LD12

1 0 0
                                    

Mharica P.O.V

Gusto ko nang imulat ang mga mata ko pero hindi ko mapigilan pumikit naririnig ko ang mga boses ng mga kaibigan ko. puno ng pag aalala pero hindi ko inaasahan na may ibang tao pang dadating. 

anong ginaga nila dito ?

" kamusta na ang anak ko annejelly " tanong ni papa. 

" hindi ko pa po alam wala pang sinasabi ang mga doctor.  " sagot ni annejelly. 

" sige salamat " sabi ni mama.

" anong ginagawa nyo dito " sabi ko habang nakapikit pa din ayokong dumilat. 

" a anak kamusta ayos kana ba? masama pa ba pakiramdam mo."

sunod sunod na tanong ni mama.

" hahaha sinong anak mo dito " tanong ko. yumuko naman sya

" ikaw . ikaw ang anak namin " sagot ni mama. 

" pwede ba wag kayong umasta na parang may paki alam sakin " sigaw ko at nag dilat ng mata.  

" anak alam namin malaki ang galit mo saamin at madami kaming pag kukulang.  "

" at madami kayong kasalanan sakin " putol ko sa sinasabi ni mama si papa naman nanatili lang tahimik pati na din ang mga kaibigan ko. 

" anak huminahon ka baka maka sama sayo yan.  nag sisisi na kami ng papa mo mga bata pa kasi kami noon kaya nagawa.  "

" kaya nagawa nyo kong ipamigay sa ibang tao at buo kayo ng sari sarili nyong pamilya"

putol ko ulit sa sinasabi ni mama.

" anak please makinig ka muna saakin saamin ng papa mo " sabi ni mama.  ngumiti ako nang mapait sa kanila at huminga ng malalim. bago mag salita gusto kong ako muna ang pakinggan nila.   

" makinig sa inyo.  bakit?  kayo ba pinakinggan nyo ko alam nyo bang naramdaman ko ng itaboy mo ko hah!  " sigaw ko sakanya.

" alam mo ba kung ano naramdaman ko nung nanghingi akong tulong sayo pero pina-alis mo ko ng parang hindi mo kilala "

sumbat ko kay papa.

" umalis na kayo hindi ko kayo kailangan " sabi ko. hindi naman sila tuminag nag sisimula nang umiyak si mama.

" anak wag mo naman kami paalisin gusto ka lang namin alagaan at bumawi sa pag kukulang namin " sabi ni papa.

" bumawi alagaan. nag papatawa ka ba ? wala na kayo mababawi hindi ko kailangan nang pag aalaga nyo kaya ko ang sarili ko kahit kailan hinding hindi ko na uulitin ung pag mamakaawa ko sainyo lumayas na kayo.  " sabi ko at tumalikod pahiga. 

" anak patawarin mo kami mga bata lang kami nun kaya namin nagawa un " sabi ni mama hindi sya tumitigil sa pag iyak.   

" gagawa gawa kayo ng katarantaduhan hindi nyo kaya panindigan.  ngayon gusto nyo ko alagaan dapat ginawa nyo yan dati pa nung bata pa ko ng kailangan ko nun ng magulang.  hindi ngayon . nag iisip pa ba kayo?  "tanong ko sa kanilang dalawa unti unti ng bumibigat ang mata ko may bumabagsak ng butil ng luha hindi ko na mapigilan ang emosyon ko masyado ng masakit.  hanggang ngayon tahimik lang sila annejelly para silang nanunuod ng drama. 

" anak please hayaan mo kami bumawi patawarin mo kami ng mama mo " sabi ni papa pati sya ay umiiyak na gusto kong maawa sa kanila pero ayaw ng isip ko.  masyado akong nasaktan dati. 

Lost direction(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon