Living together: Nagbago Siya

1.6K 27 1
                                    

Drea's POV

Pakauwi namin ay tinakasan namin ni Andy si Marcus. Hahaha... Nakahood kaming dalawa ngayon at shades. Mahirap na baka may makakita saamin.

Nalalakad kami ngayon ni Andy sa streets ng city. Ang ganda maglakadlakad ngayon dito dahil maraming ilaw. Magnenew year na kasi. Maraming batang nagpapaputok. Napadaan kami sa tindahan ng street foods.

"Bili tayo ng street food, Andy." Ako

"Isa yan sa dahilan kung bakit mahal kita eh. Wala kang arte. Pati balot pinapatulan mo. Hindi ka nga namimili. Pati street foods. Habang ako hindi nga ako kumakain ng betamax eh." Andy. Aw... ang sweet ng boyfie ko.

"Masarap kaya ang betamax." Ako

"Kita mo na. Ikaw lng yata ang nakita kong mayaman na kumakain ng betamax." Andy. Bumili na sya ng mga street food at ibinigay na saakin.

"Eh mana ako sa 4 kong insan eh. Pero mas maarte yun kesa saakin" ako. Biglang may umupo sa tabi ko.

"Anong masmaarte. Kala mo hindi namin maririnig yung sinabi mo ah" K. Jared

"Bakit kayo nandito? Istorbo naman kayo eh." Ako

"Eh yung asawa mong hilaw. Tinawagan kami. Alalang alala na yun sayo. Bigla ka raw nawala." K. John

"Bakit nyo naman kasi tinakasan? Baka pag di pa kayo nakabalik mag pa search and rescue na yun. Baka ireport pa nun sa police." K. Jasher

"Lagot ka nanaman sa daddy mo, Thea. Eh alam mo namang may pagkaepal at kj yung tatay mo." K. Jeremy

"Mag dedate lng naman pala kayo tinakasan nyo pa yung asawa mo. Uso rin magpaalam eh noh."K. Jasher

"Eh hindi naman kami nun papayagan eh." Ako

"Basta umuwi na kayo agad. Mauna na kami sainyo. Istorbo sa date ko yung asawa mo." K. John

"Aish sige na umalis na kayo. Mga disturbance." Ako. Tsaka napatuloy na sa pagkain.

"Pasalamat ka nga at hinanap ka pa namin. Basta tawagan mo na yung asawa mo." K. Jeremy

"Baka atakihin pa yun sa puso sa kaaalala sayo." K. Jared

"Aish. Sige na. Tatawagan na." Ako.

Tinawagan ko na si Marcus. Sinagot naman nya agad.

"Hello, Marcus" ako.

"Nasaan ka? Bakit kayo biglang nawala? Bakit hindi ka nagpaalam? Alam mo bang delikadong lumabas ng gabi? Ano sumagot ka" Marcus. (A: wow feel na feel nya naman ang pagiging asawa. Hoo. Protective ...)

"Oa pa more. Kasama ko naman si Andy. Hindi nya naman ako pababayaan" ako

"Kahit na. Ako ang asawa mo. Magpaalam ka naman. Alam mo bang alalang alala ako sayo. " Marcus

"Sorry na. Nagdedate lng naman kmi. Mga 8:30 pauwi na rin kami. Sige na, Marcus" ako

"Sige. Basta 8:30 ha. Love you, my wife. Bye." Marcus

"Bye" ako. Pinatay ko na ang tawag. Umalis na ang mga pinsan ko. Naubos ko na ang pagkain ko kaya naglakad na kami pauwi. Nadaanan namin ang isang petshop. May isang aso na tahul ng tahul saamin. Maliit pa ito. Husky ang breed at ang cute cute.

"Andy, gusto ko yun" sabi ko at tinuro yung husky.

"Gusto mo bang bilhin natin?" Andy. Tumango ako. Pumasok na kami sa petshop at binili ang aso. 50,000 ang halaga nya. Kasama na dito ang cage. May colar rin na pwedeng paburdahan ng pangalan. May leash at water/food bowl rin. May costumized vest at hair brush rin. Ang vest na pinili ko ay kulay black na may white na linnings at red na curves na design.

The GoodBoy's Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon