The Murderer(?)

303 15 7
                                    

The Murderer(?). Oh diba parang 'di pa ako sure nito. HAHAHAHAHA gawa-gawa ng title na hindi pinagiisipan ayan tuloy may question mark. HAHAHAHAHA


Hehe. Enjoy reading


_________________



"Good Evening po." tulala kong bati sa mga dumadating sa bahay namin na nakaitim at puti.




"Iha. Condolence." sabi sakin ng isang babae habang nakahawak pa sa braso ko.




Yumuko na lang ako bilang sagot.



Hindi ko pa rin matanggap ang nangyari. Wala na talaga. Wala na talaga ang mommy namin na sobra kaming minahal. Wala na ang aming ilaw ng tahanan. Wala na siya. Pinatay na siya.



Bigla akong nagulat sa paghawak sakin sa balikat ni kuya Shone.



Tumingin ako sa kanya ng hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha ko.



"Kuya, bakit?" malumanay kong tanong sa kanya.



"Pumasok ka na. Ako na lang dito." sabi niya na katulad ko ay malungkot din.



Tumango ako bilang tugon saka na pumasok sa bahay at pumunta sa coffin ni mommy.



Inilagay ko agad ang kanan kong kamay sa ibabaw ng glass. Masaya atang namatay si mommy dahil walang kahit konting kulubot sa mukha niya. Kaya dahil sa naisip ko napangiti rin ako.




May kinuha ako sa bulsa ko saka binuksan ang papel.



"Mommy, " tawag ko na nagpasimula ng pagtulo ng luha. "dapat ipapakita ko 'to sayo eh." natatawa kong sabi habang tulo pa rin ng tulo ang luha ko. "Kaso, iniwan mo kaagad kami. Hindi ka man lang nagpaalam." nabitawan ko yung papel saka yinakap ang coffin habang iyak ako ng iyak.



Hindi ko pa rin talaga matanggap. Hindi talaga siya katanggap-tanggap.




"Excuse me."



Napatayo ako ng maayos saka napatingin sa babaeng 'to na may takip pa sa mukha na parang veil sa kasal pero itim lang. Napapahid agad ako ng luha saka nginitian ang babaeng 'to.




"B-bakit po?"




Bigla niyang hinawakan ang wrist ko saka ako hinila papunta sa taas at dumiretso kami sa isang kuwarto kung saan nakaligpit ang mga gamit panglinis.



Kinabahan agad ako sa inaakto ng babaeng 'to.



Binuksan niya ang ilaw saka ko lang napagtanto na ang sikip-sikip pala dito. Pinaypay ko pa gamit ang kamay ko ang mga alikabok na sinusubukang makapasok sa ilong ko at napapaubo na lang.



"A-anong gagawin mo sakin?" bakas sa boses ko ang takot.



Siyempre nakatakip pa ang mukha niya tapos bigla-bigla na lang niya akong hinila papunta dito. Sino ba naman ang hindi matatakot?



"Shh wala akong gagawin sayo." napakunot bigla ang noo ko. Ang kaninang parang galit na boses niya ay napalitan ng boses ng isang anghel. Ha? Paano nangyari yun?



FOUR Sisters and a MAFIA Group (BTS X GFriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon