Sandaling nabalot ng katahimikan ang kwarto at dala na din ng pangamba ay napasigaw ng panagtanong si Gelobeys.
Gelobeys: Sino ba yang FORGOTTEN na yan at baket kame ang kelangang tumupad sa prophesiya? Marami naman dyang iba na mas malakas at may karanasan ng lumaban, baket yung mga katulad pa nameng mga bata ng kelangan gumawa ng isang mabigat na misyon na yan?
Bhant: Si FORGOTTEN ay isang mapaminsalang nilalang na nabuhay isang daang libong taon na ang nakakaraan. Nabalot ng kadiliman ang buong sansinukob nuong mga panahon ng pamiminsala, ngunit may mga tao na nagpasyang tumayo at labanan ng kayang pwersa para maibalik muli ang katahimikan. Sila ang apat na prophesiya na walang takot na lumaban at nagbuwis ng buhay upang pabagsakin si FORGOTTEN. Sa paglalakbay ng apat na prophesiya ay natuklasan nila na biniyayaan ng immortalidad si FORGOTTEN, ngunit imbis na panghinaan ay naghanap ng paraan ang mga ito kung papano nila matatalo ang kalabang walang kamatayan. Binasbasan sila ng mga diyos ng kakayahang maikulong si FORGOTTEN, nagtagumpay ang apat ngunit muling nararamdaman ang presensya ni FORGOTTEN. Mukhang may nagpalaya sa kanya. Ngunit matagal tagal pa para mabawi ni FORGOTTEN ang kanyang dating lakas, kaya ngaun pa lang ay kinuha na namen kayo para sanayin at maagang mapigilan si FORGOTTEN.
Baltazar: Gaano naman kayo kasigurado na kame ang mga taong nasa prophesiya? mga ordinaryong tao lang kame.
Snape: Oo nga! Paano kayo nakakasigurado?
Si Kishin ay tahimik lang sa isang tabi at walang imik.
Bhant: Isa sa malaking katibayan ay ang pananaginip nyo na nakikipaglaban kayo sa isang halimaw. Isa pa ay taglay nyo ang kaluluwa ng mga dating mga magigiting na mandirigma.
Kung wala na kayong mga tanong ay pwede na...
Naputol ang pagpapaliwanag ni Bhant sa sinabi ni Kishin.
Kishin: Ano naman ang makukuha namen kung sakaling magtagumpay kame sa aming misyon?
Bhant: Mukhang nakapagdesisyon ka na binata? Maaaring kong ibalik ang nakaraan at ibigay ang inyong hinaharap. Sa madaling salita, pwede kong ibalik ang oras para mabuhay muli ang nobya mo binata at makukuha nyo din ang lahat ng karanyaang hindi masukat sa mundo niyo. Yan ang maari nyong makuha kapag natapos nyo ang misyon.
Kishin: "Ako tatanggapin ko ang misyon. Para saan tong mga pintong to?" Tumalikod at tinuro ang mga pinto.
Hinablot ni Baltazar si Kishin at pinaharap sa kanya.
Baltazar: Sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo? Mukhang wala na din tayong pagpipilian kundi samahan ka. Gelobeys! Snape! kayo ano ang desisyon niyo?
Ngumiti ang dalawa at.
Gelobeys & Snape: Sige ba!
Snape: Mukhang wala na din naman tayong pagpipilian kundi tanggapin ang misyon eh.
Ngumiti at tumawa ng malakas.
Bhant: Ngayong desidido na kayong umpisahan ng misyon. ipapaliwanag ko naman ang misyon Ang mga pintong yan ay naglalaman ng inyong mga misyon. Pumili kayo sa mga pintong yan kung ano yung uunahin niyo.
Mayroong apat na pinto at iba iba ang kulay neto.. may Pula, Asul, Itim at Brown. Nilapitan ni Kishin ang brown na pinto at ito ay binuksan. Nang lahat sila ay nakatapat na sa pinto at agad na din silang pumasok. Nang sumara ang pinto ay nabalot ng kadiliman ang buong lugar ngunit nagpasya pa din ang mga binata na maglakad pasulong hanggang sa hindi kalayuan ay naaninag nila ang kakaunting liwanag. Mangilan ngilang sandali pa ay narating na nila ang liwanag at nang makalabas sila ay nakita nilang sa isang kweba sila galing.
Gelobeys: Oh. Nandito na tayo at ano na ang gagawin naten?
Baltazar: Ayun sa banda dun may maliit na kumunidad. Tara magpunta tayo dun at magtanong tanong.
Hindi kalayuan ng komunidad na nakita nila mula sa pibaglabasan nilang kweba kaya kampante silang naglakad at ng makarating sila, sa di kalayuan ay may narinig silang huni na mabilis na papalapit sa kanilang dereksyon.
Snape: Ano yun?
Pauusisa ng binata sa kakaibang nasasaksihan.
Ilang sandali pa nakikita nilang nagtutumbahan ang mga puno sa direksyon ng ingay, hanggang sa naaninag nila ang isang malaking baboy ramo at napatakbo sila sa sobrang takot. "WAHHHHHHHHHH" sabay sabay na sigaw ng apat habang tumatakbo sa direksyon ng komunidad.
Gelobeys: Dali duon tayo!!! TAKBOO!!! WAHHHHH!!!
Nakapunta na sila ng baryo at tuloy tuloy pa din ang malaking baboy ramo sa paghabol sa kanila. Hanggang sa wala na silang matakbuhang apat. "Teka pano na to?" ani Baltazar. "No choice ee, lalabanan na talaga naten yan." Desididong sambit ni Kishin. "SALO!!!!" Sigaw ni Gelobeys. "Sibat.. HAHA! Ayos to!" panggigigil ni Snape, sabay sugod sa malahiganteng baboy ramo.
"WAHHHHHHHHHHHHH!! Hihh Yahhhh!" Sigaw ni Snape, bininato ni Snape ang hawak na sibat sa malahiganteng baboy ramo at nagtagumpay naman syang tamaan to ngunit tumalbog lang sibat na binato nya.
Snape: Walang kwetang ang naisip mong taktika Gelobeys! Tingnan mo parang walang nangyare sa ibinato kong sibat!
Baltazar: Mas malakas pa yung sigaw mo kesa sa pagbato mo ng sibat ee.
Seryosong sambit ni Baltazar at napangiti.
Baltazar: Napanpansin nyo ba yung itsura ng baboy ramo na yan? Kakaiba tong baboy ramo na to kase ung kaliwang mata nya kulay pula at parang buhay yung balat niya.
Gelobeys: Doon naten siya patamaan baka yun ang kanyang kahinaan.
Unang sumugod si Gelobeys sumugod sa direksyon ng kakabibang bagay sa mata ng baboy ramo. "YAHHHHHH!" Hiyaw ni Gelobeys ngunit hindi niya tinamaan to. Sa pagkakailag ng baboy ramo ay agad nitong sinuwag ang binata at tumilamsik. " Ahhhhhhhhhhhh!" Hiyaw ni Gelobeys at tumama sa pader ng kahoy ng isa sa mga bahay, agad syang tinungo ni Snape kung ayos lang ang kaibigan.
Snape: Ayos ka lang ba? Kaya mo pang tumayo?
Gelobeys: Oo! kaya ko pa naman. Uhhhh!
Nahihirapang bigkas ng binata.
Kishin: Hoy! Panget na malaking baboy! Ako ang kalabanin mo!
Sigaw ng binata!
Humarap ang malaking baboy ramo sa direksyon ng binata at sinugod, samantalang ang binata ay sinalubong ng buong tapang ang kalaban.
Kishin: Bahala na kung anomang mangyare saken! YAHHHHHHHH!
Hiyaw ng binata habang sinusugod ang halimaw sabay talon.
Sumakto ang talon ni Kishin at tinamaan nya ang pulang mata at halatang nasaktan ang halimaw hanggang sa nagpupumiglas ito sa makabitiw ang binata sa sibat na hawak. Agad namang tinungo ni Baltazar ang kaibigan at kinalong. "Baliw kang talaga Kishin pero epektibo naman ang ginawa mo! hahahaha!" Pagmamalaking bigkas ni Baltazar.
Mangilan-ngilan at tumumba na ang malaking baboy ramo at tumumba, saglit ding nagkakawag ang baboy ramo hanggang sa tuluyan itong huminto at unti unting naagnas hanggang sa buto na lang nito ang natira.
__________________________________________________________________________
Ano ang meron sa kakaibang mundo na napasok ng apat na binata, ano pa kaya ang naghihintay sa ating mga bida? ITUTULOY!
Thank You for Reading.
BINABASA MO ANG
Black Sun
FantasyFour Doors, Four types of mystery and adventure. Challenges are ready for them to face. The only question is are they going to survive until the end?