Third Person's POV
Naiinis na ewan si Choje. Papunta sya ngayon sa park dahil yung ang nakalagay sa envelope na natanggap nya.
Pagkarating nya, inikot nya ito agad. Nagbabakasakaling nandun sya pero wala. Nabigo lang sya. Walang gana syang umupo at pinagmasdan ang paligid.
Napansing nyang tulad parin ito ng dati. Walang nagbago. Tulad ng feelings nya.
Bigla nyang naalala ang masayang memories nila ni Jungkook dito sa park.
*flashback*
Choje's POV
Andito kami ngayon sa park. Nag aya ang bata eh. Haha. Tahimik kaming kumakain ng ice cream nang bigla nyang nilagyan ng ice cream yung ilong ko.
"JUNGKOOOOOOK!!!"
"Ahahahahahaha" Aba't natawa pa?! 😠
"Lagot ka sakin bwisit ka!"
Hinabol ko sya ng hinabol hanggang sa napagod na ako. Asar akong umupo sa bench. Nung napansin nyang wala na ako sa mood, lumapit na sya.
"Uy." Sabi nya saka kinurot pisngi ko.
"Ano ba?!" Asar kong sabi. Eh kasi naman! Nilagyan nya ako ng ice cream tapos nahulog yung hawak kong ice cream.
"Sorry."
Hindi ko sya pinansin. Nung na feel na nyang wala akong balak makipag usap sa kanya, umalis na sya. Pero wala pang 5 minutes nasa tabi ko na sya ulit at may hawak na dalawang ice cream.
"Sorry na." Sabi nya saka inabot yung ice cream.
"Pasalamat ka't gusto ko ng ice cream." Saka kinuha yung isa.
Habang kumakain ako, napapansin kong nakatingin sya sakin at napapangiti.
"Anong nginingiti mo dyan? Lalagyan mo na naman ako ng ice cream?"
"Hindi. Ang cute mo lang kumain ng ice cream. Haha"
"H-ha?" B-bat biglang bumilis tibok ng puso ko?
"Wala." Sabi nya saka tumingin sa ibang direksyon.
Tahimik naming tinapos ice cream namin. Ewan ko kung ako lang pero biglang naging awkward.
"Uhm... Ano gusto mong gawin?" Tanong nya bigla.
"Bahala ka."
"Tara maglakad lakad?"
"Geh."
Bigla nyang hinawakan kamay ko. Hinila nya ako saka nagpunta kung saan saan.
Ilang minutes na kaming naglalakad pero hanggang ngayon, hawak hawak parin nya kamay ko. Kanina pa nagwawala puso ko.
"Choje." Bigla nyang sabi
"Bakit?"
"What if.."
"What if?" Tanong ko
"What if may aamin sayo. Anong gagawin mo?"
"Depende."
"Pano kung ako yung aamin?" Tanong nya tas bigla syang tumingin sakin.
"H-ha?"
"What if sabihin kong may gusto ako sayo?"
"Huwag ka ngang mag joke!" Sigaw ko saka umiwas ng tingin.
"Nagba blush ka ba? Yiiieeee kinilig sya. Haha"