[V/Taehyung]

22 2 0
                                    

Taehyung's POV

Andito kami ngayon sa dorm namin. Rest day namin ngayon eh. Busy kaming naglalaro nang biglang nag ring phone ko.

"Hello?"

(Hoy Kim Taehyung! Wala ka man lang bang balak magpakita sakin?)

"Sorry babe. Busy kasi kami eh"

(Kahit naman busy ka, sana gumawa ka man lang ng paraan para makausap ako or makipagkita sakin. Lagi nalang ba akong maghihintay?)

"Sorry talaga."

(Malapit pa naman na-- aish! I hate you. Bye na nga!)

Bigla akong binabaan. Bumalik ako sa barkada kong nakasimangot.

"Anyare sayo? Mukha kang nalugi sa lotto" komento ni Hoseok.

"Bakit hyung, may problema ba?" Tanong ni Jungkook

"Galit sakin si Sheina."

"Nakow. Kailangan mong bumawi sa kanya Taehyung." Sabi ni Jimin

"I-surprise mo kaya sya?" Suggest ni Jin. Tumango naman silang lahat.

Bawat isa sa kanila ay nagbigay ng sarili nilang idea kung paano but I already have something in my mind. And I'm sure she'll like it.

Sheina's POV

"Bwisit talaga si Kim Taehyung!" Sigaw ko

"Kalma ka lang bes." Sabi naman ni Choje na busy ngayong naghahanap ng damit dito sa closet namin.

"Pano ako kakalma eh hindi sya nagpaparamdam. Ako pa ang unang kumakausap sa kanya"

"Eh busy naman kasi talaga yung tao." Depensa nya.

"Bat si Jungkook? Nakakapag usap parin naman kayo ah."

"Hay. Hintayin mo nalang syang magparamdam sayo bes. Sa ngayon, kailangan nating pumunta ng mall para makabili ng isusuot natin mamaya sa party.

Every Valentines, may iheheld na party ang parents namin ni Choje. Huwag nyo kaming tanungin kung bakit dahil di namin alam kung anong trip nila.

Pumunta na kami ng mall para makahanap ng isusuot at makalimutan ang galit ko kay Taehyung pero mas lalo lang akong nabwisit. Kapapasok palang namin sa mall pero may naririnig na kaming sigawan at kumpulan.

Pinuntahan namin ni Choje yun and guess what? Nakita ko si Taehyung! That guy! 😠

"BTS ba yun?"

"Andito ang BTS?!"

"Si oppa Jungkook ba yun?!"

"Nakita ko si V!"

"Waaaaah oppa Jin!"

"Waaah Jimin notice me!"

Pareho kaming napakunot ng noo ni Choje. Bigla napalingon sa amin sina Jungkook at Taehyung. Nakita ko pang may binulong si Jungkook kay Taehyung. Kinausap nila yung mga nagbabantay dun sa store kung asan sila and nakita kong pinatakas nila ito.

Sinundan namin sila ni Choje pero mukhang natunugan nila kami. Nung hindi na talaga namin sila nakita, dumeretso nalang kami sa paborito naming store.

"WOW. Busy daw pero anong ginagawa dito sa mall? Bwisit talaga!" Asar kong sabi habang nag hahanap ng damit.

"Bat andito si Jungkook?" Wala sa sariling tanong ni Choje. "Akala ko ba busy sila?"

"Humanda talaga si Kim Taehyung sakin."

For You (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon