ALTHEA
Nasa loob na kami ngayon ng aming dorm o apartment. Hindi ko alam ang tawag, sige. . . bahay na lang. Tapos na rin akong magpalit ng uniform dahil nga sa nangyari kanina.
Nasa salas kami ngayon at magkatabi kaming tatlo sa isang malawak na sofa. Pinagitnaan nila akong dalawa at nasa kanan ko si Angeline habang nasa kaliwa ko naman si Aubrey.
Nanonood kami ngayon ng TV habang hawak-hawak ko ang isang kahon ng popcorn. Hindi ko alam na may mga drama pala sila rito ngunit mas quality nga lang at solid ang aktingan nila kumpara sa mundo namin.
Napatigil ako sa paglamon nang biglang napatitig sa 'kin si Aubrey. Kaya sumulyap ako sa kaniya nang nakakunot ang noo. "May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko sa kaniya.
Umiling siya saka uminom sa baso niyang may laman na Juice. "May sasabihin sana ako pero 'wag kayong magagalit mga fren," panimula niya kaya naman tumango kami ni Angeline bilang tugon. "'Yang kulay pula sa noo mo Althea, ako 'ata ang may gawa niyan dahil sa paghampas ko ng palayok kahapon," dagdag niya.
Nanliit ang mga mata ko dahil nawala na rin naman sa isip ko ang pangyayaring 'yon. "Huy, ang bastos! Ba't mo naman ginawa sa 'min iyon. Ang gandang pa-welcome naman nu'n," usal ko.
"Akala ko kasi 'yong mga boys na naman ang kumakatok at mangi-istorbo na naman sila kaya gano'n," paliwanag niya. "Sorry."
"Okay lang 'yon fren, ang importante eh hindi kami namatay, baka multuhin at hindi ka namin patatahimikin 'pag nagkataon," biro ni Angeline sa kaniya.
"Ghost isn't real tho," aniya.
"Siguro," kibit-balikat ni Angeline saka siya tumayo. "Kuha lang ako ng tubig sa ref," paalam niya bago tuluyang pumuntang kusina.
"Aubrey may tanong ako, mag-isa ka lang ba rito sa bahay bago kami dumating?" usisa ko sa kaniya.
Ngumiti siya sa 'kin saka ibinaling muli ang atensiyon niya sa harap. "Actually, no," tugon niya, "kilala mo na naman si Lynberg 'di ba? Imposible namang hindi."
Tumango ako. "Oo naman," pagkumpirma ko.
"Isa rin kasi si Lynberg sa mga Royalties. Ngunit isang beses ko lang siya nakasama rito sa loob ng apartment at hindi kasi siya gaano pumupunta rito dahil palagi siyang nasa klinik. Isa kasi siyang healer at naiintindihan ko naman na busy siya sa mga research at pasyente niya," paliwanag niya.
Tumango-tango ako para ipakitang nakikinig ako sa kaniya. "Napakahusay niya sigurong manggamot 'no?"
Tumango siya. "Sobra."
Sabay kaming napalingon ni Aubrey kay Angeline nang bumalik na siya. "Oh anong tsismis ang na-miss ko?" tanong niya. May hawak siyang isang pitsel ng tubig, inilapag niya ito sa lamesa saka naupo ulit sa tabi ko.
"Ang tagal mo namang kumuha ng tubig, in fairness sa ikapitong bundok ka pa yata kumuha," kantiyaw ni Aubrey.
"Shunga, mga plastic kami at bina-back stab ka namin fren," hirit ko naman.
"Magsitigil nga kayong dalawa. Mabuti pa Aubrey, linawin mo nga sa 'min 'yang royalties-royalties na 'yan. Naiignorante ako eh," dikta ni Angge.
"Sige, saan ba dapat ako magsimula?" tanong niya.
"Sa ending para mas interesting," sabi ko sabay bato ng pop corn sa mukha niya. Tatanungin pa kasi eh, anong alam namin diyan? Wala, as in empty.
Lumabi si Aubrey. "Ba't naman kailangan mambato?" aniya saka ipinakita ang basong hawak niya. "Paganti nga ako."
"Subukan mo, itatapon kita sa mars," banta ko.
"Anyway. . . huwag nga tayong lumayo sa topic natin," sabi niya saka siya bumuntong hininga, "ang mga royalties ay isang grupo ng mga estuduyante kung saan nakitaan ni dean ng kakaibang potensyal kumpara sa mga ibang estudyante rito. Sila rin 'yung mga sinasabak sa mga delikadong misyon. Mostly, mas previlege ang nae-experience ng mga royalties kumpara sa mga ibang students."
Ay, ang taray. Sana all kasi may powers. Ano ba kasing magic ko? Nakakainis, wala man lang akong idea.
Uminom muna siya ng tubig saka nagpatuloy, "Nagtataka kayo siguro kung sino 'yong mga kasama ko kaninang lalaki, well. . . Ikaw lang siguro Althea since na tsismis ko na naman ang ibang impormasyon kay Angeline nang wala ka pang malay na nakaratay sa klinik."
"Oo nga, shunga mo kasi ghorl. 'Yan tuloy nahuli ka sa mga tsismis," pagsang-ayon ni Angeline.
Itinaas ko ang isang kilay ko. "Edi kayo na!"
Naging tahimik ulit kami, pagkatapos. Nagiging intense na rin ang pinapanood naming movie dahil nasa climax na ito.
"Aubrey," pag-agaw ko ng kaniyang atensiyon at hindi naman ako nabigo dahil nilingon niya ako.
"Oh?"
"Sino 'yong mga royalties? I mean pwede mo bang sabihin kung sino-sino sila?" tanong ko.
Baka kasi biglang sumabog isipan ko at hindi ako makatulog ng maayos kapag binabagabag ako ng isang tanong. Mas mabuti na iyong nalalaman ko na ang sagot para peaceful ang buhay.
"Ah, sige. . ."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumakad patungo sa harap. Malapit sa TV kung saan nakapwesto ang isang maliit na lamesa, kinuha niya ang isang picture frame mula roon at binitbit niya 'to palapit sa 'min. Huminto siya sa sandaling nasa harapan na namin siya.
Ngumiti siya saka ipinakita kung anong meron sa picture frame na hawak niya. "Kami 'to, group picture naming mga royalties," turo niya sa mga gumagalaw na litrato. 'Yung parang sa Graphic Interchange Format(GIF) sa mga messenger and so on.
"Woah ang cool," sabay naming bigkas ni Angeline. Hindi naman na ako magtataka kung paano since nasa magical world ako. Ang nakapagtataka lang ay kung paano nila 'to kinuhanan ng litrato, camera parin ba?
"Siya si Seiko Morris," turo niya sa isang lalaking may unbuttoned na white long sleeve polo shirt at hindi pa maayos na naitali ang kaniyang neck tie. Magulo ang kaniyang buhok, messy hair kumbaga at nakasuot pa siya ng eyeglasses. Ang attractive niya tingnan, single kaya siya?
"Huy, Althea. Papasok na ang langaw sa bunganga mo," natatawang saad ni Angeline.
Itinikom ko ang aking bibig at sinuri ang ere kung totoo ba. "Wala naman ah, sinungaling!" maktol ko. Pero gets ko naman ang ibig sabihin ni Angeline. May kakaiba kasi kay Seiko, and I really admire his appeal.
Tumahimik kami pareho nang magpatuloy si Aubrey sa pagsasalita. "Si Seiko ay ang ating student council president. He's really strict sometimes that's why nobody else dares to interrupt kapag siya na ang nagsasalita. Like he's so smart and talented. I think his magic has something to do with Air or Wind, hindi ako sure."
"Ang pogi at cool ng dating," komento ni Angeline.
"Ito naman ang balasubas at pangit kong kapatid, as in twin brother," sabi niya saka tinuro niya si Red na katabi ni Seiko sa litrato. "Siya si Red Hamilton at ako naman si Aubrey Hamilton. Ice magic at ako naman ay Water type magic."
Umupo siya sa tabi ko. "Lastly," aniya saka inilapag ang hawak na picture frame sa lamesa. "Siya si Tyler Ginovea. Sa tingin ko, siya ang pinakamagaling sa 'min when it comes sa pagkontrol ng magic. Like sabay-sabay kami sa pag-training noon pero I would say, magaling talaga siya. That's why aside from being the most popular here in academy, powerful din siya."
Malakas pala ang ungas na 'yun. Hanggang ngayon ay nanggigigil padin ako sa kaniya.
"'Di naman siya gwapo. GGSS pwede pa," komento ko.
Magsasalita pa sana si Aubrey ngunit natigilan siya, hindi ko alam kung kokontrahin ba sana niya ako nang biglang magsalita si Angeline. Naunahan siya nito.
"Pero guys! Oo nga pala, may klase pa tayo sa Artifacts keme-keme, and anong oras na oh," bulyaw ni Angeline.
Nagkatinginan kaming tatlo. Dahil nga gandang-ganda ako sa aking sarili ay nauna akong tumayo at nag-flip ng hair. "Tara na!"
"Wait, nakalimutan kong sabihin na kayong dalawa ay kabilang na rin as royalties."
BINABASA MO ANG
Morore Academy
FantasyAlthea Scarlet is her name. A typical high school student with lofty ambitions. Isa siyang nerd at her school, which is why she is always bullied. Until something unexpected happens. The school where she currently enrolled was assaulted by Kapral Du...