Paano na kaya by Bugoy Drilon (AlyDen)

3.7K 41 0
                                    

"Den, lika dito.. wag ka dyan."

Tinawag ni Alyssa ang bestfriend nya na nasa sulok at nagmumukmok... napagalitan kasi ito ng teacher nya dahil naabutang natutulog sa klase.. working student kasi ito at dahil sa pagod at puyat, di nya mapigilang mapa idlip sa klase. Lalo na kung boring talaga ang klase..

Ngunit parang walang narinig si Dennise dahil mas lalo lang itong sumandal sa dingding.. nasa bahay sila ngayon nila Alyssa.. medyo may kaya naman sila.. nag iisa lang rin si Alyssa na anak.. gusto nga sanang papag aralin ng mga magulang ni Alyssa si Dennise, ngunit tinanggihan ito ng huli.. wala naman kasing masyadong gastos ang pamilya ni Alyssa sa pag aaral nya.. scholar kasi ito. Taekwondo athlete kasi si Alyssa at gold medalist kung kaya 100% free ang tuition nya..

"Den, lika na dito.. sige pag di ka pa pumunta dito.. bubuhatin kita.."

At para bang yun ang Magic words, tumayo agad si Dennise at pinuntahan na si Alyssa na nasa study table ngayon at gumagawa ng assignments.

"Tama na nga yan.. wag ka ng umiyak.. ang pangit mo na nga, umiiyak ka pa.. mas lalo ka tuloy..."

"Sige, magsalita ka pa at kahit black belter ka, wala akong pakialam.. sasamain ka sakin!"

"Sabi ko nga, tatahimik na ko.. hehe.." at bumalik na sya sa pagbabasa ng libro..

Napabuntong hininga naman si Dennise..

"Kung naging mayaman lang sana ako, di ko na kailangang magtrabaho habang nag aaral.."

"Drama ni bessy.. ito libro, magbasa ka nalang.. di ka man mayaman sa material na bagay, yayaman ka naman sa kaalaman kaya magbasa ka nalang!.."

"Daming alam ni Kolokoy..."

"Talaga! O basa na ulit."

-----//-----

Feb. 14, 2016

Nasa canteen ngayon si Dennise at gumagawa ng report sa netbook na pinaghirapan nyang bilhin.. bigla namang sumulpot si Alyssa na may dalang bungkos ng santan.. ito kasi ang paboritong bulaklak ni Dennise dahil ito daw ang laging binibigay sa kanya ng kanyang namayapa nang ama noong ito ay nabubuhay pa..

"Happy Valentines day, Den!"

"Uy, Ly, same! Wag ka muna dyan at busy ako."

"Anu ba yang ginagawa mo?

"Report ko bukas kay Ms. Alegre."

"Maya na yan.. kain muna tayo.. libre ko."

"Ay, may usapan kami ni Myco na sabay kami eh.." di pa rin umaalis ang mata nito sa netbook nya..

Lumungkot naman ang mukha ni Alyssa..

Oo nga pala.. may boyfriend nga pala to. Sa sobrang dalang mag paramdam ng gagong yun, nakakalimutan ko na.. kung di lang sya mahal ni Den, ewan ko nalang..

"Ah ganun ba.. sige Den, una na pala ako, may isosoli pala akong libro sa library eh."

"Sige Ly, ingat ka." Habang di pa rin inaalis ang paningin sa screen.

Alyssa:
Hayy, bakit ba kasi ako nagkagusto kay Denden.. ang hirap naman nito.. ang hirap magtago ng nararamdaman.. kahit gustong gusto kong iparamdam sa kanya yung tunay kong nararamdaman, di pwede kasi may boyfriend sya at kaibigan ko sya.. kung natuturuan lang sana ang puso kung sino ang dapat mahalin, wala na sigurong  pusong laging umaasa at nasasaktan.

Imbis na magtungo sa library, nagpalipas nalang si Alyssa sa office ng club nila at doon nagpalipas ng oras habang hinihintay ang susunod nyang klase..

Over And Over Again (Story Playlist)Where stories live. Discover now