Chapter 32

392 21 4
                                        

Naglalakad na ako ng mabilis dito sa loob papunta sa bilihan ng merch kulang nalang eh tumakbo na ako shemay! Promise! Di kami uuwi ng kapatid kong si Rae kapag hindi namin makita yun ulit! Ayokong umuwi!

RAE's POV

Ayan na konting hakbang nalang malapit na ako sa lugar kung saan pinapangarap kong akin nalang sana .. Ang store ng mga KPOP MERCH!

Ilang hakbang nalang.

1

2

3

*Booogsshh*

OUCH!!

may nakabungguan ako! Aray ang sakit ah! Napa upo tuloy ako sa sahig lintek na! Kainis naman! Sa sobrang sakit napahawak ako sa noo ko tumama kasi sa sahig ung pwet ko! Ay mali dapat pala sa pwet ako nakahawak hindi sa noo may pagkatanga din si ate girl mo eh!

“Tingin tingin din kase sa--” natigilan ako sa  sinasabi ko nang biglang may nakita akong nakalahad na isang kamay sa harapan ko “Mianhe” at mas lalo akong natigilan nang magsalita sya. Mianhe??

Diba kanta ng BTS yun? Wonhae Mianhe Mianhe yah! Ayy mali . Diba sorry ang meaning nun sa english? Mianhe?

Diba??

Diba??

Dahil sa pagkagulat ko sa narinig ko, nawala na ang pagkasimangot sa mga mukha ko.. Napatingin ako sa nagsalita ayy ang tangkad ah.

Medyo hindi ko napansin ang mukha nya eh. Kasi pagtapos ko ibaling sa mukha nya ung tingin ko nataranta naman akong napatingin sa kamay nya na kanina pa nakalahad sa harapan ko.

“Mianhe, tayo ka na jan.” shet!? Nagsalita ulit sya! Nakatingin sya saken!

Inabot ko naman agad ang isang kamay ko sa kanya at tumayo na.

So NAGTATAGALOG SYA?! PERO KOREAN SYA DIBA? MAY LAHI BA SYANG PINOY?!

Arrgghh jinjja?!

Pagkatayo ko sa kanya napatingin naman ako sa kanya so ayun kitang kita ko na ngayon ang mukha nya. Kasi nakatayo na ko.

Ayy hindi pa pala.. Di ko pa pala nakikita ung buong mukha kase nakamask sya na black , naka sombrero syang black! Mata nya lang ang nakikita ko . hayst anu bayan! Lakas naman makapagtago ng mukha neto kala mo naman kpop idol or what! Pero ang gwapo nya shems! Kaboses pa nya si Vvlauvs ko!

Pero wala na sa isip ko ang umasa ngayon ilang beses na akong napa-asa no!

Sa ngayon ang tingin ko lang sa kanya ay isang gwapong koryano! Wala na sa isip ko na si V to.. Ayoko na umasa .

Pero ano to? Seryoso? Bakit? Titig na titig sya sakin? Kahit ako rin naman titig na titig sa kanya eh.

Sinusuri ko kasi ng maigi ung itsura nya hangga't may pagkakataon pa.. Kasi hello, minsan lang naman makakita ng gwapoging korean sa Pilipinas sulitin na!

Pero nakakahiya narin kasi ginagawa ko eh.

Pero nakakatulala ung itsura nya! Parang may pagka-V talaga sya eh lalo na ung mga mata nya.

Waaaaaaahh ayokooo ayokoooo!

Para matapos na, para di na ako umasa, tatapusin ko na to.

“S-salamat s-sa sa pagtulong sakin sa pagtayo hehe.” bakit nauutal ako?! Shemay! Ayoko ng gantooo!

“Wala yun.” narinig ko pang sabi nya.. Kaboses nya talaga si V waaaah! King pwede ko lang iuwi ang koreanong to!

“uhm,, s-sige ah,, mauna na ko ah.” pagpaalam nya saken.

Agad namang napakunot ung noo ko dun. Bakit nauutal din sya? Nagandahan ba sya saken? Charot! Nakakapagtaka lang talaga! Nagmamadali pa sya umalis eh! Diba dapat ako ung mahiya? Ako ung magmadali? Eh ba't ganon? Nagkapalit kami?

Anong meron sa lalaking gwapoging koreanong oppa na yun? Gusto ko pa sana sya makausap kahit na hiyang hiya na ko kaso di ko magawang pigilan sya sa paglalakad nya eh.

Sana makita ko pa sya.. Hindi na ako aasang si V yun parang hindi naman eh baka kaboses nya lang naman.. Ayoko na isipin yun masasaktan lang nanaman ako.😑

Sana natanong ko manlang kung anong pangalan nun ni Oppa! Kahit hindi naman siguro si V yun pero mayghad! Koreano sya bes koreano! At halata sa mukha nya na gwapo sya kahit nakamask!

Minsan lang naman makakita ng gwapong koreano pinabayaan ko pa napakatanga nga naman oo!

Kainis naman! At dahil wala na akong magawa, naglakad nalang ako papasok sa bilihan ng kpop merch maghahanap nalang ako ng bagong merch na pwedeng bilhin!

Pero ..

Pero..

Wait!

May pagkashunga talaga ako eh! Diba pumunta kami ni ate dito para maghunting ng mga koreano?!! Bakit papabayaan ko pa ung koreanong yun na nakita ko?! Diba nga pakapalan na ng mukha bes?! Kainis naman !

Papasok na sana ako ng store ng mga kpop merch eh, ung isang paa ko nasa loob na ng pintuan, umatras ako dahil sa naisip ko! Lumingon agad ako sa direksyon kung saan naglakad palayo si Oppa, kaso hindi na sya makita ng mga matatatalas kong mata! Ni anino wala na! Lumingon naman ako sa cr na pinasukan ni ate nakita ko sya papunta na dito sa direksyon ko.

Ba't parang nagmamadali rin tong babaeng to?!

Ba't parang natataranta din sya?! Ano parehas kame ganon?

Anyare kaya dito?! Dahil sa nagmamadali narin ako, tumakbo na ako papunta sa kanya para salubungin sya.

*boogsh*

“ARAY NAMAN!” sabay naming sabi!

Potek uso ba bungguan ngayon?! Wala namang ibang nangyari nagkabungguan lang naman kami neto ni ate ng napakalakas! Hindi naman gaano masaket! Sobrang saket lang! Buti nga hindi kami napaupo sa sahig eh! Kung napaupo kami sa sahig, nakakahiya na talaga! Ang sakit lang kasi nagtamaan ung magkabilang balikat namin!

“aray ko Rae! Anyare ba sayo? Baket parang madaling madali ka?” sabi nya sakin na hinihingal at nakahawak ung isang kamay sa balikat ..

“eh ikaw nga ren eh! Bakit madaling madali ka? Nung tinitingnan kita kanina parang may hinahanap ka na kung ano!” sabi ko sa kanya na hinihingal din at nakahawak din ang isa kong kamay sa balikat kung saan nabunggo.

“alam mo, kung magiinisan lang tayo dito, wala tayong mapapala!”

“sino ba nauna?” tanong ko na natatawa.

*sigh

“Hay tara na nga may dapat tayong hanapin!!”

Nagkatinginan kaming dalawa na nanlalaki ang mata! Sabay kami ng sinabi? So ibig sabihin pareho kaming... Oo yun na nga! Waaaaah!

“may nakita ka den?!” tanong nya sakin.

“Oo ikaw den?!” tanong ko.

“Oo kamukha pa ni Jimin!”

“Hala kamukha ni V ung nakita ko eh!”

“nakamask ba?!!”

“Oo!”

Sabay naman nanlaki ang mga mata namin.. Kung pareho silang nakamask ibig sabihin.....

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now