YOU'RE MINE AND MINE ALONE

29 0 1
                                    

Lumabas na kami ni Yohan sa garden ng school namin. Agad ko namang nakita sila Crissy.

"Unnie! "
Biglang sigaw ko kay Crissy unnie.

"Hey!!! Ano na nangyari sa inyong dalawa?! Nagkain-laban na ba kayo?! Ha?! Bea! Sinagot mo na ba itong ilong na ito?! "
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napapangiti sa linyang sinasabi ni Crissy unnie.

"Hindi ko pa siya sinasagot! Ano ka ba! Eh, kayong dalawa ni Adz?! Nagkain-laban na rin ba?! Ha?! Unnie?! Sinagot mo na ba yang kulang sa height?! "
Agad ko namang tinanong si Unnie na parang ginaya yung tinanong niya sa akin kanina.

"Hindi ko pa siya sinasagot! Ano ka ba?! "
Sabi niya sa akin. Halos matawa na ako sa mga linya niya.

"Eh bakit ka sumisigaw?! "
Tanong ko sakanya.

"Masaya lang ako,ano ka ba naman!? "
Natatawang sigaw niya sa akin.

"Ahhh! Akala ko galit ka ehh!!"
Sabi ko

"Eh bakit ka sumisigaw?! Hindi ako galit! Masaya lang talaga ako! "
Sabi niya habang pinapalo yung braso ko.

"Tsk...Akala ko naman kaya sumisigaw kasi may pumunit na naman ng puso mong buo na na sinaktan ulet! Hahahahahaha! "
Sabi ko habang tumatawa.

"Ehh kung suntukin kaya kitang babae ka?! "

"Hindi na kailangan, ako na lang gagawa para sayo unnie! "

"Tskk..... Tara na nga sa canteen!! Nagugutom na ako! "

"Ako rin ehh! "

"Hindi ba kayo titigil sa kasisigaw niyo?! Magkalapit lang kayo nagsisigawan pa kayo! Hindi lang kayo tao dito! Kaya isama niyo kami sa sigawan niyong dalawa! "

O__O
Nagulat kaming lahat ng biglang sumingit si Bianca at nagsisisigaw na rin.
Pero sa totoo lang, ngayon lang namin narinig at nakita si Bianca na sumigaw na malakas.

"Ano?! Natulala na kayo?! Hindi kasi kayo nagsasali ng iba para lahat magsigawan ehh! Mga abnoyyyy!!!! "
Sigaw niya at tuluyang umalis papalayo.

Natauhan naman ako at tangkang sundan siya.

"Puntahan ko lang si Bianca ahh? Mukhang na-beast mode ehh"
Tugon ko sakanila at pumayag naman sila.
Sabi ni Yohan huwag na daw kaming masyadong lumayo kasi maya-maya kakain na kami.

Nakita ko naman si Bianca na nakaupo sa ilalim ng puno.
Kasi since nung 5th grade pa lang kami, dito lagi siya tumatambay kapag may pinagdadaanan o may problema.
Agad ko naman siyang nilapitan at tinanong....

"May problema ka ba Bianca?"
Tanong ko na nilingon niya

"It hurts so much..... I don't know why I'm feeling this way..... We're not even in a relationship, but.....Why am I like this? I don't get myself.... I'm not even prepared to feel or to hurt like this... It's just that.... I'm not sure if my feelings are now real. "
Sabi niya sa akin habang pumapatak ang mga luha niya.

"Yanca... Wag ka ngang magsalita ng ganyan... Kapag alam mong handa kang mag-mahal, dapat handa ka ding masaktan... Ako, naranasan ko na yang feeling na yan ehh... Alam mo Yanca, kapag alam mong nasasaktan ka na... Huwag mo ng hayaan ang sarili mong mas lalong masaktan ng sobra-sobra... Kapag alam mo rin sa sarili mo mismo hindi mo kayang masaktan,... Ikaw na ang kusang umiwas sa masasakit na maari mong maramdaman o makita... Nasa sayo yan kung kailan ka iiwas at kailan ka maniniwala sa nararamdaman mo na totoong mahal mo na nga ang isang tao"
Pagpapayo ko sakanya..
Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin. Niyakap ko naman siya pabalik

"Thank you for the advice Bea"
Sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.

"You're always welcome Yanca"
Sabi ko sa kanya.

Niyaya ko siyang tumayo kasi kanina pa nagwawala mga bulate ko sa tiyan...

Pinauna ko na si Bianca sa canteen kasi dumeretso muna ako sa banyo.
Agad nanglaki ang mga mata ko ng makito ko si Yohan.

"Why it took you so long? Baby?? "
Yan na naman siya sa baby-baby niyang nalalaman na tawag sakin.

"Si Bianca kasi ehh, masyadong madrama ngayon. Tapos pinauna ko na siyang pumunta sa canteen kasi naiihi na ako kaya ako natagalan,wag kang mag-alala,wala namang kukuha sa akin dito ehh"
Sabi ko sa kanya habang tinatapik yung braso niya.

"I'm not worried baby. I just want you to remember, that YOU'RE MINE AND MINE ALONE"
Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Pero mas ikinagulat ko nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko at tuluyang umalis sa harap ng girls room. Nararamdaman kong namumula na ako. Haysssss!!!! Nayyyy!!! Si Yohan ohh!!! Pinapamula na naman ako!!! Huhuhuhuhuhu!!!

Someone's POV

Masyado na akong nagseselos sa inyong dalawa ni Yohan.
Pero hindi ako papayag na ako na naman ang magpaparaya.

When the time strikes at the right time. I'll make you mine and mine alone too.

************************************
Hayssss!!
Sino kaya si someone?
Hala?!
Abangan ang susunod na kabanata!!!!

Pls vote and Leave a comment!

ALL ABOUT FRIENDSHIP { ON-GOING}Where stories live. Discover now