Chapter 8

8.6K 332 11
                                        

ALTHEA

Gising na ang diwa ko pero tinatamad pa akong bumangon dahil inaantok pa ako. May tumutusok sa pisnge ko kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. 

"Hoy, Althea! Gumising ka na nga riyan. Ma-le-late na tayo!" dinig kong bulyaw niya sa 'kin.

Hindi ko maaninag kung sino ang babaeng nagsasalita dahil nanlalabo parin ang paningin ko. Kumurap ako saka kinusot ang aking mga mata.

"Oh, bestie. . . Good morning!" bati ko sa kaniya saka ngumiti. Kagaya ng palagi niyang ginagawa sa 'kin, pinitik niya ang noo ko. "Aba, hoy manang Althea. Bumangon ka na!"

Nang tingnan ko siya ay nakatayo na siya at nakapamewang sa akin. Tapos na rin siyang maligo at nakabalot sa katawan niya ang isang towel na para bang isa siyang lumpia.

Hilahin ko kaya 'yong tuwalya? Chos.

Nang mag-sink in muli ang nangyari kahapon sa isip ko, "Ano? Bakit ngayon mo lang ako ginising!" sigaw ko sa kaniya saka ako nagmadaling bumangon.

Ngayon ko lang napansin na 'yong suot kong damit ay ang suot ko pa no'ng nasa school pa kami. Ilang araw na ba ang nakalipas. . . wala nga akong ligo. Shit! Oh my gosh talaga.

"Shunga! Anong gigisingin eh ayaw mo ngang magpagising, isa pa eh kasalanan mo na 'yan 'no!" ani Angeline. Pero hindi ko na lang siya pinansin, bahala siya riyan.

May human size palang salamin sa kwarto, kaya lumakad ako at tumayo sa harap nito. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Hindi parin talaga ako makapaniwala kung nasaan ako ngayon at kung anong nangyari sa akin this past few days.

Napansin ko ang namumula kong noo kaya naman napakunot ako ng noo. Hinawakan ko ito gamin ang hintuturo ko, dahil ba ito sa matigas na bagay na tumama sa 'min kahapon? Jusko, ang sakit no'n ah! Pero hayaan na, may bangs naman ako na pantakip dito para hindi ito mapansin.

"Hoy, Althea! Ano na, tanghali na oh! Galaw-galaw baka matunaw," bulyaw niya sa 'kin.

Pumasok ako sa loob ng banyo at agad na tinaggal ang lahat ng saplot ko. Jusko, nakakadiri nga. Ang baho-baho ko na, lilinisin ko talaga ang katawan ko nang bongga!

Matapos kong maligo, may nakalimutan pala ako at 'yon ay ang, one and only bath towel.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng banyo at isinilip ko sa labas ang ulo ko, "Ah. . . Angeline?" pag-agaw ko sa kaniya ng atensiyon dahil abala siya sa pagsuot ng kaniyang medyas.

Tumingin siya sa 'kin. "Yes?"

"Paki-abot nga ng tuwalya, please." Hindi naman siya nag-aksaya ng panahon dahil lumakad ito patungo sa isang cabinet at kumuha siya ng towel.

"Oh, bilisan mo riyan dahil ma-le-late na po talaga tayo!" sabi niya sabay bato sa akin ng tuwalya. Mabuti na lang talaga at good catcher ako.

Pinunasan ko ang buong katawan at buhok ko gamit ito saka itinapis sa aking sarili. Binuksan ko na rin ang pinto, siyempre sa labas ng banyo ako magpapalit dahil nandoon ang kahon? Not sure kung nando'n kasi nga hindi ko alam kung nasaan.

"Angeline, hintayin mo na lang ako sa labas ng kwarto. Magpapalit pa ako," sabi ko sa kaniya.

Parang tapos na rin naman kasi siya eh. Kaya kahit na pareho kaming babae, hindi pwede at hindi ako sanay na may kasabay o nakakakita sa 'kin kapag nagpapalit ako ng damit.

Wala siyang imik at hindi gumagalaw kaya naman malakas kong ipinalakpak ang aking kamay. "Hooray! Dali na bestie. Labas!" sigaw ko.

Tumayo na siya at lumakad patungong pinto, bago niya isinara ang pinto narinig ko pa siyang magsalita. "Dalian mo Althea!"

Morore AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon