" may mapapasukan ka ng bagong trabaho?"
Ngumiti ako sa aking landlady na si Aling Ligaya. Nga naman, ngayon lang ako gigising ng maaga sa loob ng dalawang buwan na wala akong trabaho.
"Opo 'nay, diyan lang ho sa Taguig ang bago kong opisina"
Lumapit sa akin ang matanda at bahagyang hinaplos ang aking buhok.
Her smile warms my heart.
"Pagbutihin mo anak, yamo at makakaraos ka rin. 'Wag mo ng iiwan ang iyong trabaho at baka mainip ka ulit diyan, mahirap ang buhay ngayon" paalala niya.
Somehow, it melts me deep inside.
"Opo, 'nay. Pagbubutihin ko po, pangako. Mauna na ho ako"
Hindi biro ang pinagdaanan kong hirap, namuhay akong mag isa sa mundo na ang tanging karamay ay ang aking sarili lamang. Lumaki ako sa probinsiya na ang kinikilala kong pamilya ay ang aking mga kapitbahay. Maaga akong naulila sa mga magulang, wala din ni isa sa aming mga kamag-anak ang nagtangkang kumupkop sa akin.
Paano kaya ang naging takbo ng buhay ko kung kasama ko parin hanggang ngayon ang aking mga magulang?
"O siya sige at baka mahuli ka pa sa oras. Mag iingat ka. Pagpalain ka ng nasa itaas. "
Uh well, I don't have any idea how, pero siguro ay hindi ako makakaramdam ng pag-iisa at pangungulila. I'll have peace deep inside my heart. Siguro ay magkakaroon ng mas malalim na dahilan ang pag-abot ko ng aking mga pangarap.
Sa murang edad ay natuto akong kumayod para mabuhay, nakipagsapalaran, sumugal, at nagsikap. Nakapag-aral at nakapagtapos ako gamit ang scholarship at ang kakarampot na perang pinagbentahan ng maliit na sakahing lupa na ipinamana sa akin ng aking ina.
I lived despite the hardships of life, I breathed the air of sarcasm everywhere because I know I can attain my goals with the lenght of patience I possess.. I know I can fit to all my circumstance,
And I know somehow.. my parents are very proud of what I've become, alam kong ginagabayan parin nila ako. Even if I grew up without them beside me, sila parin ang naging inspirasyon ko para magpatuloy sa buhay.
"Miss Deogracia, you'll be having a brief orientation about our company policy and regulation today, please follow Miss Fernandez inside your office now. Welcome to Quantum"
Tumango ako sa aming head supervisor bago bumaling sa aking bagong ka-opisina.
" Ma'am--"
Humarap sa akin ang bagong ka opisina at ngumiti.
"Quit with the formalities, besides we'll be working together in a long run. It's more comfortable if we treat each other as friends, right?"
Gumuhit ang di mapigilang ngiti sa aking labi.
"Sige"
"Ako nga pala si Isla, Isla Fernandez. Pero kahit tawagin mo nalang akong Lala, 'yun ang tawag nila sa akin dito"
Nakipagkamay ako sakanya at sinuklian pa siya ng mas malapad na ngiti.
"Lauren" pakilala ko
"So shall we start?" Pumalakpak si Lala at tinawag na ang iba pang probe.
Natapos ng kalahating araw ang orientation namin at ipinakilala rin kami sa iba pang staff. Dinala ako ni Lala sa aking cubicle at tinuruan ng mga kailangang gawin.
"Good job team! Let's call it a day!"
Nagngitian kami ni Lala habang tinitingnan ng mabuti ang aming head na papalabas ng opisina.
![](https://img.wattpad.com/cover/41306288-288-k172124.jpg)
BINABASA MO ANG
The Merciless Playboy
De TodoOnce upon a time, a prince named Lucas met a strange girl. They smiled at each other and end up in bed. They woke up to each other's arms and startled by the moment they realized something. The girl got her first experience.. while on the contrary...