiit?

"Hoy Aia, ano next subject natin?"

All my musings was distracted by my best friend. I befriend him hoping he's like the male best friends in stories na maiinlove sa akin. But hell no. He's not sweet and caring and all. Basta, malalaman nyo na lang kung gaano sya kasama.

So eto na nga, Monday. Normal na araw para sa akin, sa aming lahat. Normal na university; may mayaman at maraming galing sa average family (isa na ako dun). May matalino at mas maraming average lang din ang level ng IQ (ehem, oo isa din ako dito). May magaganda't gwapo at mas maraming average lang din: tipong normal lang, wala lang, di kapansin pansin (aaaand yes, nabibilang din ako sa karamihan na "wala lang"). Yung mga gwapong bachelors sa wattpad dito sa amin kung hindi paminta, taken na. Mga bullies at dugyot na boys na pa'cool ang nandito instead na mga gwapong gangsters. Wala din ditong mean girls na popular at kinakatakutan makaaway. Yung mga tipong haharangan ka sa hallway saka pagtutulungan sabunutan. Ang tanging meron dito ay mga professor na saksakan ng strikto, walang awa at ubod ng sakim. Grrrrrr. Sila talaga ang real life mean girls.

Papasok na ako sa next subject ko nang magtext si bestfriend.

"Hoy panget, may exam tayo. Sige lang, magmunimuni ka lang dyan.HAHAHAHAHA"

Sheeeemay. Late na nga ako di pa ako nakapagreview at anak nga naman ng tokwa't baboy, wala pa akong ballpen. Iniisip ko pa lang ang layo ng next classroom, ang mukha ng teacher namin at ang todong pabibo ni haring araw, gugustuhin ko na lang iabduct ng aliens. Myghaaaad. Tinawag ko na lahat ng santo sapian lang ako ni Usein Bolt* o di kaya'y magpadala nang gwapong naka motor para ihatid ako sa classroom at ipostpone ang exam dahil kinikilig ang buong klase at number 1 kunsintidor ang teacher. Huuuuuh. Kaso wala eh, real world 'to. Pang real world din ang solusyon: maglakad sa ilalim ng araw.

USEIN BOLT

(n.)

Fastest man on earth! woooh! Cheetah ang animal spirit. 


By the time na nakaabot ako sa klase, patapos na sila at nanlilisik na ang mata ng prof namin. Ang ending? Mag isa akong nagtake ng exam na alam kong hindi naman ako papasa dahil inuna ko yung pagbabasa sa wattpad kaysa magreview pero kampante ako dahil alam kong hindi naman irerecord ng prof naming hinuhulaan lang ang grades (wuuuuy nakasagap sya ng tsismis hihi).

2 pm na ako kumain ng lunch at namumutla na ako. Lintik na exam yun. Kung may score lang yung pangalan di sana di ako bagsak. Haaaay.

"Wattpad pa kaseeee"

Sigaw nang bestfriend ko sabay hagis nang papel. Kamuntikan ko na mapunit sa inis at galit ang test paper nya. 2 mistakes at highest pa sya? Wow. Inirapan ko lang . Ewan kung pano ko pa nasasabing bestfriend 'to eh wala naman syang ginagawa sa buhay ko kundi mambwisit.

" 'Ina mo!!"

Sigaw ko sa kanya sabay lakad palayo. Uuwi na lang ako at manunuod ng anime at makikiupdate sa mga line up bands sa pulp summer slam at kakain at magbabasa at matutulog at...at.. at itetext si loves. Yes, tama kayo nang binabasa; I have a boyfriend.




Demosthenes

" 'Ina mo!"

Sigaw nya sa akin saka naglakad palayo. Sumakit na panga ko kakatawa sa bestfriend kong ubod ng tamad. Actually sa pag aaral lang naman sya tamad. Tamad pumasok; kung hindi late, absent. Tamad magsubmit ng projects at requirements. Hindi naman bobo si Aia. Madami syang alam lalo na sa literature at philosophies. Madalas nakakaaway nya ang mga prof namin dahil sa salungat at opinionated nyang mga sinasabi. Matalino naman sya. Tamad lang talaga. As in. Magtatatlong taon ko nang kilala at bestfriend ai Aia.

Flashback 3years ago:

" The problem with our society is the stereotyping. The hell I care with norms and culture when all they've done in the past centuries is to paint red roses white!"

She said firmly and with full dignity. That's how I met her in our first class. I don't remember much when and how it started but I can clearly remember how she raised her hand, stood without waiting to be called and began stating her side. I can see the different reaction and impression from our classmates.

"Pabibo."

"Eh 'di wow. Daming alam"

"Tama nga naman."

"Walang respeto sa teacher."

"Pasipsip"

But I was stunned. Really. I graduated salutatorian in high school, competing in various debates but I've never met someone with dignity as strong as hers.

I want to befriend this stubborn brat I told myself three years ago and regretting the times I uttered those words. She slacked and lost interest in studies when she met Oliver, her first boyfriend.

Sa sobrang hopeless romantic ng bestfriend ko sinagot nya agad si Oliver within months na pagkakakilala nya. Malas nga lang nya talaga, akala nya forever Valentine's day na.

Ewan. Di ko rin alam why I still stick around her like a velcro. I was teasing her with my scores trying to revive the old Aia; to juice the smart Aia again and motivate her to study harder again. Haaay Aia, why am I still with her knowing she's a complete mad?

Saving Glass Heart (ON-GOING)Where stories live. Discover now