Chapter 5

22 0 0
                                        

Shout out kay MARK ANTONY CADIENTE (APEKZ) kahit ikaw lang sa valentines LOL hahahha!!

mahal na mahal po kita idool
--EIKIM

















Cath POV:

Nilingon kong muli ang loob ng apartment ko at ngumiti.

Everything is PERFECT.

Malayang nakalutang ang ibat ibang kulay ng mga lobo sa kisame at sa bawat tali ng mga ito ay nakasabit lahat ng message ko para sa kanya.

Sa gitna nitoy nakalagay ang dalawang upuan at isang mesa na pinag patungan ko ng paris ng plato,baso at kutsara't tinidor. At sa pinaka gitna naman nito ay nakalagay ang isang kandila.

Nilagay ko muna sa ref ang mnga pagkain para hindi masira..

At sa pader nakadikit naman sa side ang kulay Puting Kartolina na may nakasulat na

"WE MADE IT MAHAL"
Na pinalilibutan ng mga pictures namin.



Hay sa wakas dumating na rin ang araw na pinaka hihintay namin. Ginawa ko to kase balak ko syang surpresahin pagkatapos ng program. Nagpakawala ako ng malawak na ngiti bago isara ang pinto.

Pupunta ako sa bahay nila Angelo ngayon dahil nag presinta si Tita Marizel na sya na lang daw ang mag aayos sakin.

Mama sya ni Angelo at tinuturin narin nya akong anak at ganon din ako sa kanya. Sobrang close namin ni tita lalo na at wala syang anak na babae.

Dalawa lang sina Angelong magkapatid at nasa ibang bansa pa ito ..

Si Laimer De guzman . Magkasing edad lang kami nito kayat madali ko lang syang maka gaanan ng loob ng andito pa sya.

Madalas din syang pagselosan ni Angelo noon kayat ng umalis ito ay parang natuwa pa ang g*go!

Pagdating ko sa bahay nila kaagad akong pinapasok ng mga kasambahay. Kilala na ako dito dahil madalas akong dalhin ni Angelo dito lalo na't pag namimiss ako ni tita.

Nakita ko syang nakaupo sa sofa at agad ding napatayo ng makita ako. Ngumiti ito at niyakap ako.

"Ow how i miss you young lady"
Casual na wika nito

"Na miss ko na rin kayo tita"

"Di mo na kasi ako dinadalaw"

"Pasensya na po naging busy kasi sa school"

"Haha binibiro lang kita so wait lang mag hahanda muna ako ng miryenda bago tayo magsimula" nag wink pa ito bago umalis .

tumawa naman ako at tumango.

Tinawagan ako ni Angelo kanina at sinabing susunduin na lang ako nito dahil sa condo daw nito sya mag bibihis.

5:30 narin ng ayusan ako ni tita nag kwentuhan lang kami habang inaayusan nya ako.

Si tita ay dating make up artist ng kapanahunan nya pero ng ikasal sila ni tito Leo ay hindi na nito pinagtrabaho si tita. Kayat sobrang puti nito dahil madalang lang syang lumabas ng bahay.

Nakuha ni angelo ang physical appearance ni Tita pero yung ugali nya ay kay Tito naman. Pareho kasi silang responsable at mapag mahal.

Kayat alam kong magiging maganda ang future ko pag sya ang naging asawa ko.

Ng matapos akong ayusa ni tita, isunuot ko na ang isang black backless dress na above the knee ang haba at black heels na 3 inches.

Light make up lang ang ginawa ni tita na bumagay naman sa mukha ko. Tumingin ako sa salamin bago mag pasalamat kay tita.

"Thank you tita" tsaka ko ito niyakap

"Youre always welcome my dear"


Ng matapos ay dali dali kaming bumaba dahil nandoon na daw si Angelo.

Pagdating sa baba nakita ko agad sya suot ang black polo nya na tinupi hanggang siko at black fitted jeans na bumagay sa kulay nya.

Doon ko lang napansin na terno pala ang suot namin.

Lumapit agad ito sa akin

You're so gorgeous as ever mahal" wika nya bago ako hapitin palapit sa kanya at yakapin

"At ikaw naman Mahal napaka gwapo mo " ganti ko dito

Ngumiti ito at hinalikan ang tungki ng ilong ko

"Mamaya na yan at baka malate pa tayo" natatawang wika pa ni tita

"Mama talaga eh kahit kailan" pagmamaktol pa ni Angelo na nagpangiti sakin













Pagdating namin, halos lahat ng estudyante ay naroroon na. Hinatid muna ako ni Angelo sa pwesto ko bago ito pumunta sa kanya.

Lahat ay nakikinig ng mag simula na ang program. Marahil ay naeexcite na silang tawagin at makuha ang deploma na pinag hirapan nila.

Ganon din naman kasi ang nararamdaman ko. Sa wakas ay may mapapatunayan na ako kina mama. Alam ko namang proud sila sakin kahit di sila makakapunta at naiintindihan ko naman iyon.

Nilingon ko si Angelo at napangiti ng makitang nakatingin din ito sakin.

Ako na ang unang umiwas at sa paglingon ko sa bandang gilid ay nahagip ng mata ko si.... Jared na nakangising nakatingin sa akin. Pati ba naman ngayon? Umiwas ako ng tingin at Iwinaksi ang anumang kaba na namumuo sa dibdib ko.








Naging maayos ang pagtatapos ng Graduation namin. Masasalamin mo sa bawat mata ng bawat isa ang saya dahil sa wakas ay nakapag tapos narin kami.

Nabigla pa nga ako kanina ng tawagin ang pangalan ko ay hindi si tita ang umakyat kung di si Angelo.

Hinalikan pako nito at sinabihan ng
I Love You
kaya ang ending ayon nag tilian ang lahat . .

For Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon