Pagka gising kinabukasan ay tiningnan agad ni hanna ang kaniyang orasan.
Napabalikwas siya ng bangon ng makita na 10:30 am na ng umaga at sigurado siyang hindi na siya papapasukin ng guwardiya sa eskwelahan na kaniyang pinapasukan.
Naisip niya na Puntahan sa kwarto ang kanyang ina, nais niya itong tanungin kung bakit hindi siya nito ginising.
Ngunit ng nasa harap na siya ng pinto ay nagbago ang kanyang isip, hindi nalamang niya itinuloy ang balak gawin dahil ayaw niyang magalit nanaman muli ito sa kaniya.
"Hayysst... maglilinis nalang siguro ako ng buong bahay."
Nasabi nalamang niya sa kanyang sarili.
Pagkatapos makapag laba at maglinis ng bahay ay nakaramdam siya ng pananakit ng tiyan.
"Aahh!! ang .. ang sakit ng tiyan ko,
Hindi pa pala ako kumakain! "Dali dali siyang pumunta sa kusina upang mag hanap ng pagkain, ngunit wala siyang nakita na naitabi.
Bagkus nakita niya ang kalahating laman ng kape na nasa pakete (instant coffee 3&1) at nilagyan nalamang nang kaning tutong na natira kagabi.
"Buti nalang may natira pa."
Nakangiting niyang sabi sa sarili.
Naglakad lakad muna sa labas si hanna dahil naiinip lamang siya sa loob ng bahay, maya maya pa ay may dalawang babae ang bumangga sa kanyang likuran dahilan para siya'y mapatumba.
"aww!"
Daing ni hanna ng mapatumba sa sahig.
"Ay sorry hindi kita nakita, bat kasi ang daming pakalat kalat ditong basura."
Pagtataray nito sakaniya.
Tatayo na sana siya ng makita niya ang isang kamay na nag aabot ng tulong sakaniya upang siya ay itayo.
"kaya kong tumayo, di ko kailangan ng tulong mo."
Sagot ni hanna ng makita kung sino ito, at mabilis na siyang tumayo ng hindi pinapansin ang alok nitong tulong.
Ito ay si Ramon.
gwapo, mayaman.
isa sa mga may kaya sa kanilang brgy, kilala sa pagiging magaling sa basketball at sa pag sayaw, marami ang nagkaka gusto rito sa kanilang buong barangay, ngunit walang panahon si hanna sa mga bagay na ito dahil ang pangarap niya lamang sa buhay ang makapagtapos ng pag aaral.
"R.. ramon?!"
Gulat na reaksiyon ng dalawang babae ng makilala ng mga ito si ramon.
"HOY?! Ikaw babae! anong feeling mo sa sarili mo! maganda!?
bakit mo pinahiya si ramon!?"Galit na tanong ng babae kay hanna dahilan upang muli siyang mapatingin sa mga ito.
" Its ok Mae..
Pasensya kana miss, ako nga pala si Ramon, and u?
Tanong ni ramon kay hanna.
"kilala kita, hindi ko kailangang magpakilala dahil hindi ako interesado."
Seryosong sagot ni hanna, pagkatapos niyon ay dali dali na siyang tumalikod ngunit mabilis na hinawakan ng babaeng bumangga sakanya ang kanyang buhok.
"Mae, stop it!"
Pagkatapos sabihin ito ni ramon ay mabilis nitong inalis ang kamay ni mae sa pagkakakapit nito sa buhok ni hanna.
"Ra.. ramon? p.. pinagtatanggol lang kita, pinapahiya ka niya?!"
Maamong sabi ni maylin kay ramon.
"Wala kang karapatang saktan siya, pasensiya ka na Mae. but this time, You're wrong and besides that. You're just my EX GIRLFRIEND. u dont need to do this anymore.. im sorry to say this to you."
Pagkasabi noo'y mabilis na tumakbo palayo si mae habang umiiyak.
"best!! sandali!!"
Tawag ng kaibigan ni Mae.
"Tandaan mo tong ginawa mo kay mae, ramon!"
Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis na sinundan nito ang kaibigan.
Malungkot na tumingin si ramon kay hanna.
"Ano!? ako sisisihin mo ngayon?!"
Inis na tanong ni hanna kay ramon.
"no! im just .. sad."
Pilit nitong ngiti habang nagsasalita kay hanna.
"wala akong pakialam sa problema nyo."
Mabilis na tumalikod si hanna para umalis, tumambay nalamang ito sa may duyan habang nagbabasa ng aklat na dala dala niya.
"Ano ba yang binabasa mo?"
Naisara niya bigla ang kanyang binabasang aklat ng marinig ang boses ng nagtanong sakanya.
"Ano ba!? Stalker ka ba?!
bakit ka sumusunod?!
"Pasensya na, gusto ko lang naman na .. makilala ka at makipagkaibigan sayo."
Sagot ni Ramon sakanya.
"Bingi ka rin no?! hindi mo ako madadaan diyan sa kagwapuhan mo!" kaya pwede ba tantanan mo na ako!"
Naiiritang sabi ni hanna pagkasabi noo'y tumayo na siya at iniwan si Ramon upang umuwi na ng bahay.
Habang naiwang nangingiti si Ramon dahil sa sinabi ni hanna na naga-gwapuhan ito sakaniya.
BINABASA MO ANG
𝙎𝙪𝙞𝙘𝙞𝙙𝙖𝙡 𝙂𝙞𝙧𝙡 (ꜱʜᴏʀᴛ ꜱᴛᴏʀʏ)
Historia CortaSi Hanna Subra ay nangarap na lumigaya at maging normal ang pamumuhay ngunit dahil sa mga hirap, problema at kalungkutan na kanyang kinakaharap sa bawat araw na siyay nabubuhay. hindi na niya kinaya at tuluyang winakasan ang lahat maging ang kanyang...