Chapter4: Last Day.

130 0 0
                                    

Hindi niya alam kung paano, bakit at kaylan ngunit nakatayo siya ngayon sa tulay habang nakatulala sa kawalan.

"B.. Bakit ako nandito?

naglakad ba ako habang tulog?

hayyst, buti nalang wala ng mga tao pag ganitong oras, paniguradong pagti-tripan ako."

Dali dali siyang umuwi ng bahay upang ipagpatuloy nalamang ang pagtulog.

Pag mulat ng kanyang mga mata pagkatapos niyang matulog ay napansin niyang gabi parin.

dahil doo'y naisipan niyang tumayo at dumiretso sa kusina upang maghanap ng pagkain ngunit katulad ng dati, wala siyang nakita naisip nalamang niya na silipin ang kanyang mga magulang sa kwarto.

NGUNIT..

Laking gulat niya ng makitang wala ang mga ito roon, tinignan rin ni hanna ang buong sulok ng bahay nagbabaka sakali siya na nandoon lamang ang mga ito ngunit wala ngang bakas ng kanyang mga magulang.

" i.. iniwan na nila ako? "

Mangiyak ngiyak na sabi ni hanna, pagkaraa'y tuluyan na siyang umiyak at humagulgol sa sulok.

Matapos mapagod sa pag iyak ay nahiga nalamang sa kama si hanna habang nakatulala.

" Masama ba akong anak?
ano bang mali kong nagawa?"

Walang reaksiyon na tanong sa sarili ni hanna, maya maya pa ay nakatulog na siyang muli sa kakaisip.

Nagising na muli si hanna, nag unat unat ito bago tumayo, nang siyay sumilip sa bintana ay madilim parin. 3:46 am ng tignan niya ang orasan.

"Hayyst, paputol putol na tulog ko, makapag basa na nga lang muna ng aklat."

Pagkasabi noo'y kumuha siya ng aklat at naupo sa sofa upang doon ay magbasa.

Makalipas ng ilang sandali ng pagbabasa ng maisip niyang tingnan muli ang orasan.

"2:15 am?"

"kanina lang ay 3:46 ah?? hala! sira na ata ang orasan namin.
wala pa naman akong pamalit bigay lang to samin. hayyyst..
ang malas ko naman, gigising na nga lang ako ng walang alarm clock.
sabado naman bukas kayat hindi ko pa kakailanganin ang orasan."

Dahil sa isiping iyon ay nahiga nalamang sa sofa si hanna, hindi niya namalayang nakatulog na siya.

Nagising na muli si hanna, sumilip ulit siya sa bintana ngunit madilim parin ng kanya itong makita.

Napakamot na lamang ng ulo si hanna, nakita niya ang alarm clock niya na pinatong niya kanina, kinuha niya ito ulit naisip niyang baka maayos niya ito.


"Hala! baka nananaginip parin ako? sabi kasi ng iba nangyayari daw yung magigising ka nang paulit ulit! naku!"


Gulat niyang sabi matapos makitang 4:29 am ang nakalagay sa orasan na kanyang hawak hawak.


"Bakit ganun, paiba iba ang oras sa orasan ko na ito?, hayyst di na nga lang ako matutulog antayin ko nalang mag umaga."

Dahil sa isiping iyon ay nagbasa nalamang siya ulit ng aklat.

Mangilan ngilan na ang kanyang nabasa ng tamarin na siyang magbasa, sinilip niya ulit ang labas nakita niya na madilim parin ang kalangitan.

"Tama yata ang sabi nila na kapag inaantay mo mas lalong tumatagal."

Dahil sa inis ay pinilit nalang ni hanna na matulog humiga nalamang siya ulit sa sofa.

Nagising na muli si hanna, inaasahan niya na baka tinanghaliin na siya dahil sa putol putol na pagtulog.

NGUNIT..

Nang kaniya ulit tingnan ang labas, madilim parin ang kalangitan.

"h.. hindi na yata tama to?

kaylangan ko na yatang humingi ng tulong sa mga kapitbahay."

Dahil sa isiping iyon ay dali dali siyang lumabas ng bahay upang katukin ang kanyang kapit bahay ngunit wala manlang nagising dito. lumipat nalamang siya sa isa pa niyang kapitbahay, natuwa siya ng makitang nagising si aleng kikay at sumilip sa bintana ngunit tinignan lamang siya nito at isinara na muli ang bintana.

"bwisit!! kapag sila humihingi ng tulong galit na galit kapag di pinagbigyan! "

Dahil sa inis ay pinagbabato niya ang bintana ng dalawa niyang kapitbahay at mabilis siyang nagtago sa loob ng bahay niya.

Nakita niya ang galit na galit na mukha ng dalawa niyang kapitbahay matapos magkasunod na binuksan ng dalawa ang mga pintuan ngunit mabilis ding isinara ng makitang walang ibang tao.

Nangingiti siya ng Makita niya ang pangkakainis ng mga ito.

" maka ligo na nga lang ng mawala ang init ng ulo ko sa mga kapitbahay na yan."

Napagdisisyunan na lamang niyang pumasok sa c.r para maligo.

Pagkatapos maligo ay nakita niyang parang bulang nawala ang kaniyang mga aklat, wala narin ang mga plato, upuan at lamesa.

"M.. may magnanakaw bang naka.. pasok?!"

Gulat na reaksiyon ni hanna,

nagpapasalamat si hanna na ang iba niyang damit ay nandoon parin..

"ano ng gagawin ko?!

"kailangan ko ng kapalan ang mukha ko, pupuntahan ko si ramon baka matulungan niya ako."

At dahil doo'y nagmamadali na siyang lumabas, habang naglalakad siya ay unti unti na ring nag uumaga.

Napahinto siya sa tulay na pinagtayuan niya kanina.

"hayyst salamat naman at umaga na, akala ko binabangungot parin ako"

Naka ngiting sabi nya sa sarili.

Bigla bigla ay may tumagos sa kaniyang katawan mula sa kaniyang likuran at hindi manlamang ito tumingin sa kaniya.

"mu.. mu.. multo!!!!!

aaaaaahhhhhh!!!!!! "

Dahil doo'y napasigaw siya sa takot at hindi makagalaw sa kinakatayuan, pumikit siya ng mariin upang hindi makita ang taong tumagos mula sa kaniyang likuran na ngayon ay naglalakad na palayo sakanya.

Mga ilang sandali lang ng imulat niya na ang kanyang mga mata at nakita niyang biglang dumami ang mga tao na nag uumpukan at nakiki usyoso ang lahat ng mga ito habang nakatingin sa ibaba ng tulay.



" bakit bigla yatang dumami ang mga tao?! ano ba yung sinisilip nila?

Takang tanong niya sa sarili.


"A.. aleh !? aleh ?! ano pong meron diyan?

Tanong niya sa babaeng nakiki usyoso din ngunit hindi siya nito pinansin dahil abala ito sa pagtingin sa kung anong bagay sa ilalim ng tulay.

"Mare! alam mo ba may kumatok nung nakaraang gabi sa amin!? kinilabutan nga ako eh, pati si kikay may kumatok din sakaniya."

Napangiti siya sa narinig dahil alam niyang siya ang kumatok.

Papalapit na sana siya sa mga ito ng mapahinto siyang muli at maalala ang sinabi ng mga ito.

"Nakaraang gabi? kagabi lang yon diba?"

Nagtataka niyang tanong sa sarili.

𝙎𝙪𝙞𝙘𝙞𝙙𝙖𝙡 𝙂𝙞𝙧𝙡 (ꜱʜᴏʀᴛ ꜱᴛᴏʀʏ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon