Entry 7 - Babaeng Nakaputi

9.5K 165 16
                                    

// Entry 7 \\

Hello guys! Ako'y nagbabalik :) Kanina ko lang ito naranasan, mula nung nagbalik ako ulit sa bahay nila Maria. :)

---------------------------------------------------------------------------------------- xoxo

Tapos na nung practice namin noon para sa isang Movie na kailangan naming ipasa sa Filipino. El Filibusterismo. 26 minutes daw ang maximum, so we need to much preparation to get a higher grade. Graduating Student pa naman din kami.

"Tara na guys, Punta tayo sa mall" sabi ni May isa sa mga kagrupo namin. All girls muna ni-meet ko para sa other days, boys naman.

"Sige teka lang, tawagin lang namin si Maria" sabi ko sakanila.

Sumama sakin si Shaine sa loob. At tinawag si Maria.

"Tapos na ba?" tanong nito.

"Oo." sabi ko.

"Tara KFC Maria" sabi ni Shaine.

"Sige! Teka kunin ko lang bag ko sa kwarto" sabi nito. Naiwan kami ni Shaine dun sa salas kung saang nangyari yung dati.

Nagpunta kami ni Shaine don sa salamina kung saan nakatapat ang daan patungong basement nila at katabi yung bodegang sinasabi ni Maria na meron.

Habang pose na pose si Shaine sa salaminan.

Hindi ko maiwasang di mapatingin sa bodega na nakaawang ang pinto.
Nawala ang atensyon ko sa pintuan ng nagsalita si Shaine.

"Bagay ba?" sabay pose na pangmodel.

"Kadiri ka Shaine!" sabi ko.

Tas inirapan lang ako at nagpatuloy sa ginagawa.

hanggang sa mahagip ang mata ko sa bodega nila..

Natutula ako...

"Shit, Shaine. Shit" sabi ko iyon habang nakatingin sa nakaawang na pinto.

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!!!! TANGINA MO *INSERT MY NAME*!!!! AYAN KA NANAMAN EEEE"  sabi nito.

Kung iisipin niyo, akala niyo nagjojoke ako. Pero totoo siya. Dinadaan ko sa tawa. Para hindi scary. Kasi wala nanamang tao kasi sakanila.

Natawa nanaman ako kay Shaine for the 2nd time. Maiyak-iyak siya sa takot kasi hahahaha. Sa halip na matakot din ako e natawa pa XD

Nagtatakbo kami sa terrace sa takot at nagulat sila May at Liza.

"Anyare?" sabi ni Lisa.

"Si *insert ng name ko* kasi!!!! May nakita daw siya!!!! busy pa naman ako kakapose sa salamin tas may nakita na siya!" halos mapaiyak nanaman si Shaine.

"Ano yon???"sabi nila.

At sinabi ko nga....

Isang babaeng nakaputi na nakatingin sa direksyon ni Shaine na nagsasalamin at nanlilisik ang mga mata nito.

Book of Horror (Based on True Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon