Chapter 5: Just the Two of Us... or Not?
~•※•~
KEARN
Nakatanaw lang ako sa bintana ng kwarto ko habang tinitingnan ang mga kadormmate ko na masayang sumakay sa bus.
Hindi sa naiingit ako or what. Eh kasi naman...
FLASHBACK
Magkachat kami ni Lala dahil bukas na ang alis nila.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Mamimiss kita friend. |
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~___________________________
| Ako rin. Mamimiss kita.
| Ako lang mag-isa rito.
___________________________
________________________
| Pasalubong ha?
| Kahit buhangin lang
| ㅋㅋㅋ
________________________~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Anong mag-isa? |
Kasama mo kaya si insan. |
Ayieeeh. |
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~_______
|Ano?!
_______Lala is now offline
END OF FLASHBACK
Aishhh.
Hanggang ngayon ay windang pa rin ako sa ginawa ni Loki kahapon.
Napapikit na lang ako ng maalala ko na naman yun.
"Luh, gago siya. At may next time pa talaga siyang nalalaman bwesit siya!" bubulung bulong kong sabi bago ako bumaba sa living area.
Naabutan ko roon si Ate Gwen na may bitbit na maliit na maleta.
"Aalis ka Ate?" tanong ko.
"Oo Kearn, tuwing nagkakaroon ng trip ang mga estudyante ay kasama rin kaming mga dorm caretakers." sagot niya na ikinalunok ko.
Walang teachers.
Walang mga estudyante.
Walang dorm caretakers.
Walang school nurse at doctor. Walang janitors.
Tapos anglayo pa ng guardhouse.In short, walang magiging witness sakaling maisipan ni Loki na patayin ako.
Luh, patay kang bata ka. (ಥ_ಥ)
"Ayos lang ba kayo ni Loki dito Kearn?" tanong ni Ate Gwen.
Nginitian ko na lang siya.
"Ingat ka dun Ate Gwen ha? Maraming wild animals dun." nakangiti kong sabi sa kanya.
Luh, ako rin kaya, dapat ring mag-ingat sa bipolar kong 'master'. (ಥ_ಥ)
Nagtagpo ang kilay niya.
"Kearn... Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.
"Oo naman Ate. Wag kang mag-alala. Safe ako dito." nakangiting sabi ko.
Luh, magtatago na lang ako sa banyo para sure.
"O siya. Loki, ingatan mo tong si Kearn ha?" sabi ni Ate Gwen na ikinalaki ng mata ko.
Luh, ano daw?
BINABASA MO ANG
Devil Behind Me
Fiksi RemajaLumipat ng ibang school si Kearn para lumayo sa pambubully ng mga schoolmates niya at napadpad siya sa Kurogawa International Academy. Akala niya nakatakas na siya sa bangungot ng nakaraan. Until she made a simple mistake that changed everything.