ALTHEA
SERYOSO ba siya sa sinabi niya na hahalikan niya ako rito mismo? No way! In his dreams. Nanakaw na nga 'yung first forehead kiss ko ng naughty President na 'yun tapos hahalik pa 'tong si Tyler?
"Hoy, Tyler. Akala mo ba natatakot ako sa 'yo?" Tinaasan ko siya ng kilay para naman masindak siya. "Siyempre, hindi. Kahit na so-called cold ka pa, wala akong pakialam!"
Instead of saying something, ngumisi lang siya sa 'kin. Hindi ako maka-react nang buong pwersa niya akong hinila patungo sa kaniya, he succeeded dahil naikulong niya ako sa kaniyang mga bisig.
Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ko makita ang mukha ng lalaking 'to grrrr. Napatayo ako ng maayos nang maramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa bandang leeg ko.
Kumurap ako ng dalawang beses. Is he a vampire? Oh my gosh, parang 'yung mga napapanood ko sa pelikula 'to ah! Paano kung kagatin niya ako? Edi, rawr!
"Where do you want me to kiss you?" bulong niya sa 'kin and just like what I've felt earlier with Seiko, nakiliti ako ng kaniyang mainit na hininga. "Here?" He pointed around my ears.
Kung hindi nakakainis ang lalaking 'to, nakakatakot naman siya! Sexual harassment na 'to at alam kong 'yung mga fans kuno niya ay talagang paparangaping sila 'yung nasa sitwasyon ko ngayon sa lalaking 'to. Pero. . . ako 'yong nandito eh.
"Huy, bastos ka! Manyak!" bulyaw ko't sinusubukang kumawala sa kaniya. Pero sadyang malakas siya dahil mahigpit ang pwersa niya sa 'kin.
"No, I'm not."
"Oo manyak ka, kaya please lang Tyler bitawan mo na 'ko kasi marami pa akong gagaw—"
Napahinto ako nang bigla niyang ipinatong ang kaniyang baba sa balikat ko at narinig ko siyang bumuntong hininga.
"I'm not feeling well," bulong niya.
"Anong pinagsasabi mo?" Kunot ang noo kong tanong sa kaniya. He's not feeling well daw pero nagagawa niyang magsungit at maging isang manyak. Pero paano kung totoong hindi nga maayos ang pakiramdam niya? Baka ako pa ang sisihin.
Kumawala ako mula sa kaniya at dahan-dahang hinarap siya. Agad kong inilapat ang likod ng aking palad sa kaniyang noo. "Sinungaling, wala naman ah." Hindi naman kasi mainit, ang lamig nga eh.
Unti-unting gumuhit sa labi niya ang isang matamis na ngiti. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa noo niya at unti-unting ibinaba ito patungo sa kaniyang dibdib. "Right here," aniya. Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso and I froze for a second. For a moment, hindi ako naiinis sa kaniya.
Nang tumingala ako sa kaniya ay nahuli niya agad ang aking tingin. Hindi ako nakaiwas dahil nagtama ang aming mga mata, as if we understand each other kasi hindi ko mabasa ang emosyon ng sa kaniya. Shocks! Baka kung ano pang isipin ng lalaking 'to!
"Oh my goodness, what's the titigan moment here?" Sabay kaming napalingon ni Tyler sa nagsalita at si Aubrey iyon. "At talagang oh my gosh-may pahawak sa dibdib. What's the meaning of this?" Napatakip pa siya sa kaniyang bibig pero nakapaskil sa kaniyang mukha ang pagiging masaya. . . wait, kinikilig ba siya?
Tyler cleared his throat kaya binawi ko ang kamay kong nakapatong sa dibdib niya. "Umiral ang kademonyohan ng aking kamay kaya biglang gumalaw af pumatong sa dibdib ni Tyler," pagsisinungaling ko gamit ang isang popular na video na napanood ko sa FB. Sana man lang ay gets niya.
Mukhang hindi ko nakumbinsi si Aubrey dahil mas lumawak ang kaniyang pagngiti. "Ba't 'di nadedemonyo ang kamay ko? Ikaw Althea ah, mukhang may 'di ka sinasabi sa 'kin." kantyaw niya.
Napalunok ako dahil hindi ko na alam pa ang sasabihin. Sumulyap ako kay Tyler at binigyan siya ng 'say something' look. Ngunit ang hayop na lalaking 'to, ang maamo at nakangiting mukha niya kanina'y bumalik muli sa seryoso niyang mukha. Nagpamulsa rin siya at umiwas ng tingin. Parang wala man lang nangyari!
"Okay, guys. Nevermind!" saad ni Aubrey. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko, "Althea. May ibibigay ako sa 'yo, sumama ka sa 'kin."
Tumango ako at nilingon niya si Tyler. "And ikaw naman so cold na Tyler, hinahanap kayo ni Headmas—"
Walang modo talaga 'tong lalaking 'to. Hindi man lang pinatapos magsalita si Aubrey dahil tumalikod na lang ito at parang bulang naglaho.
"Attitude talaga," bulong ni Aubrey.
Nakaka-stress talaga ang lalaking 'yon, okay sana kung hindi masama ang ugali niya kagaya ng kay Seiko-manyak nga lang. . . Oo nga pala, may sasabihin pala sa 'kin si Aubrey.
"Psst, ano 'yun?" saad ko.
Kumunot ang noo niya saka bumitaw sa pagkakahawak sa 'kin. "Anong ano 'yun?"
"'Di ba may ibibigay ka sa 'kin, sinabi mo kanina," sagot ko. Hindi yata siya nakapag-take ng memory plus gold.
"Ah oo nga pala," sabi niya at may hinanap siyang kung ano sa dala niyang shoulder bag. Nang ilabas niya ito, isang kuwintas na kulay ginto. Crescent moon at sa gitna nito ay may nakaukit na letrang R. "Kuwintas 'to ng mga royalties."
So it's true, isa nga talaga ako sa mga royalties. Hindi ko man lang alam kung paano at sa dami ng mas deserving ay bakit ako pa?
Hinawakan niya ang kanang kamay ko at inilapat niya sa aking palad ang kwintas. Kumislap ang letrang R kaya napangiti ako. Kung isanla ko kaya 'to sa 'min? For sure mataas ang magiging presyo nito. Mabigat kasi kaya halatang hindi peke.
"Ingatan mo 'yan ah." Tumango ako bilang tugon. "Kapag 'yan nawala mo ay talagang malilintikan ka sa 'kin," talagang pinandilatan pa niya ako ng mata. "Joke lang. . . Anyway, nasaan si Angeline? Ba't 'di mo siya kasama?"
"Nasa apartment siya, paniguradong natutulog lang 'yon ng mahimbing," saad ko.
"Ah. . . So saan punta mo now?"
"Hindi ko alam," mahina akong tumawa. Totoo naman kasi eh, after ng mga nangyari sa 'kin ngayong araw ay pakiramdam ko wala na akong gana. "Siguro matutulog na lang muna ako."
"Sige, maiwan muna kita diyan," aniya.
"Sige, see you later!"
So ayon nga, nawala na siyang tuluyan at hindi ko na maaninag ang kaniyang pigura. Bumuga ako ng hangin saka inayos ang aking sarili.
Lumingon ako sa magkabilang side ko. Saan nga ba ako dumaan kanina papunta rito? Jusq, hindi ba ako nakapag-take ng Memu plus gold? Bahala na nga.
Nagsimula na akong lumakad sa aking kanan since ito ang sinisigaw ng aking instinct. Pati ba naman kasi rito hindi ako sigurado.
Habang naglalakad ako, may lalaking mabilis na tumatakbo patungo sa direksiyon ko. "Tabi!" huli na ang lahat dahil unti-unti kong naramdaman ang pagbagsak ko sa sahig.
"Sorry miss. . ." aniya saka nagmamadaling umalis.
"Walang modo, ayos ah."
Pero ang nakapagtataka. . . Pamilyar ang lalaki, at bakit kapareho ng hawak niyang bracelet ng kay Angeline?
Sinubukan ko ulit siyang tanawin ngunit nabigo ako. I think kailangan kong i-check ang kaibigan ko.
____________
BINABASA MO ANG
Morore Academy
FantasíaAlthea Scarlet is her name. A typical high school student with lofty ambitions. Isa siyang nerd at her school, which is why she is always bullied. Until something unexpected happens. The school where she currently enrolled was assaulted by Kapral Du...