"Sissy, pumayag ka na. I already informed my professors that I'm going. Nakakahiya naman kung hindi ako tutuloy. Ang kaso kasi, may photoshoot ako sa Baguio at hindi ko iyon p'wedeng palampasin. Please, sissy? Pupunta ka rin lang naman talaga, e. All you have to do is to pretend that you are me."
Sunod-sunod na pag-iling ang agad na natanggap niya mula sa akin pagkatapos ng mahaba niyang litanya. Naisip ko, ano nga ba talaga ang dahilan at hinihingi niya sa akin ito?
"Don't you want it? It's a privilege. They will treat you as a celebrity. Malay mo, may special treatment ka ring matatanggap. Besides, hindi ka nila makikilala bilang ikaw. Hindi ba mas gusto mong nagtatago? And . . . " binitin niya ang kanyang linya saka ako hinawakan sa kamay," we're sisters."
Nailed. Sa lahat ng taong nakilala ko, siya na yata ang pinakamagaling mangumbinsi. Alam na alam na niya ang kahinaan ko at 'yun ang lagi niyang ginagamit laban sa akin—na 'we are sisters' daw. Oo, ang kapatid ko ang kahinaan ko, at napaka-ironic na siya rin ang pinanggagalingan ng lakas ko. Ang hirap tumanggi sa taong mahalaga sa'kin.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. "I can't assure you that I will be able to—"
"No, my dear. Huwag mo kasing pangunahan ang mga bagay-bagay. The more you doubt about yourself, the more you fail. So better say 'Kaya ko'. Okay?"
Na-pokus ang atensiyon ko sa kaniya. Pinangaralan na ako ng kapatid kong walang binatbat ang talino mula sa akin. Well, that's not the matter from the first place. Pretending is a sin. Panloloko ito. Malinaw na panloloko. Ayaw kong manloko at mas ayaw kong lokohin ang sarili ko.
Hindi ito magandang ideya ngunit mukhang nananadya ang tadhana dahil wala na siyang itinirang paraan para makalusot ako.
I took a deep sigh and slightly shrugged my shoulders. That simple gesture brought hope to my sister's eyes.
"Is that a yes?" Ngiting-ngiti siyang nagtanong.
Gusto kong humindi pero ayaw kong mawala ang bakas ng pag-asa sa kanyang itsura. I guess failing that hopeful smile is worse than shoving my butt out. Kaya sa hulihan ng aming diskusyon, I ended up saying 'yes'. It is really tough arguing with the one I love.
"Oh, thank you! Thank you! Thank you!" Her voice gave me the noise I can only hear in the queue of tricycles. I always envy the taste of delight in between her words.
Tatakbo na sana siya palapit sa akin pero itinaas ko ang kamay ko, senyales na huwag niya akong lapitan. Natawa naman ako nang mahina sa reaksiyon niyang parang batang inagawan ng kendi.
"So, unahin natin ang bestfriend kong si Alminaza." She fixed her position, her voice resembles a professor who is about to start the class for the first time. "You can call her Ami. Hanggang baywang ang buhok niya. Mahilig siya sa maaanghang at maaasim, at magaling din sa gardening. Mahilig ka rin naman sa bulaklak kagaya ko kaya siguradong masasakyan mo siya. Basta, just go with the flow na lang kung naroon ka na. Hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari. Siguro naman hindi ko na kailanga'ng sabihin ang mga characteristics at favorites ko, ano? You know me more than I do."
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon kuno, though I beg to disagree. No one knows you more than yourself.
"Kalma ka lang. Umakto kang normal. Hand gestures, paki-check. 'Yang pananalita mo, insert more articulation and be friendly. Mag-ingay ka dahil ganoon ako. Always talk as if you're professional, kahit hindi ka na sure sa sinasabi mo. Pero ha, huwag masyadong pure ang english, baka 'di ka maintindihan." She stopped as she took a deep breath. Pinaypayan niya ang kaniyang sarili gamit ang kamay habang kunwaring pinunasan ang pawis sa noo. I laughed. My sister has really a sense of humor.
![](https://img.wattpad.com/cover/99058751-288-k49429.jpg)
BINABASA MO ANG
Writing my Destiny
أدب المراهقينSarina Cruz is an anonymous author. She has been doing the cycle of her life in silence and in dark. For her, the world orbits smoothly until her twin sister, Shiyuri, asked her a dangerous favor. If she is living in silence, her sister is exposed i...