"H-ha?" Pagtataka ko .
Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na halatang nagulantang din.
"Sa grupo namin, hindi lang ako ang nakakakilala sayo." Paguulit ni Jimin.
"W-what do you mean?"
"Hindi ko rin alam kung paano ko sisimulang ikwento sayo, lahat kami kilala ka. Alam kong hindi ka maniniwala pero sana pakinggan mo ko."
"S-sige"
"Aware ka naman siguro na may twitter account kami diba? Sa twitter acc na yun, doon ka namin nakita. I mean, si Taehyung lang pala. Noong isang araw bago kami pumunta dito sa Pinas, nakwento nya sakin na may isa syang fan na nagugustuhan at ikaw yun. Kaya nga siguro ganon nalang ung pagka-excite nya nung nalaman nyang dito kami mags-summer vacation. Alam mo bang pag tuwing ini-stalk ka nya, lagi akong nasa tabi nya pinapanood kung pano ka nya tignan, kahit sa instagram nahanap nya yung account mo, ganoon nalang ung ngiting nakikita ko sa mga labi nya kapag tuwing tinitignan nya ang mga pictures mo. Doble ingat din kaming walang ma-ilike na picture or post mo ni-isa kasi nga baka kumalat yun. Pero sa mga araw na kasama nya akong nangstalk sayo, parang nararamdaman kong nagkakagusto na rin ako sayo. Rae, alam kong mahirap paniwalaan to. Hindi ko lang talaga mapigilang hindi mapangiti kapag magkausap tayo. Rae, please lang wala na bang i-a-angat ung pwesto ko jan sa puso mo? Hanggang pangalawa nalang ba talaga ako?" Ani jimin.
Pagkatapos nyang magsalita sa phone, napatigil ako. Tipong sinusuri ko pa lahat lahat ng sinabi nya habang ung mga kaibigan ko naman dito, nakatulala na para bang hindi makapaniwala. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Si Taehyung? Na ultimate bias ko? May gusto pala sakin? At ini-stalk ako? Ang hirap din paniwalaan. Ang hirap, ang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Siguro yung kahapon na nakita ko si Tae sa video call na sinabi nyang parang familiar ako sa kanya, siguro ayun yung tinutukoy nya, na ako ung babaeng nagugustuhan nya.
At naalala ko pa nung nakabungguan ko sya sa mall, siguradong sigurado ako na sya yun, nauutal pa sya nung nagsalita sya. Pero bakit ganoon nalang ang tingin nya kaya sakin noong naguusap kami ni Jimin? Hindi ba nagseselos sya? Nah Rae! O baka naman tinitignan lang talaga nya ung mukha ko at tinitingnan kung ako talaga yung nagugustuhan nyang babae?
Taehyung, Jimin bakit nyo ginagawa sakin to?
"R-rae?" Narinig kong boses sa kabilang linya, si Jimin parin pala.
"A-ahm" pagsagot ko nalang para malaman nyang nakikinig parin naman ako. Wala lang talaga akong masagot sa lahat ng nasabi nya.
"S-sige, bye na muna sa ngayon. May gagawin pa ko." Pagkatapos nya sabihin yun ay pinatay nya naman kaagad yung tawag. Pero napansin ko na parang naiiyak sya sa boses nya? Narinig ko kasi yung kapag umiiyak, ung pinipigilan ung sipon?
Arrggh Rae, tigil na. Malay mo may sipon lang talaga sya.
Ayaw na ayaw kong marinig o makitang umiiyak ang mga iniidolo ko. Mas lalo akong nasasaktan, napapaiyak na rin ako.
Lalo na't yung dahilan ng pagiyak na yun ay ako.
---
Jimin's POV
Pinatay ko na yung tawag pagkatapos kong masabi lahat lahat kay Rae, halatang wala syang maisagot sa lahat ng sinabi ko. Ayoko rin naman kasi na marinig nyang umiiyak na ako dito.
Haha, oo umiiyak ako. Umiiyak ako sa sakit, umiiyak ako na para bang hinihiling ko na sana ako nalang ung ultimate bias nya para hindi na mahirap sa akin. Kaso hanggang bias wrecker lang ako. At sigurado akong maguguluhan din sya kung sino ang pipiliin sa aming dalawa lalo na't naikwento ko na rin na may gusto sa kanya si Tae. Bakit kasi kailangang ganto pa?
Bakit kailangang iisang babae pa talaga ang magustuhan namin? Palagi nalang ba kaming magaagawan sa lahat ng bagay? Naiinis ako sa sarili ko, kasi nang-angkin nanaman ako. At naging makasarili nanaman ako. Kaibigan ko si Taehyung, ayoko rin na makikitang magalit sya sakin ayokong makitang nasasaktan sya. Aaminin ko masama akong tao. Na kapag tuwing magkasama kami ni Taehyung na pinaguusapan si Rae, parang pagbibiro lang ang mga sinasabi ko sa kanyang aagawin ko si Rae pero kapag nakatalikod sya, bigla bigla nalang pumapasok sa isip ko na kailangan kong maagaw sa kanya ang babaeng gusto nya, na gustung gusto ko rin.
Pero kailan nga naman mangyayaring manaig ung bias wrecker sa isang ultimate bias diba?
Gagawin ko nalang ang lahat para mapa-oo ko na sya. Gagawin ko ang lahat para maging akin sya. Gagawin ko lahat para manaig ako sa puso nya. Alam kong masama itong gagawin ko lalo na kay Tae pero, pag dating sa pagibig seryoso ako. Ayokong may ibang nakakasingit. Taehyung, alam kong ikaw ang unang nakakilala kay Rae pero sisiguraduhin kong sa akin sya mapupunta. Tutal hindi mo pa naman sya nakakausap kaya malaki pa ang chance ko. Taehyung, sorry. But this time, seryoso ako. Bahala na kung anong mangyari.
YOU ARE READING
Lucky ARMY (continuation)
FanfictionAnnyeong! kung may readers man ang 'Lucky ARMY' by: MaeHyung95, hey it's me your author. This is my new account. Dito ko na po itutuloy thank you for the support! To the new readers, I just want to let y'all know, that this story was written since 2...
