ALTHEA
Mahaba-haba ang naging klase namin kanina sa history at tungkol pa talaga sa mga magics. Dahil nga sa hindi naman ito boring, siyempre ay nakinig ako.
"Bes, punta na lang kaya tayo sa Cafeteria? Tutal mas maganda kung doon tayo kakain 'di ba?" panimula ni Angeline.
Tapos na kasi ang klase namin at kaming dalawa na lang ng kaibigan ko ang narito sa classroom. Parang may hinahabol nga 'yong mga kaklase ko at 'yon ang hindi ko alam.
Lumabi ako na para bang isang bata kay Angeline. "Ok. . . kaya lang baka maubos pera natin dito 'no!" tumayo ako saka siya hinarap. "Parang mamahalin nga rin ang mga pagkain dito!"
"Hindi 'yan. Narinig ko sa mga tsismosa na kapag may kaganapan dito sa Academy ay nadadagdagan ang mga allowances natin," paliwanag niya.
Tsismosa raw, naku 'tong bestfriend ko napaghahalataan.
✂-----
Then here we are, isang malawak na cafeteria kung saan present ang mga bata, matanda at ka-edad ko. Well, maraming pogi. Siguro maganda na ako today and wala na ako dapat katakutan pa dahil wala naman na si Becca rito sa Magical World.
Ang ibig kong sabihin ay Morore—weird ng pangalan ng mundong 'to. Sino ba kasing founder at bakit gan'to ang napiling ipangalan? Pero ang importante, masaya ako ngayon.
Hawak ko ang magkabilang side ng isang tray ng mga pagkaing in-order ko at salamat naman dahil walang pinagkaiba ang kinakain nila rito sa mundo namin. Dahil kung kagaya ng sa mga napapanood ko na uod or something strange, babalik na lang ako sa mundo namin.
Iginala ko ang aking tingin saka ako napabuntong hininga. "Ang malas naman natin bes, ikaw kasi ang pabebe mo masyado!" pagdadabog ko.
"Ba't parang kasalanan ko? Ba't parang galit ka?" drama niya.
"Tse! Ewan ko sa 'yo."
Puno na kasi lahat ng upuan maliban sa isang parihabang lamesa na pinapalibutan ng anim na upuan. Nasa dulo pa talaga mismo. Hindi naman siguro reserved o may uupo ro'n 'di ba?
"Angge, do'n oh." Itinuro ko ang direksiyon ng bakanteng lamesa gamit ang labi ko.
"Nice, tara!" Kaya naman lumakad na kaming dalawa patungo ro'n.
"What the hell? Anong pumasok sa isipan nila at bakit pupunta sila ro'n?" rinig kong sabi ng isang estudyanteng nalampasan namin.
"'Di ba silang dalawa 'yong transferee?"
"Yeah, galing sa Earth."
"That's why they didn't know kung kanino ang lamesang 'yon."
"Goodluck na lang."
Napailing ako at hindi ko na lamang pinansin ang iba pa nilang sinasabi. Hanggang sa tuluyan naming narating ang lamesa. Dahan-dahan kong inilapag ang dala kong tray. Ngumiti ako sa kaharap kong kaibigan saka ako umupo.
Nilanghap ko ang aroma na nagmumula mula sa mainit na kanin, napakabango nito at naiiwan ang amoy nito sa ilong ko. Gano'n din ang karne, sisig yata ang tawag dito dahil ang ganda ng pagkakaprito ng karneng baboy. Excited tuloy akong kagatin ito.

BINABASA MO ANG
Morore Academy
FantasíaAlthea Scarlet is her name. A typical high school student with lofty ambitions. Isa siyang nerd at her school, which is why she is always bullied. Until something unexpected happens. The school where she currently enrolled was assaulted by Kapral Du...