Chapter 41

306 16 14
                                    

Taehyung's POV

Katulad ng dati, narinig ko lahat! Lahat lahat ng sinabi ni Jimin sa kabilang linya at alam kong si Rae lang naman ang kausap nya. Nakikinig ako sa labas ng pintuan nya. Pinapakinggang maigi lahat lahat ng lumalabas na salita sa bibig nya.

Alam ko ang plano nya, siguradong sigurado ako na may gusto sya kay Rae, pero kilala ko Jimin ang isang Park Jimin gagawin nya ang lahat para mapa- sa kanya ang lahat ng bagay na gusto nyang makuha lalo na pagdating sa pagibig, hinding hindi sya magpapatalo.

Alam kong may plano sya, gagawin nya na lahat habang may chance pa sya lalo na't hindi ko pa naman nakakausap si Rae.

Jimin hyung bakit mo ba ginagawa sa akin to? Lahat nalang ba aagawin mo?

Magkaibigan kami pero PUTANGINA hindi na biro to. Kung ung ibang bagay ok lang sa akin na maagaw nya, pero this time, hindi na. Hindi na ako papayag na mapupunta si Rae sa kanya. Putangina napaka plastik nya traydor sya.

Agad agad nalang akong dumeretso sa kwarto ko bago pa tumulo ng tuluyan ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Ako yung nauna, ako ang naunang makakita sa kanya. Ako ang unang nagmahal sa kanya. Tapos bigla ganto mangyayare? Gumagalaw na pala tong si Jimin? Nakakagago na. Feeling ko hindi nya ko papayagang maging masaya. Kung alam ko lang nung umpisa palang dapat, in-approach ko na si Rae, kaso wala akong way para kausapin sya, etong Jimin na to, ayaw ibigay sa akin ung number nya. Kahit facebook acc ayaw nya ibigay, yung Rae Kim friend ko sa fb hindi ko pa naman sure kung talagang sya yun.

Bakit kasi kay Jimin pa? Bakit kasi kay Jimin pa sya na-wrong call? Nang dahil lang sa putanginang wrong call na yan, magbabago pala lahat?

Jimin, alam kong may pinaplano ka, pero sisiguraduhin kong hihigitan ko yan. Pag tuwing may inaagaw ka sa akin, ok lang, di ako umiimik. Pero ngayon, ngayon makikita mo ba kung paano ako gumanti. Seryosong usapan na to. Gagawin ko na lahat para makuha ung number nya at maconfirm kung talagang si Rae ung friend ko sa fb.

Oras na para kumilos, wala na akong sasayanging oras para dito. Rae, hintayin mo ko di ako papayag na mapupunta ka kay jimin, hinding hindi!

Napatigil ako sa pagiisip nang marinig kong may kumatok sa sa pintuan ng kwarto ko, tumayo ako sa kama para buksan iyon at nakita kong tumambad yung iba kong kagrupo bukod kay Jimin.

"Oh, baket?" Tanong ko sa kanila. Walang silang naisagot at dere-deretso lang sa kama ko at humiga na sila.

"Wala naman" sagot lang ni Yoongi hyung na sarap na sarap sa pagkakahiga.

"Saan si Jimin?" Tanong ni Jin hyung.

"Andun sa kwarto nya diba? Di mo ba alam?" Ani Jungkook.

"Kinakatok namin sya kanina kaso walang lumalabas sa kwarto nya kaya siguro natutulog. Naka-lock din eh. Kaya di namin mabuksan ung pinto." Namjoon hyung.

"Kaya napagdesisyunan nalang namin na dito manggulo." Ani hoseok.

Sabi na nga ba eh.

"Ayy nga pala hyung, ba't parang pansin namin na hindi kayo gaano nagpapansinan ni Jimin hyung?" Tanong ni Jungkook.

Akala ko pa naman magiiba na ung topic hindi pa pala.

"Wala!" Sabi ko nalang.

"Sus, sabihin mo na, grupo tayo bawal ang naglilihim." -Hoseok.

Alam na rin nila na si Rae yung number na tumawag kay Jimin at alam na rin nila lahat kasi nung nakaraan lang nagkwentuhan kami about dun, ang hindi lang nila alam ay may gusto rin si Jimin kay Rae, ang alam lang nila, ako ung may gusto.

"May gusto rin ba kayo kay Rae?" Tanong ko nalang.

"Aba, anong klaseng tanong yan?" Yoongi.

"Nung una, oo aaminin namin, nagandahan kami pero hanggang dun lang. Nagbibiro lang naman kami nung una na aagawin namin sayo yun eh. Sayong sayo sya promise." Ani namjoon.

At nagsi-sangayun naman ung iba kong kagrupo.

"Bakit mo nga pala natanong?" Jin.

"Gusto nyo ba talagang malaman kung bakit di kami nagpapansinan ni Jimin?" Tanong ko .

"Oo" sagot ni Hoseok hyung.

Pagkatapos noon ay kinuwento ko na lahat sa kanila na may gusto rin si Jimin kay Rae at parang may pinaplano si Jimin. Pero ikinwento ko rin naman na hindi ako magpapatalo. Alam na alam na namin ung ugali ni Jimin.

"Iba na to." Jungkook.

"Si Jimin talaga, gagawin lahat makuha lang nya ang gusto nya." Hoseok.

"Andito naman ako." Sabi lang ni Yoongi hyung na nakatingin sa kisame at nakapatong ang ulo nya sa dalawang kamay nya habang nakahiga parin. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"Joke lang, kingina di kayo mabiro." Dagdag nya naman.

"Oh eh ano balak mo?" Jungkook.

"Bahala na kung anong mangyari. Basta gagawin ko lahat para mapunta ang bagay na sa akin dapat." Sagot ko.

"Pero hindi ka ba nagaalala? Pano kung mapunta nga sya sayo pero hoy, 2 months lang tayo dito, once or twice in a year lang tayo nakakapagstay dito sa Pinas, oh ano?" Jin.

"Hindi naman problema ang magkalayo, ang importante mahal at may tiwala kayo sa isa't isa." Sagot ko

"Saan mo naman nakuha yang sagot na yan?" Namjoon.

"Aish"

"Oy teka maggagabi na pala. Magluluto lang ako ng makakain natin." Sabi ni Jin hyung na napatingin sa wrist watch nya.

"Oo nga pala, maliligo na rin ako." Sabi ni Yoongi hyung

"Ako rin" jungkook

"Hala oo nga ako rin" hoseok.

"Ako din di pa naliligo" namjoon.

"Tangina di pa pala kayo naliligo?" Tanong ko

"Hindi pa. Hehe." Sagot nalang nila at tuluyan nang lumabas ng kwarto ko.

Bumalik naman ako sa pagiisip kung anong plano ang gagawin ko para makuha ang number ni Rae at makausap ko na sya.

Jimin, sisiguraduhin kong sa akin sya mapupunta, tandaan mo yan.

Lucky ARMY (continuation)Where stories live. Discover now