TROUBLE

14 0 0
                                    

Bea's POV

Hindi ko alam ang gagawin ko dito nang malaman kong may girlfriend na si Yohan.
Balak ko pa naman siyang sagutin..

Flashback.....

"Bea....may nararamdaman ka na ba kay Yohan? Alam mo nandito kami para suportahan ka sa nararamdaman mo. Huwag kang mahiyang ipaalam sa amin yang nararamdaman mo sa amin, ishare mo rinnn noh! "
Biglang sabi ni Crissy unnie.
Agad naman akong napayuko.

"Oo ehh. May nararamdaman na ako sa kanya. Gusto ko na syang sagutin kasi kapag pinabayaan ko lang itong nararamdaman ko, ako yung talo. Kaya may balak ko na siyang sagutin. "
Sabi ko sakanya habang nakayuko pa rin.

Pero alam kong itong si Crissy unnie may tinatago rin ehh.

"Eh ikaw unnie?! Alam  ko may gusto ka ring sabihin! Kaya sabihin mo na ngayon! 'wag mo ng hintayin na ako pa magsabi sa amin yang nararamdaman mo! Go for it! May nakita ako sa bag mo na d-diary ba yun?! Tapos dun nakasulat lahat ng nararamdaman mo at ang TAONG GUSTO MO! Kaya sabi-sabihin mona! Kung ayaw mong ibigay ko ito sa kanya! "
Nung pagkasabi ko nun agad kong tinaas ang hawak kong diary niya na kung saan nakasulat lahat-lahat.

"Hoy saan mo nakuha yan?! Ibalik mo nga yan! "
Agad nyang sigaw sa akin.

"Mamaya na sa room! Tra! Tsaka nandoon na daw yung prof. sabi ni Jaxx kaya tara! "
Sabi ko sa kanila habang tumatakbo paakyat ng hagdan.

"Subukan mong ibigay yan sa kanya! Kukutusan talga kita Bea! "
Narinig kong sigaw ni Unnie.

Nang makarating na ako sa room.
Biglang nawala sa mga mukha ko yung ngiti na ginagamit ko kanina nang makita kong may kayakap si Yohan.

End of flashback......

"Oh! Hi there Bianca! It's nice to see you again! "
Sabi ng babaeng kaharap ni Yohan.
Lahat sila parang nagtataka, ako naman nakatingin lamang kay Yohan.

"What the hell are you doing here? "
O__O

Agad kong nilingon si Bianca na magmura siya.

"Ahmm..... Visiting Yohan? Ayaw mong nandito ako? "
Agad na tanong babaeng mas matangkad medyo kay Yohan.

"Tinanong kita? Tatanongin mo rin ako? Just fu*king straight to the point! "
Mas ikinagulat namin ang pagsigaw ni Bianca.

"Bakit ka ba nagmumura? "
Takang tanong na babaeng kaharap ni Yohan kanina.

"Napapamura lang ako kapag kaharap kita." agad na sabi ni Bianca. "Hindi mo pa sinasagot yung putang-inang tanong ko! Why the hell are you here?! "
Bakas sa mukha ni Bianca ang galit na nararamdaman niya ngayon. Halos mamula na sya sa sobrang galit.

"Hindi mo narinig yung sinabi ko? I'm visiting Yohan! "
Sigaw ng babaeng kaharap na ni Bianca ngayon.

"Huwag mo kasing lagyan ng question mark." agad na tugon ni Bianca. "Para hindi ko pagkamalan na tinatanong mo yung sagot mo sa akin. Tskk!!! Yun lang? Sya lang binisita mo? Edi sana sa kanya ka na lang nagpakita! Hindi yung pupunta ka pa dito sa school para lang ipamukha mo sa amin yang makapal mong pagmumukha! "
Agad na sabi ni Bianca at tuluyang lumabas ng room.
Susundan ko sana sya ng biglang may humawak ng braso ko.

"You must be Bea? "
Agad kong nilongon at taong humawak ng napakalinis kong braso.

"Oo! Bakit? Gusto mo Bea rin name mo? Para pareho tayo? Tsaka! Bitawan mo nga ako! Nadudumihan mo yung braso kong napakalinis! ".
Sabi ko sa kanya at hinila ang braso ko na hawak niya. "Tsaka, lagi mong itatak dyan sa utak mo na 'wag mong ikalat kung ano mang baho ng ugali mo sa campus na 'to. "
Sabi ko, pero bago pa ako umalis, nakita ko ang malademonyo nyang ngiti. Ngumiti naman ako ng napakapait sa kanya.
Lumabas ako ng maramdamn kong may paang sumusunod sa akin.
Nagulat ako ng bigla nyang hilain yung palad ko. Puta naman ohh!!! May demonyo na ngang humawak sa napakalinis kong braso! May kung sino pang hahawak sa napaka-malambot kong palad. Lilingunin ko ito, kapag demonyo to mananapak na talaga ako!!

O__O

Hindi pala demonyo, kundi anghel ang humawak sa mga palad ko.

"Why did you say that? " takang tanong Yohan. "Bakit ganong na lamang yung pakikitungo niyo sa kanya? Ni Bianca? Ikaw? Ano bang meron? "
Agad kumunot ang noo ko sa tanong nyang pinapapakulo yung dugo ko.

"Hindi ko alam kong anong meron sa kanilang dalawa ni Bianca. "
Mahinahong sagot ko sa kanya. "Ako naman, kaya ganon yung pakikitungo ko sa kanya, kasi naiinis rin ako sa mga asal niya kay Bianca. Pinakitaan niya ng ugali na ayaw na ayaw ni Biancang makita!
Tapos nainis rin ako na bigla nyang hilain yung braso ko na parang gusto akong sapakin! "
Sabi ko habang nakakunot noo parin.

"Parang yun lang?! Ikinagalit mo na yun?! Tao ka pa ba Bea?! O hayop ka?! Si-simpleng bagay pinapalaki mo! Hinawakan ka lang braso?! Galit ka kaagad?! Ano bang ginawa niya sayo at nagmamalaki ka ng ganyan?! "
Naiinis na talga ako sa kanya!!!!
Tanga ba siya? Hindi niya ba nakita yung ugali na ipinakita nung babaeng yun kay Bianca kanina? Ayyy! Oo nga pala! Nakatalikod yung babaeng yun sa kanya habang nagsasagutan yung dalawa.

"Ehh! Bakit mo sa akin sinusumbat lahat yan?! Bakit hindi siya ang tanongin mo?! Sa kanya mo isumbat lahat ng galit mo sa akin ngayon! " hindi ko akalaing napalakas na pala ang sigaw at halos magsilabasan na yung mga students.
"Ganyan ka ba talaga ha?! Ako ba kaaway nya?! At sa akin mo sinasabi lahat ang mga salitang yan?! Matuto ka namang mag-isip! Isipin mo muna yung mga sasabihin mo sa ibang tao! Bago ka manumbat! Tinatanong mo kung bakit ganon ang pakikitungo ko sa kanya?! Dahil kaibigan ko yung hinahamon niya! Kay huwag mong isumbat yan lahat yan sa akin! "
Paluhang sabi ko at kinuha ang palad ko na hawak niya.
Bakas sa mukha niya ang ang lungkot.
Hindi ko matiis ang sarili ko. Dahil baka ang pula kong dugo maging itim na! Umalis na lang ako sa harap niya at tuluyang lumabas ng campus.

Tumatakbo ako palabas ng campus na tumutulo ang traydor kong luha.
Nanghihina na ang mga tuhod ko kakatakbo.
Tumigil ako sa kakatakbo na parang mararamdaman kong matutumba na ako. Unti-unting pumipikit ang mga mata ko nang biglang akong tutumba nang biglang may humawak sa mga bewang ko na para bang sinalo ako sa pagkakatumba ko.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang makita ko ulit ang lalaking ito.

O__O

To be continued...........

*****************************
Hala sina kaya yung lalaking nakita ulit ni Bea?
Abangan!!!! Hehehehe

Hope you like it!!! Thank you!!! Readers!!!!

ALL ABOUT FRIENDSHIP { ON-GOING}Where stories live. Discover now