Sena is Dead?

262 11 6
                                    

Sena is Dead?. Oh diba may question mark na naman? Di lang sure 'te? HAHAHAHAHA


Haaaaay. Enjoy.

____________________



Gail's POV

Kahit kinakabahan tumalikod pa rin kami ni Gwen para harapin 'tong Lopez na 'to.

"Honey! Where were you?" tumakbo agad si Banesa at kumapit sa braso niya. Naparoll eyes na lang ako sabay buntong hininga. Nakakainis talaga tingnan 'tong babaeng 'to at ang kapabebehan niya.

"I'm not your honey. Get off me!" patago akong nagsmirk at muntik ng tumawa. Buwisit. Nakakatawa din 'tong eksena na 'to.

"B-but... but you're my boyfriend." naiiyak na sambit ni Banesa. Hay naku.

"You wish. We're done." sabi ni Lopez na nagpaiyak kay Banesa.

"W-what? Waaah! Huhuhuhu" parang bata 'tong isang 'to. Kabuwisit.

"Shut up!" tinutukan niya rin si Banesa ng baril kaya agad siyang tumayo at tumakbo papunta sakin. Kung makakapit 'tong babaeng 'to akala mo gusto ko. Buwisit. "Bakit kayo nandito?" tiningnan kami ng maigi ni Lopez kaya sunod-sunod akong napalunok ng laway. Nakakaduwag 'to buwisit. Kung hindi ba naman kami tinututukan ng maraming tao dito sa loob ng kuwarto ng baril edi sana inuna ko na lang sila.

"Nothing." sagot ko.

"Nothing?! I'm not a fool you idiot. You're here  for my gems aren't you? Well guess what, you have to go through me and my men first." how dare he call me an idiot?

"Alam pala nito ang sagot nagtanong pa. Buwisit."

"Ano sabi mo? Ikaw pa talaga may ganang mamilosopo ah." dahan-dahan niya muling itinaas ang baril saka kami tinutukan. Buwisit. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Sa susunod hindi na talaga ako mamimilosopo lalo na pag may hawak na baril yung pipilosopohan ko.

Biglang bumukas ang pinto kaya agad akong napabuntong hininga. Buti naman dumating na rin sila sa wakas.

"I see you brought some companies." napangiti siya saglit pero agad siyang sumimangot. Napakunot bigla yung noo ko. Alam mo feeling ko talaga may sayad to sa utak eh.

"Put the gun down Lopez." sabi ni Tannatia. Wala talagang kinakatakutan 'tong babaeng 'to.

"Put the gun down? Ha ha! Put the gun down?! What do you think of me? An idiot?!" obviously. "Listen Evans I had enough with you and your pests. Tell that f****** Boss of yours that why won't he take my gems himself. Huh? Is he scared?" nanggigil na ang isang 'to. Nagtinginan kaming lima saka napasmirk nalang.

Scared mo mukha mo. Hahaha buwisit.

Biglang nawala yung kuryente pero imbis na matakot napangiti ako. This is it. Alangan namang pupunta kami dito ng walang kaplano-plano. Siyempre meron 'no.

"Get out of there now." napahawak ako sa tenga ko at narinig ang boses ni Tristan sa earpiece.

Dahan-dahang binuksan ni Matt yung pinto at nauna na silang lumabas. Lalabas na sana ako eh kaso 'tong Banesa na 'to iyak pa rin ng iyak.

Hays! Ayoko talaga 'tong kabaitan ko. Nakakabuwisit.

"Let's go." bulong ko saka na siya hinila palabas.

FOUR Sisters and a MAFIA Group (BTS X GFriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon