Discovering the Meaning of "Word"

308 19 6
                                    

Discovering the meaning of "Word". Oh diba hindi pa sinabi kung ano yung word? HAHAHAHA iba diiiin.

Enjoy reading. Para akong baliw sa mga 'Oh diba' ko. HAHAHAHA

__________________





"Babs!" napalingon ako kay Lenzo na  bigla-bigla na lang tumayo at yinakap ako ng mahigpit. Ano ba naman yan. Kakadating ko pa nga lang parang papatayin naman ako agad ng baboy na 'to sa higpit ng yakap niya.





"Babs, naiipit na yung boobies ko." sabi ko sa kanya saka napapout. Agad naman siyang humiwalay sa yakap na nagpabuntong hininga sakin. Salamat naman at naisipan niya ring kumawala. Masyado ng ipit yung boobies ko kanina pa eh. Sabi pa naman nila may chansang mawala daw 'to lalo na at parang lumiit siya ngayon.



"Babs, lalaki ako. Alam ko kung may "boobies" ang isang babae o wala. At ikaw, wala ka okay? Hahaha" kinalat niya ang buhok ko pero patuloy lang akong nakapout.




Paano naman niya nasabing wala akong boobies kung saan araw-araw nakikita ko 'to tuwing naliligo? Siya nga 'tong wala eh. Makapagsalita 'to akala mo may boobies. Wala naman. Tss. Nagsalita ah. Tsk. Tsk.



"Paano mo naman nasabi Babs na wala? Bakit? Nakakita ka na ba ng boobies?" curious kong tanong. Hindi ko naman kasi alam kung bakit niya nasabi na wala ako eh. Meron kaya.



Umiwas siya ng tingin saka namula. Oh. Ba't siya namumula? Waah! May sakit ba siyang hindi niya pa sinasabi sakin? Naman talaga 'tong baboy na 'to andami palang tinatago hindi man lang ako kinausap. Akala ko pa naman magbestfriends kami. Napapout ako bigla habang nakatingin sa kanya. Ang unfair unfair talaga nito. Ako nga sinasabi ko sa kanya lahat ng secret ko eh.




"A-ano kasi Babs eh---"



"At ngayon mo pa talaga naisipang sabihin yan sakin?!" hindi ko alam kung bakit siya nabigla sa pagtaas ko ng boses. Pinahid ko ang luha na tumakas sa mata ko. Hindi ko naman kasi mapigilan 'to eh. Naiinis ako sa baboy na 'to. May secrets pa palang tinatago. Nagpromise pa naman siya sakin na ishshare niya lahat sakin.



"Babs, ba't ka umiiyak?" lumapit siya sakin pero umiwas ako. Traydor.




"Hindi  ko inakala na ganyan ka pala Babs." tumulo ulit ang luha ko nung sabihin ko yun.



Naglaglag siya ng balikat sabay buntong hininga.



"Alam mo na?" malumanay niyang tanong.



"Oo Babs. At itinago mo pa talaga sakin." kung may sakit siya puwede niya namang sabihin eh. Hindi yung itago na lang habang buhay. Sabi nga nila kung may secret, i-share!



"Okay, sorry Babs." seryoso niya akong tiningnan. "Sinubukan kong itago ito sa lahat. Kasi iba yung pagkakilala niyo sakin hindi ba? Pero Babs, lalaki pa rin ako." halos napipiyok niyang sagot.




Kumunot ang noo ko. Porket lalaki kailangan ilihim na lang lahat? Ano ba naman 'tong baboy na 'to. Sakit kaya yang tinatago niya. Wala ba kaming karapatan na malaman yun? Naku talaga 'tong baboy na 'to. Naku.



"Ano ba kasi yung tinatago mo?" oras na para malaman kung ano talaga ang sakit ni Babs. Matigas man ang ulo nito pero gaya ni Dora, kailangan ko rin siyang tulungan.




FOUR Sisters and a MAFIA Group (BTS X GFriend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon