7:00 pm eksakto nang magyaya na si Jin hyung na kumain ng hapunan.
Kaya lumabas naman na ako sa kwarto ko, paglabas ko ng kwarto nakita ko si Jin hyung na kinakatok si Jimin pintuan ng kwarto nya para kumain na.
Hindi pa rin pala lumalabas ng kwarto ang tukmol na to. Ano kayang pinaggagagawa nya sa loob? Malamang nakipagusap sya kay Rae, malamang nga.
Nakapwesto na kaming anim sa lamesa para kumain na.
"Jin hyung, si Jimin? Tinawag mo na?" Namjoon.
"Oo kanina ko pa kinakatok eh." Sagot naman ni namjoon hyung.
Napalingon naman kaming lahat sa bumukas na pintuan, pintuan pala ni mokong. Nakita kong gulo gulo ang buhok nya at parang nagtatanggal pa ng muta, ahh natulog lang pala.
Mabuti naman at natulog sya, hindi ung makikipagusap sya magdamag kay Rae!
"Anong oras na hyung?" Kalabit netong mokong na to kay Yoongi. Napatingin naman si Yoongi sa wrist watch nya.
"7:05" walang reaksyon nyang sagot.
"Jimin, kumain ka na." Yaya naman ni Hoseok hyung. Tumango nalang si Jimin at dumeretso ng kusina para maghilamos at magmumog ng tubig.
Walang ibang bakanteng upuan sa pwesto namin kundi sa tabi ko lang, kaya no choice, pagtitiisan kong makatabi ang asungot na to. Nakita ko naman na tapos na sya ginawa nya at umupo sa tabi ko ng walang reaksyon.
Pagkaupo nya sa kanang bakanteng upuan sa tabi ko, siniko naman ako ni Jungkook na nasa kaliwa ko dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Paglingon ko naman sa kanya nakita kong napangisi syang nakayuko at nakaharap sa pagkain nya, napatingin naman ako sa ilang ka-member ko na nakatingin samin ni Jimin.
"Eherm" pagpaparamdam ni Yoongi hyung. Sus, kunyare pa to.
Ang awkward ng araw na to, sa mga taong pinagsamahan namin, eto lang ang araw na tahimik kami habang kumakain. Dahil siguro nagpapakiramdaman sila dahil nga sa amin ni Jimin.
"Sino gusto ng carbonara?" Tanong Jin hyung na hawak hawak nya na ung lalagyan ng carbonara at handa nang i-abot.
"Ako!" Sabay naming sabi ni Jimin. Argh puta. Pati ba naman dito.
Inagaw ko na agad kay Jin hyung ung carbonara at bago ako maglagay sa pinggan ko, nagparinig ako.
"Ako nauna!" Seryosong sabi ko sabay lagay na ng carbonara sa pinggan.Kahit nakatingin ako sa pinggan ko, kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatingin ang lahat sa akin. Maski si Jimin napatingin na rin.
Walang ibang nagsalita simula nung magparinig ako. Pagkatapos ko maglagay ng carbonara sa pinggan ko, akmang kukunin na sana ni Jimin sa akin pero imbis na i-abot ay ipinatong ko sa gitnang lamesa sa tapat ko ung carbonara "sino pa may gusto?" Tanong ko na nakahawak parin sa pinaglalagyan ng carbonara na nakapatong na ng kaunti sa lamesa.
"Ak--" hindi na natuloy ni Jimin ung sasabihin nya nang tuluyan ko nang bitawan yung plato ng carbonara at magpatuloy na sa pagkain.
Nakita ko namang kusa nalang na kinuha ni Jimin ung carbonara at naglagay na sa plato nya.
Alam kong nagtataka na to sa kinikilos ko.
15 mins later ..
Tapos na kaming lahat sa pagkain ung ibang members ay nagtungo sa sala para manood ng tv or kung ano mang gagawin nila dun. Natira kaming tatlo ni Jin hyung at Jimin na nagliligpit ng mga pinagkainan. Ano naman kayang napagisipan ng Jimin na to at tumulong sa pagliligpit?
"Nga pala, Jimin, Tae, kayo ang naka assign sa paghugas ng plato." Sabi ni Jin hyung.
Aba tignan mo nga naman kung minamalas oh. Halatang nananadya tong si Jin hyung eh.
"Alam ko nasa utak nyong dalawa, yung ibang members tapos na nila ung mga nakatoka sa kanila. Ngayon, kayo naman ni Jimin ang maghuhugas ng plato. Wag na maginarte." Sabi nya pa.
Napailing iling nalang ako. Wala eh no choice, kailangang kumilos. Nananadya talaga ang panahon.
"Ako nalang magsasabon tapos ikaw na magbanlaw" narinig kong sabi ni Jimin. Aba bakit kaya? Samantalang dati gustung gusto nya magbanlaw.
"Bakit?" Tanong ko.
"Wala para maiba." Sagot nya na walang ekspresyon ang mukha.
"Nagmamadali ka ba?" Tanong ko sa kanya na may pagtataka. Alam ko naman kaseng maguusap lang sila ni Rae.
"Hindi naman." Sagot nya.
"Hindi pala eh."
"Basta ikaw na sa banlaw ah" tanong nya sakin at tinapik tapik ung balikat ko sabay ngumiti, ung tamang ngiti lang, hindi labas ang ngipin.
Napakaplastik mong putangina ka.
Pinagpagan ko naman ung balikat ko na tinapik tapik nya. Baka kasi marumihan, sayang ung malinis kong damit.
"Maguusap lang naman kayo ng taong pagaari KO" pagpaparinig ko pero parang pabulong lang. Ang gulo diba? Basta yun na yun.
Napalingon naman sya sakin na nakakunot ang noo.
"Ano sabi mo Tae?" Tanong sakin ng unanong to.
"Wala! Sabi ko bilisan mo na magsabon, at magbabanlaw na ko." Sabi ko nalang sa kanya.
Sus, kunyare hindi narinig. Wag ako jimin. Ngina mo sagad. Plastik.
Buong buhay ko akala ko hindi sya magkakagusto kay Rae, pinangako nya pa sakin noon na hinding hindi nya aagawin ung babaeng yun sakin, pero ngayon ano na? Kamusta naman? Musta na ung pangako na yon? Nawala na? Nevermind nalang sa kanya?
Kung magpalit kaya kami ng sitwasyon ng unanong to tignan natin kung anong mararamdaman nya. Sigurado ako, kung sya nasa sitwasyon ko, hindi na magtitimpi yun at susuntukin na kaagad ako. Ganyan ang ugali nya. Kase alam nyang mahal na mahal nya ung tao tapos tinatraydor sya ng kaibigan nya.
Pero ako, nagtitimpi pa ko. Hindi ko nga alam na nagawa ko pang magtimpi eh. Sa lahat ng salitang naririnig ko sa kanya pag tuwing kausap nya si Rae sa cellphone nya parang gusto ko na syang itapon sa basurahan kaso hindi ko magawa. Naiisip ko na kaibigan ko parin sya.
Pero kahit na! Ayoko na. Wala nang kaibigan kaibigan to! Sya na mismo ang sumira ng pagkakaibigan namin. Kaya papanindigan ko to. Simula ngayon, hindi ko na sya kilala bilang matalik na kaibigan kundi, isang kagrupo nalang.
This time hinding hindi na ako magpapakatanga hinding hindi ko na babalewalain ang mga bagay. Ibang Taehyung ang makikita mo Jimin humanda ka lang.
YOU ARE READING
Lucky ARMY (continuation)
FanficAnnyeong! kung may readers man ang 'Lucky ARMY' by: MaeHyung95, hey it's me your author. This is my new account. Dito ko na po itutuloy thank you for the support! To the new readers, I just want to let y'all know, that this story was written since 2...