Say You Won't Let Go (2nd Part)

1.2K 24 3
                                    

Minsanan na lang kung magkita sila Bea at Jhoana.. pasukan na rin kasi. Pero pinupuntahan ni Bea si Jhoana minsan sa university kung saan ito nag aaral kapag wala na syang pasok sa TESDA. Napag desisyunan nya kasi na pumasok rito dahil na rin sa pamimilit ni Jhoana sa kanya.

Minsan naman kapag wala syang ginagawa, nagbabasa sya ng mga libro na binigay sa kanya ni Jhoana noong summer. Biology book, algebra, history, chemistry, physics at astronomy. Hindi nya nga lang maintindihan ang ibang nakasulat pero dahil sa tulong ng mga pictures, nauunawaan nya ito.

Nasa may lilim sya ng puno ngayon.. hinihintay nya si Jhoana habang nanonood ng greek mythology sa cellphone na nabili nya.. nadadala na sya sa nakikita nya. Trojan War kasi ito at mabibigat ang mga pangyayari. Hindi nya napansin na may papalapit na sa kanya, may binunot ito sa bulsa at unti unting tinutok kay Bea habang papalapit ito.

"Wag kang kikilos ng masama!"

Nanigas naman si Bea sa kinauupuan nya.







"Hahahaha.. Bea, ang epic ng mukha mo!" Tawa ng tawa si Jhoana na napahiga na sa tabi ni Bea habang nakahawak sa tyan nito. "Hahahhaha... kung nakita mo lang yung mukha mo."

Nang nakabawi na si Bea sa pagkagulat, inilapag nya ang cellphone nya at kiniliti nang kiniliti si Jhoana.

"Bea, tama na uy! Na-nakikiliti na ko.. hahahahaha.."

"Wala ka ng kawala Jho..."

"Tama na, yung dala akong Cloud 9 baka naipit na."

Pilit pa ring iniiwasan ni Jho ang pangingiliti sa kanya ni Bea. Si Bea naman, wala yatang balak tigilan si Jho.

Samantala, sa di kalayuan ay may nakatanaw lang sa kanilang dalawa habang may nakasilay na ngiti sa kanyang labi.

"Nakita rin kita sa wakas.." sabay sakay ulit sa magara nyang kotse.

----//----

Nasa kwarto nya si Bea ngayon, inaayos ang isang sirang radyo na binigay sa kanya ng kapitbahay nyang si Mang Tommy. Para na rin daw karagdagang expiryensya nya sa pag kukumpuni ng mga sirang makina, appliances, motor at iba pa. Di nagtagal, nakarinig sya ng mga katok sa pintuan nya..

"Bea."

Rinig nyang sabi ng kumakatok sa labas.

"Pasok Jho."

Sabi nya at bumalik na naman sa pag aayos.

Di nagtagal, pumasok na si Jho sa kwarto nya at nadatnan si Bea na busyng busy sa ginagawa nito. Kumuha sya ng upuan at umupo sa tabi ni Bea.

"Bei, wala kaming pasok bukas."

Sabi ni Jho at ipinatong sa lamesa ni Bea ang baba nya.

"Oh tapos?"

Sabi naman ni Bea habang di pa rin inaalis ang mata sa ginagawa nya.

"Dito ako matutulog."

"Aray!"

Sa gulat ni Bea, natusok nya ang daliri nya ng screw na ipapasok nya na sana sa butas.

"Ayan kasi... di ka naman nag iingat. patingin nga." Kinuha ni Jho yung daliri ni Bea na may dugo. Pinisil nya para palabasin
pa ang dugo.

"Anong sinabi mo?" Sabi ni Bea na gulat pa rin.

"Sabi ko, dito ako matutulog. Bakit? Ayaw mo ba?" Mababakas ang lungkot sa boses nito.

"Hindi naman sa ganun. Ano, malikot kasi akong matulog." Palusot ni Bea.

"Ayos lang, yayakapin nalang kita ng mahigpit para di ka makagalaw." At nagtaas baba pa ng kilay while grinning.

Over And Over Again (Story Playlist)Where stories live. Discover now