LD10

5 2 0
                                    

Mharica P.O.V

"mhar "

tawag nya sakin mula sa likod kaya tumayo na ako at humarap sa kanya hindi ako nag papakita ng kahit anong emosyon kung maari lang.             

" upo ka " sabi ko sa kanya at umupo din sya sa may tabi ko .             

" salamat at naki pag usap kana din " sabi nya nang naka ngiti hindi ko naman sya tinitingnan. 

" walang ano man ano ba yang mga sasabihin mo pwede kanang mag simula " sabi ko

" mhar una sa lahat gusto kong humingi ng tawad " sabi nya             

" wag kanang mag paligoy ligoy pa hindi na maibabalik ng mga sorry mo lahat ng nangyari "

sabi ko sa kanya nang hindi pa din tumitingin .

" hindi ko alam kung san talaga ko mag sisimula pero gusto kong paliwanag sayo kung bakit kita iniwan 2 year's ago " sabi nya

" tss para saan pa chris ano pa bang kailangan mo paliwanag?  " 

sabi ko .

" chris gusto mo bang ulitin ko pa sayo yung mga sinabi mo ?

tanong ko sa kanya. 

mhar hindi nako masaya pwede bang mag hiwalay na tayo.

mhar wala akong iba hindi lang talaga ko masaya. 

sabi ko habang inuulit yung mga sinabi nya sakin dati. 

" chris yung pinaka masakit pa sa lahat hindi mo man lang ako hinintay maka pag salita man lang pag katapos mo sabihin wala na tayo iniwan mokong naka luhod hahahaha hindi mo man lang ako tinayo tapos ngayon mag papaliwanag ka "

sabi ko. 

" sorry mhar sorry sorry pero pakinggan mo muna ko hindi ko ginustong makipag hiwalay at iwanan ka sobrang mahal na mahal kita " sabi nya

" gago edi kung mahal moko bakit mo ko iniwan ano yun trip trip lang ginagago mo ba ko? 

sigaw ko sa kanya.

" mhar calm down please hayaan mo muna ko mag paliwanag bago ka magalit muna " paki usap nya kaya naman tumahimik na lang ako para makinig .   

" si benj at si marie ang may gustong mag hiwalay tayo pinilit ako ni benj na hiwalayan ka dahil gusto ni marie na bumalik ako sa kanya sabi ni marie mag papakamatay daw sya pinakiusapan ako ni benj para kay marie dahil mahal na mahal ni benj si marie gagawin nya daw lahat magulo lang yung buhay mo at yun ang ayoko mangyari kaya pinili kong maki pag hiwalay at iwanan ka mahal na mahal kita kaya ko nagawa yun "

mahabang paliwanag nya hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaction ko nag sisimula na din tumulo ang luha nya. 

" bakit hindi mo na lang sinabi bakit wala ka bang tiwala sakin na kaya kong lumaban wala ng masisira sa buhay ko nun dahil ikaw na lang yung natitirang meron ako pero iniwan mo pa ko anong pag kakaiba ng ginawa mo pero siguro ngayon masasabi kong ayos nako kaya sana wag mo na ulit guluhin " sabi ko sa kanya ng naka ngiti ayos nato at nalaman ko kesa tanungin ko ang sarili ko kung nag kulang ba ko kaya iniwan nya ko. 

bakit ngayon lang nya sinabi kung kailan ayos nako. 

"mhar hindi ko gustong guluhin ang buhay mo lalo na't nakikita kong ayos kana " sabi nya

" siguro nga salamat sa paliwanag mo " sabi ko

" pwede bang bigyan mo ako ng pag kakataon na iparamdam ko sayo na mahal na mahal pa kita hanggang ngayon " sabi nya nagulat ako sa sinabi nyang yun mahal pa nya ko? 

Lost direction(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon