Home: Back to You: Pagpaparaya

1.4K 29 0
                                    

(Pls play Man on a Wire)

Marcus' POV

Kalalanding lng ng eroplano namin dito sa Pilipinas. 7 am kami umalis ng N.Y. Nauna dito sila Andy. So sasalubungin nila kami. Ngayon na ang araw ng pagpaparaya ko. Siguro magiging bitter ako after this. Pero hindi naman yung sobrang bitter slight lng.

Lumabas na kami ni Drea sa Eroplano. Nakaakbay ako kay Drea. Natanaw na namin sina Tita at Andy. Oras na ba? Handa na akong iparaya sya. I'm letting her go so she can be happy.

Lumingon sa akin si Drea with the Can-I-look on her face. Hinila ko sya palapit kila tita. Sumunod sa amin sina dad. Sina mom naman ay lumapit rin. Hinawakan ko ang kamay ni Drea sa harap ni Andy.

"Nung nasa N.Y. pa tayo may narealize ako. Hindi lng ako ang nagmamahal sayo. Narealize ko na kung ipagpapatuloy pa natin ang 5 months, hindi ka rin lng naman sasaya sa piling ko. Alam kong hindi mo ako kayang mahalin ng tulad ng pagmamahal mo kay Andy. Narealize ko na pahihirapan lng kita kapag ipinagpatuloy pa natin ito." Ako. Nag simula nang tumulo ang luha ko.

"Narealize ko na mas sasaya ka sa piling ni Andy. Narealize ko na kayo tlaga ang para sa isat isa. Nagiging kontrabida lng ako sa istorya nyo ni Andy. Mahal na mahal kita Drea. Pero kung mas sasaya ka kay Andy, handa akong magparaya." Ako. Tumulo na ang luha nya.

"Shh. Dont cry. Maraming nasasaktan kapag umiyak ka. Ganon naman tlaga diba? Kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sa ikasasaya nya even if it means letting them go.

Kahit na magparaya ka. Kahit na kailanganin mong layuan sya. Kahit na kailanganin mong kalimutan ang nararamdaman mo para sa kanya. Kahit na kailanganin mong tanggapin na hindi ka nya mamamahal ng buo.

Kahit na kailanganin mong tanggapin na may mahal syang iba. Kahit na kailanganin mong tiisin na makita syang maykasama nang iba at masaya na sa piling ng iba. Kahit na masakit ay gagawin mo para sa kanya.

Mahal na mahal kita kaya ngayong hapon pipirma na tayo sa devorce paper." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Naluluha na rin ang mga taong nakapaligid sa amin.

"Mahal kita ngunit hindi kita mapapasaya. Kaya I'm letting you go. Pinaparaya na kita kay Andy. I'm letting you so you can be happy with him. Mahal kita that is why I'm setting you free.

Salamat sa ilang weeks na magkasama tayo. Salamat sa ilang araw na naging sweet ka sa akin. Salamat sa pag alaga. Salamat sa lahat, babe." Yinakap nya ako.

"Promise me na BFF na tayo ah. Promise me na hindi mo ako kakalimutan pati na rin yung mga memories natin. Mahal kita ngunit masmamahalin ka nya." Ako. Kumalas na ako sa yakap. Hinalikan ko sya ng huling beses. Kumalas na ako. Kinuha ko ang kamay nya at ang kamay ni Andy. Ipinag interwind ko ang kamay nilang dalawa.

"Promise nyo sa akin na kahit anong mangyare ay magiging matatag kayo at hinding hindi maghihiwalay. Kung hindi, hindi na talaga kayo magkikita. Ayoko namang masayang ang pagpaparaya ko." Ako. We chuckled. Yinakap ulit ako ni Drea.

"Maraming salamat, Marcus. Thank you for letting me go. Thank you for your understanding. Thank you for loving me kahit na hindi ko yun nasuklian ng buo. Thank you sa lahat. Alam kong mahahanap mo rin ang babaeng nakalaan para sayo balang araw. Mahal rin kita ngunit bilang bestfriend lng. Thank you sa lahat, bespren" Drea. Buang to tatawa tawa habang umiiyak.

"Paalam, bespren. Pupunta muna ako sa Canada para magpahangin at makalimutan ko na rin ang feelings ko para sa iyo. Mahal kita, bespren." Ako. Yinakap ko sya.

"Paalam, bespren. Pag uwi mo puntahan mo agad ako ah. Magtatampo ako sayo kapag hindi." Drea. Nagpout pa ang shunga.

"Salamat, dre. Utang na loob ko ito sayo." Andy. Hm magagamit ko balang araw yun ah.

The GoodBoy's Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon