Say you won't let go By James Arthur (Jhobea)

1.7K 32 3
                                    

Sa isang abandonadong gusali maririnig mo ang malalakas na sigawan ng mga taong aliw na aliw sa nakikita nila... Ang iba naman ay may hawak pang alak habang may nakakandong na babae sa kanila.. tinatanaw nila ang dalawang tao na naglalaban para sa ikasasaya ng mga nanonood.. pinagpupustahan ng mga tao ang kanilang laban..

"Tapusin mo na yan!"

"Patulugin mo na!"

"Sipain mo!"

Ilan lang yan sa mga maririnig mo na sigawan ng mga tao..

*ting* *ting* *ting* *ting*

Sa corner:

"Bei, tapusin mo na.. Naiinip na si Amo oh.." sabi ni Ysay na nagsisilbi nyang coach.. tumingin sila sa Amo nila na kasalukuyang nakaupo at umiinom sa wine glass nito at tinanguan sya nito..

Hudyat na para magsimula uli ang laban.. mataman lang na nakatingin si Bea sa kalaban nya na naka fighting position na.. sinisipat lang nya kung saan nya ito pwedeng pasukin para tuluyan na nya itong matalo.. habang papalapit nang papalapit ang dalawang mandirigma sa isa't isa.. unti unting gumuguhit ang mga ngiti sa labi ni Bea..

Tumigil lang sila nang isa't kalahating metro na lang ang layo nila sa isa't isa..

Naka fighting position na si Bea na tumatalon talon pa..

Seryoso naman na nakatingin sa kanya ang kalaban nya at gumagalaw galaw rin..

"NGAYON NAAAAA!!!!"
Sigaw iyon ng amo nya na hudyat para tapusin na ng tuluyan ang laban.

Pumeke sya ng sipa sa tagiliran gamit ang kaliwang paa na kinagat naman ng kalaban nya.. kaya naman sinipa na nya ang tagiliran nito gamit ang kanang paa at sinundan ng kaliwang paa sa mukha at tinuluyan na ng back kick sa mukha... hindi na nakatayo pa ang kalaban kung kaya idineklara na syang panalo ng referee..

Sigawan na naman ang mga taong pumusta kay Bea! Inakbayan naman sya ni Ysay at ginulo-gulo pa ang buhok nito..

"Tiba tiba na naman tayo nito Bei!"

Wala namang imik si Bea na hindi mababakasan ng saya sa pagka panalo nya..

-------//-------

Pauwi na si Bea sa tinitirhan nya nang makarinig sya ng mga lasing na nagkakatuwaan at babaeng humihingi ng tulong.. hinanap nya kung saan ito nanggaling at nakita nya ito sa may kanto... tinutulak tulak nila ang babae.. kung baga pinagpapasa pasahan nila ito at inaamoy amoy..

Hindi na nagdalawang isip pa si Bea na lapitan sila..

"Mga brad, maawa naman kayo sa babae.. pakawalan nyo na."

"Hoy! Wag kang magulo! Pinapapak lang namin tong pulutan namin. Wag kang makialam kung ayaw mong masaktan!"

Tiningnan nya ang babae at halata ang takot sa mga mata nito.

"Hahaha.. mga lasing na nga kayo. Eh di naman pagkain yan eh.. di nyo yan mapapapak."

"Aba't talagang gusto mong masaktan ah!"

Sinugod na si Bea ng mga lalaki. Bale apat sila...

Susuntukin na sana si Bea ngunit agad nya itong nailagan at sinuntok ang tyan at mukha... sinipa din nya ang nasa likod nya... at sinuntok nya rin ang isa pa sa mukha at tinuhod naman ang isa sa mukha.. dahil mga lasing, nahirapan nang tumayo ang mga lalake.. sakto naman at may rumurondang mga tanod kaya naman hinuli nila ang mga lasing..

"Miss, ayos kalang ba? Eto nga pala yung bag mo."

Nang matingnan ni Bea ng maayos ang mukha ng babae, natigilan sya bigla dahil ito ang kauna unahang babaeng nakakuha ng kanyang atensyon. Pero hindi nga lang nya alam ang pangalan.

Over And Over Again (Story Playlist)Where stories live. Discover now