LD11

1 0 0
                                    

sorry pows haahaha medyo fast

forward hehehe syempre short story lang kase to ^___^

Mharica P.O.V

2 month pass at simula nun parang lalo nako nahihirapan bawat inom ng gamot bumibigat ang katawan ko at lalo nakong naging antukin medyo namamanas na din ang paa ko kaya lagi akong naka medyas para hindi nila mapansin at namamayat na talaga ako si adrian nung mga unang buwan alaga pa nya ko pero hindi nag tagal nawawalan na syang oras sakin pero hindi ko naman sya masisisi kung manawa sya bestfriend ko lang sya mas madalas ko na nakakasama si chris dahil na din sa classmate kami ..

medyo napa aga yata ako ng gising kaya naisipan kong bumangon na para makapag handa ng breakfast namin pero pag bungad ko sa sala

O_o

ang aga naman yata nagising ni annejelly at naka bihis na anong trip nya. 

" aga mo naman yata " tanong ko

" eh kokocrunch may gagawin pa ako sa school " sabi nya .

" ah ganun ba sige una kana maya pako " sabi ko

" sige babush ay teka okay ka lang ba lagi kang matamlay may sakit ka ba?  " tanong nya.  

" ha wa wala wala akong sakit ayos lang ako sige na alis kana " sabi ko. 

" osige sabi mo eh alis nako " paalam nya at nag lakad palabas napansin kong madilim sa labas mukhang uulan pa yata kaya hinabol ko si annejelly para bigyan ng payong babaeng yun. 

" annejelly!  " sigaw ko sa kanya pasara ng elevator buti napigil pa nya. 

" oh bakit moko hinabol at hingal na hingal ka " tanong nya.

" oh payong medyo madilim sa labas " sabi ko at inabot yung payong mukha naman nag taka sya

" ha bakit payong di ba dapat flashlight kasi madilim " sabi nya

" gago basta dalhin mo tanga ka talaga -_- " sabi ko sabay talikod

medyo napagod ako sa pag habol kay annejelly ang bilis bilis ng tibok ng puso ko parang sasabog. 

pag pasok ko ng condo namin napaupo na lang ako .

ano bang nangyayari sakin wag naman sana ngayon.  :(

pag katapos kong mag pahinga at uminum ng gamot naligo nako at nag bihis , nag lakad lakad muna ako para maka pag isip pero kung minamalas ka nga naman umulan pa.  wala akong payong tanga ko. 

naalala ko yung sinabi ni adrian sakin .

alam mo bang mas masarap umiyak pag umuulan hindi dahil hindi nila nakikitang umiiyak ka kundi dahil ramdam mong may karamay ka. 

akala ko sya din karamay ko pero iniwan nanaman yata ako nakakatawa lagi nilang sasabihin hindi ka nila iiwan but in the end mapapansin mong nag iisa ka na lang. 

umupo ako sa isang bench na nadaanan ko kahit nadadaanan ako ng ibang tao ayos lang sobrang pagod nako pagod na pagod. 

nakakaramdam nako nang panlalamig at antok pero hindi ko na kayang mag lakad nagulat ako ng may kumausap sakin pero hindi ko na sya maintindihan at unti unting bumigay na ang mata at katawan ko.

Kyoshi P.O.V

nag lalakad ako ngayon malapit sa may park ng sobrang lakas pa ng ulan buti na lang talaga may payong ako kahit maliit iniwan ko kasi ang kotse ko dahil sira. 

medyo lumingon lingon ako sa paligid para maka hanap sana ng pag sisilungan pero iba ang nakita ko isang babaeng pamilyar na naka upo sa bench at nag papaulan naka uniform pa sya mas lalo ko na alala sya yung bestfriend ni amihan .

Lost direction(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon