Umaga ng magising sa alarm ng kanyang cellphone si Baltazar, may ka tangkaran at kasalukuyang nasa ika 4 na taon sa high school. Naligo, nasipilyo at naghanda ng pumasok sa iskwelahan. Habang naglalakad papasok ng kanyang iskwelahan tinawag siya ng kanyang kabarkada na si Kishin, kapareho nya ng edad at mahaba ang buhok at may suot na head set at ang kamay ay nakapasok sa kanyang jacket na kulay itim. Hinabol ni Baltazar si Kishin tinapik nya ito at sinabing. "Kishin!! sabay na tayo at ibaba mo na yang head set mo para marinig mo ung ikinikwento ko." "Ano ba yang ikikwento mo at parang excited ka masyado huh? mamaya mo na lang ikwento yan kapag nanjan kasama na naten si Gelobeys at Snape." Sumang-ayon naman ng tango si Baltazar at nagkalad na din kasama ni Kishin.
Sa School.
Sadyang maraming taga-hanga dalawa, nagtitilian at kinikilig ang mga babae ngunit lalo pang naglakasan ang hiyawan at mga bulungan ng dumating pa sila Gelobeys at Snape, si Snape ay may katamtamang katawan at may kayabangan, si Gelobeys naman ay may malusog na pangagatawan at may malakas na simpatya sa tao. "Hi! Girls!" hiyaw ni Gelobeys at kumaway sa mga kababaihan ng iskwelahan." "Kishin, Baltazar unang araw pa lang ng pasukan sikat na sikat na kagad tayo ahh! haha! tara na at magpunta na tayo sa klase naten." ani Snape "Maya may ikikwento ako sa inyo, medyo wierd kase ung napanaginipan ko eh." pahabol na sambit ni Baltazar.
Lunch Break.
Pagkatapos mananghalian sa cafeteria at nagpunta na sila agad sa paburito nilang tambayan sa may quadragle.
Kishin: Ikwento mo na ung mga napanaginipan mo Baltazar:
Snape: Siguraduhin mo lang na maganda yang ikikwento mo haha! Alam nyo may mga wierdo din akong panaginip lately ee.
Gelobeys: Ako nga ee! napanaginipan ko nakasama ko kayong lumalaban sa isang Dragon eh. hindi ko din mapaliwanag haha! nasosobrahan na ata ako sa kalalaro ng mga video games eh.
Baltazar: Gelobeys!! pareho tayo ng napanaginipan, ganyang ganyan din yung nangyare.
Snape: OMG! pare pareho pala tayo ng napanaginipan, hindi kaya may kakaibang bagay na mangyayare kaya pare pareho tayo ng panaginip?
Kishin: Nakakagulat! ang buong akala ko ako lang yung merong ganoong panaginip kaya hindi na ako nagkikwento, Guys samahan nyo naman ako sa entrance ng school para sunduin si Elisabeth. Paparating na kase ung school bus nila.
Agad na silang nagtayuan at sinamahan ang kaibigan sa entrance ng school, sandaling paglalakad lang ay naaninag na nila ang entrance at may pumapasok na school bus. Sa bintana malapit sa unahan ng bus ay nandun na si Elisabeth at kumakaway ka Kishin, mangilan ngilang sandali pa huminto na ang bus.
Pagbukas ng pinto ng bus ay may biglang tumama sa bus at ito ay sumabog. Nasunog ang bus at nagtalsikan ang ilang mga bahagi nito sa entrance ng iskwelahan, maging si Elisabeth ay tumalsik at tumatakbong tinungo un ni Kishin, ibinaba ang suot na head set, lumuhod, kinarga at hinarap ni Kishin si Elisabeth ngunit huli na ang lahat patay na ng mga sandaling yon si Elisabeth dahil sa tinamong mga pinsala ng mga nagtalsikang mga bahagi ng bus at pagkasunog sa likod. Umiiyak ng mga panahon na un si Kishin sa harap ng bankay ng kanyang nobya inaalala ang bawat masasayang sandali nilang dalawa na magkasama.
Ilang sandali pa ay dumating na ang mga ambulansya na magdadala sa mga bankay sa morge at bibigyang lunas ang mga sugatan.
Paramedic: Sir! titingnan lang po namen ang kalagayan ng kasama nyo.
Agad naman itong ibinigay ni Kishin sa mga paramedics at umalis, sinundan ito ng kanyang mga kaibigan. "Kishin! san ka pupunta?" sigaw ni Balatazar. Hindi sumasagot si Kishin at umakyat sa hagdan at ng makarating sa roof rop binuksan ang pinto at tumakbo papuntang balcony at umakmang tatalon ngunit nahawakan ni Gelobeys. "Ano ka ba! Wag mong sasayangin ang buhay mo porke namatay ang girl friend mo sa harap mo." sigaw ni Gelobeys sa kaibigan ngunit nagpupumiglas ito kaya napilitan syang sapakin binata. "Patawad pero kelangan kong gawin yun para hindi ako mawalan ng isang mabuting kaibigan." sambit ng nanggagalaiting binata.
Snape: Guys, take a look at this.
Isang malaking pentagram ang nakasulat sa lapag
Baltazar: "Kelan pa nagkaron neto dito?" lumuhod at hinawakan ang nakasulat.
Baltazar: Kakaiba to kase inukit sya imbis na sinulat.
Isang nakakabinging katahimikan ang nagbumalot sa paligid at ang lahat ay huminto.
Nagkatitingan ang mga magkakaibigan at may tinig na umalingawngaw sa kalawakan.
Bhant: Ako nga pala si Bhant. tagapagbantay ng oras at panahon, tagapag panatili ng balanse sa lahat ng dimensyon. Kayo ang apat na tutupad sa propesiya na muling magbabalik ng nasisirang balanse. Nasasa-inyo ang kaluluwa ng apat na mandirigma na tumalo dati kay FORGOTTEN, ngayon ay malapit nanaman ang kanyang muling pagkabuhay at kayo ang napiling tumupad sa propesiya.
Baltazar: Nasan ka? Baket hindi ka magpakita?!
Snape: Pano kung hindi kame pumayag? At ano naman ang magagawa namen ee tao lang kame?
Bhant: Walang lugar para kayo ay tumanggi. Dahil tumakas man kayo mauulit at mauulit lang ang ganitong pangyayari.
Sa isang segundo ay nabalot ng dilim ang paligid at naramdaman na lang nila na wala na silang tatapakan at naramdamang nahuhulog na parang walang katapusan.
Unang naalimpungatan si Baltazar at agad nyang ginising ang mga kasama. "Gising gising! Gumising kayo!" nahuhulasang talilis ni Baltazar. Nagtayuan na ang lahat ng kanyang mga kasama at laking pagtataka nila kung nasaan sila. "Nasaan na ba tayo?" tanong ni Gelobeys ngunit walang tumugon sa kanyang tanong.
Bhant: Maligayang pagdating sa kwarto ng pagsubok, dito niyo malalaman ang inyong misyon at ang nakaraan ng mga dating mandirma na tumalo kay FORGOTTEN at ang nagbalik ng balanse sa mundo. Tumingin kayo sa mga pintong nasa harapan nyo, bawat pinto ay mayroong kaakibat na misyon. Gabayan nawa kayo ng mahabaging Bathala.
ITUTULOY!
_________________________________________________________________________________
Ang pagsubok na babago ka kanilang kapalaran bilang mga simpleng magaaral, hanggang sa isang propesiya ay maguumpisa na.
Ang mga Pagsubok na susukat sa kanilang katatagan at linis ng kalooban ay malapit ng magumpisa. Malagpasan kaya nila ang mga pagsubok na nakahanda sa hinaharap?
Thank you so much for Reading.
BINABASA MO ANG
Black Sun
FantasyFour Doors, Four types of mystery and adventure. Challenges are ready for them to face. The only question is are they going to survive until the end?