Mad by Ne-yo (Alyden)

1.1K 31 2
                                    

"Dennise ano bang problema?! sabihin mo naman sakin mahal.. pinaliwanag ko na naman sayo diba? Pinatotohanan pa nya.. ano pa ba Den?" habol habol pa rin ni Alyssa si Dennise habang papasok sila sa condo ni Dennise..

"Okay, sorry kung nagsinungaling ako.. pero last na yung ganun mahal.. Den?"

"Nagsinungaling ka, tapos kinwento mo yung "totoong" nangyari, tapos pinatotohanan nya yung sinabi mo, sa tingin mo maniniwala ako? Ly, nagsinungaling kana, sa tingin mo, maniniwala ako that time sa kwento mong pinatotohanan nya?!"
Sabay talikod ni Dennise kay Alyssa at humawak sa noo nya habang ang isang kamay nya ay nasa tagiliran nya..

"Den, last na yun.. kinausap ko sya na last na yun.. tsaka kaya ako sumama sa family dinner nila dahil nagpaalam ako kela tita na hindi na ako makakasama masyado sa mga dinner nila kasi nga ayaw mo.. Den maniwala ka please.. totoo yun.." may namumuong luha na sa mga mata ni Alyssa at mahahalata mo rin na pinipigilan lang nya ang knyang pag iyak..

"Ewan ko Ly.. bukas na tayo mag usap ulit.. pagod na ako eh.. magpapalamig lang muna ako.." nasa harap na sila ng kwarto ni Dennise..

Napabuntong hininga nalang si Alyssa.. papasok na sana si Dennise ngunit tinawag ulit sya ni Alyssa..

"Den." Humarap sa kanya si Den.
Kinuha naman itong chance ni Alyssa para gawin ang balak niya.

Niyakap niya ito at hinalikan sa noo..
"I love you, Den. Pahinga ka ng mabuti ha? Una na ko.." puno ng sensiridad na sabi ni Alyssa..

At tumalikod na nga ito at pinunasan ang mga luha na hindi  niya na nakayang pigilan.

"Ingat ka." Hindi na narinig pa ito ni Alyssa at medyo mahina rin ang pagkakasabi non ni Dennise. pagkatapos sabihin iyon ni Alyssa, sa di maipaliwanang na dahilan ay biglang kumabog ang dibdib ni Dennise..

------

Nagising si Alyssa sa kwarto ng condo nya.. mabigat ang pakiramdam.. buo na ang loob nya, susuyuin nya si Den hanggang mapatawad sya nito.. hindi nya matiis na hindi sila okay ni Dennise, ang pinakamamahal nya.

Tiningnan nya ng oras sa wall clock. Nakita nyang maaga pa para sa trabaho nito.. nag ayos sya ng sarili at pinuntahan agad ang condo ni Dennise.. walking distance lang naman ito kaya nilakad nya nalang.. balak nyang lutuan ito ng agahan..

Kumatok sya. Naghintay ng ilang minuto ngunit walang nagbukas.

Baka tulog pa rin sya hanggang ngayon

Kaya pumasok na lang sya. Pupuntahan nya sana si Dennise upang icheck kung natutulog pa rin ba ito ngunit nakita nya si Dennise sa dining table, kumakain ng agahan pero tulala ito. Medyo mugto rin ang mga mata... Kinakabahang linapitan nya si Dennise.. umupo sya sa kaharap na upuan nito. Pero wala pa ring kibo si Den.. Napabuntong hininga na lang si Alyssa.. tulala pa rin kasi si Den at hindi man lang sya pinansin.

"Mahal, kausapin mo naman ako oh.."

Wala pa ring kibo si Den..

"Den, please.." hahawakan sana ni Alyssa ang kamay ni Den ngunit iniwas nya ito.

"Den, talk to me please.." wala pa rin kaya hindi nalang umimik si Alyssa..

Hindi na inubos ni Den ang kinakain nya.. nilagay nya ito sa fridge at tinungo ang kanyang kwarto. Sinundan naman sya ni Alyssa.. Pagkapasok, humiga si Den sa kama nya na ipinagtaka ni Alyssa..

"Mahal wala ka bang pasok ngayon? Bakit hindi ka na naghahanda? Mag aalas nuwebe na oh?" Wala syang natanggap na sagot galing kay Dennise kaya tumahimik nalang sya.. paharap syang humiga sa kama ni Den.. tinitingnan nya ang mga mata nito, ang ilong, ang labi hanggang sa naramdaman ni Alyssa na malapit na naman syang maiyak..

Over And Over Again (Story Playlist)Where stories live. Discover now