HURT AGAIN AND AGAIN

17 0 0
                                    

Bea's POV
Nakita ko sina Bianca at Arvin na nag-uusap kanina. Halata sa mukha ni Bianca yung inis, galit at sama ng loob.

Dumeretso naman ako sa room nang bigla kong napansin si Yohan na kasama si Diablerie? Wth? Ano ang ibig sabihin neto.

"Yohan, I still love you. Please come back to me. Ayokong mapunta ka dun kay Bea. " aba siraulong Diablerie ito ahh?

"Look. Gusto ko si Bea. Gusto ko lang sya. Hindi ko pa sya mahal. And ofcourse i still love you too.
So please don't cry. Mas nasasaktan ako. "
Sabi ni Yohan at sabay hinalikan si Diablerie sa labi neto. Bakit ganto yung nararamdaman ko? Mahal na nga ba kita Yohan. At ganito na lamang ang nararamdaman ko?
Pero bakit mo ako sinasaktan ng ganito?

Tumakbo na lang ako papalayo sa kanila habang tumutulo ang luha ko.
Habang tumakbo ako, bigla kong nakasalubong si Rude. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako ipinagpalit sa kanya? Bakit? "
Sabi ko habang pinapalo ang dibdib nya.

"Bea? Why are you crying? Please tell me. What's the matter? Sinong nagpaiyak sa'yo? " sabi nya habang hinihimas yung likod ko.
Niyakap ko na lang sya ng mahigpit. Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib nya. Namiss ko ito Rude. Yung mga panahong tayo pa.
Umiiyak na lang ako when everything went black.

Nagising na lang ako sa isang pamilyadong kwarto. Teka? Bahay ba ito ni Rude? What Am I doing here? Agad akong tumayo nang salubungin ako ni manang Susan.

"Gising kana pala iha. Pinaghandaan kita ng pagkain. Sinabihan ako ni Rod na alagaan ka muna. Dahil may importante lang syang gagawin. Ang ganda-ganda mo parin Bea iha. Bagay na bagay talaga kayo ng alaga kong si Rod. "
Napangiti naman ako sa sinabi ni manang.

"Naku manang, hanggang ngayon, mapangbiro pa rin po kayo. Salamat nga po pala sa pagkain. Sigurado pp akong masarap yan. Dahil kayo ang nagluto. Actually, na-miss ko po yung luto nyo. Lalo na yung adobong manok na may maraming sili. " sabi ko habang naka-ngiti pa rin sakanya.

"Hay naku! Ikaw talagang bata ka. Kumain ka nga muna, at may gagawin pa ako sa kusina. Mamaya na lang tayo ulit mag-usap. "
Tumango naman ako kay manang na nagsisilbing sagot ko sa kanya.

Tinignan ko naman yung pagkain na inihanda ni manang para sa akin.
Agad nanlaki ang mata ko sa nakita kong food na napaka-sarap. Guess what food this is. It's only mozzarella na punong-puno ng cheese on top. Ang sarap. Bigla naman akong nagulat dahil may nag-bukas ng pinto.

"R-rude... Ikaw pala. Saan ka galing? "nagtatakang tanong ko sakanya. "Kumain ka na ba? "

"Yeah? Kumain na ako kanina bago umalis. May ginawa lang akong importantante sa company namin. Kinakailangan daw ako kanina. Kaya hindi na ako nagasikaso sayo. Kaya ibinilin muna kita kay Manang Susan para bantayan. Okay ka na ba? Tanong ko lang ahh? Bakit ka nga pala umiyak kanina? "
Agad naman akong natigil sa pagpapak ng mozzarella sa sinabi nya. Agad ko naman syang nilingon.

"Nasaktan ako sa nakita ko kanina, kaya ako umiyak  ako at niyakap ka. Nasaktan ako sa pinagga-gagawa nila Yohan at Diablerie kanina. Masyado nilang ginagawang live yung nangyari kanina. Y-yung tinanong ko nga pala sayo kanina? Ano nga ba ang dahilan at bakit mo ako pinagpalit? "
Seryosong tanong ko sakanya habang nakatingin sa mga mata nya.

"Wala naman talaga akong balak iwanan ka at ipag-palit ehh. "
Sabi nya habang palapit ng palapit sa akin. "Kinumbinsi ako ni Dad na sumama sa kanya sa states para sa company nyang matagal ng itinayo.
Sa mga panahon na'yon kinailangan ako ni Dad. Then I met Stephanie. Assistant ko dati,nung nasa states pa ako. Oo, nagkaroon kami ng something, pero never naging kami. Nihindi ko nga hinalikan yun eh. Dahil ikaw ang inaalala ko. Tapos nung naging successful naman yung company ni Dad. Nagpaalam ako na umuwi na dito sa pinas. Dahil gustong-gusto na kitang makita. At bago pa ako makaalis, sinabihan ako ni Dad na mag-sorry sayo sa pag-iwan sayong mag-isa dito sa pilipinas. Dady wants you to be my future wife. Napaka-saya ko ng marinig ko yun galing mula sa kanila. Pero nawala yun, nung.... nalaman kong may nanliligaw na sayo... Nang dahil dun, umuwi agad ako ng Pilipinas para balikan ka. Pero mukhang huli na ako. Mukhang nahuhulog na ang loob mo sa lalaking malaking ilong na'yon. Hindi naman kita pinipilt na mahalin ulit ako pabalik, pero hindi rin ako papayag na meron na akong kapalit.. "
He said in a serious way. Agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng sobrang higpit. Naramdaman ko naman na niyakap nya rin ako pabalik...agad naman akong nagsalita.

"Bakit hinayaan mo ang sarili mong hindi ipaliwanag sa akin. Hindi sana tayo tatapos sa ganitong sitwasyon. Nung mga panahong wala ka. Araw-araw akong nagdudusa. Nung mga panahon na iniwan mo ako dito mag-isa, parang nawawalan na ako ng pag-asang babalik ka. Pero nawala lahat ng illusion na'yon nang malaman kong nakabalik ka na. Masayang-masaya ako at nakita ulit kita. Miss na miss na kita Rude. "
Sabi ko habang nakayakap parin sa kanya, naramdaman ko naman na may tutulong luha na sa mga mata ko. Bigla naman nagsalita si Rude.

"Huwag ka ng umiyak... Nandito na ulit ako... At ipapango ko, na hindi na kita iiwan ulit... Babe ko.. "
Agad na lang akong napaiyak ng sobra ng sabihin nya ulit sa akin ang mga salitang 'yon...nakakamiss sya sobra...

Yohan's POV
Kanina pa naming hinahanap si Bea.
Hindi sya pumasok since 1st subject hanggang last subject. Nasaan kaya yung babaeng 'yon?
Nandito kami nila Arvin, Jaxx, Adz, dito sa bahay nila Bea. Sila Morgan, Gavin at anh pilengorong prinsesa ay nauna na bahay namin.  Pero hanggang ngayon, wala pa rin sya. Alalang-alala na ako sa'yo Bea. Please umuwi ka na.
Ipinikit ko ang mga mata ko para magdasal na sana ligtas sya.
Bea, please come home. I'm worried.
*Beep*
Agad ko namang naimulat ang mga mata ko nang may bumusina sa labas.
Nagsitayuan naman kaming lahat para tignan kung sino yung bumusina.

"Teka? Bakit magkasama sina Bea at Rude? "takang tanong ni Anikka sa sarili nya yata? Ahh basta. Bigla ko namang nilingon sina Bea At si Ungas. Oo nga noh? Bakit sila magkasama?
Binalikan nya na ba yung ungas na yun?

Nakita naming umandar na papaalis yung kotse at tsaka naman nilipat namin ang tingin kay Bea na pumasok sa pintuan.

"Hoy babae?! Saan ka galing?! At bakit ngayon ka lang umuwi?! Hindi mo ba alam na alalang-alala kaming lahat sayo?! " tanong na sigaw ni Crissy.

"Nandoon kaming dalawa ni Rude sa Bahay nila... "
Cool na sabi nya. Agad naman akong nawalan ng mood sa sinabi niya. Hindi kaya? Gumawa na sila?!

************************************
Vote and Comment!!!

ALL ABOUT FRIENDSHIP { ON-GOING}Where stories live. Discover now