Nang matalo ng apat na binata ang kanilang katunggali agad silang nilapitan ng mga taumbayan at pinagpugayan. "Salamat sa inyo mga ginoo, muli na kameng makakapasok sa gubat," sabi ng isang galak na galak na ginang. Kinamayan at nagpasalamat ang buong baryo sa pagkakapuksa sa malaking baboy ramo. "Halika at sasamahan ko kayo mga ginoo sa Bahay ng mga nakakatandang taga nayon," galak na galak na sabi ng lalake at agad ding naglakad ang mga binata patungo sa sinabing lugar. "Ako nga pla si Flick," pakilala ng binata. Patanong pagsang-ayon naman ang sinagot ng mga binata.
Flick: Dadalin ko kayo sa bahay ng mga Elders para makilala nila ang nagawa niyong kabutihan at magamot na din ang mga natamo nyong pinsala sa inyong laban.
Gelobeys: (palinga linga) Maraming salamat sa kabaitan nyo ano nga pala ang pangalan ng baryo nyo Flick?
Flick: Aeran ang pangalan ng baryo na ito at kilala ang baryo namen sa pagkakalakal ng karne, mga balat ng hayop at mga halamang nakikita lamang sa gubat. Dating masagana ang pamumuhay ng mga tao ng bigla na lang sa hindi malamang dahilan ay nagiba ang ugali ni Satral.
Snape: Sino yung Satral na yan?
Pang-uusisa ng binata kay Flick.
Flick: (humarap at paatras na naglalakad) Si Satral ang nakalaban niyo kanina, yung malaking baboy ramo.
Snape: Huh? Ano? Ano? PInangalanan nyo yung nillalang na iyon? haha! Crap!
Flick: (humarap at kaunting natalisod sa hagdan) Owww!!!!! Nandito na tayo sa Bahay ng mga nakatatandang nayon, sila na ang bahalang sumagot ng iba nyo pang katanungan. Ow! Ow! Ow! Habang nagtatalon habang sapo niya ang kanyang alulod.
Snape: Anlampa mo naman haha! wahahaha!
Mangilan ngilang sandali pa ay natigilan ang lahat ng lumabas ang isang magandang babae na nakasuot ng puting damit, mala baro't saya ang itsura ng damit at kitang kita ang kaputian at ganda ng hubog ng katawan nito. Isang maladyosang kagandahan ang nagpatahimik sa madla hanggang sa magsalita na dalaga. "Maari na kayong pumasok at naghahantay na ang Elder," napakapinong boses ang umalingawngaw sa pandinig ng mga binata, waring naghilom pansamantala ang pinsalang natamo sa nagdaang laban. Tila nahipnotismo ang mga binata habang naglalakad papasok sa bahay ng Elders, dahil sa ganda mukha at tinig ng dalaga. "Dito kayo maupo at agad ding darating ang mga maglalapat ng lunas sa natamo niyong pinsala," mahinhin na pagkakasabi ng dalaga at agad ding yumuko at umatras paalis.
Ilang sandali lang ay nagdatingan na ang mga maglulunas sa kanilang pinsala at ang apat ay nabigla ng makita nag walong naggagandahang mga kababaihan at nilulunasan ng paunang lunas ang kanilang mga pinsala. Habang nilulunasan naman sila ay lumabas ang isang matandang lalakeng nakapikit at kulubot na kulubot ang balat, sarong lang ang kanyang suot sa katawan at may hawak na tungkod.
Elder: Maraming salamat sa inyo mga binata. Ako nga pla ang pinunong nakatatanda sa nayon ng Aeran. Una nagpapasalamat ako sa inyo dahil muli ng makakapangaso ang mga tao sa kagubatan ngunit ikinalulungkot ko ang pagkamatay ng isang tagapagbantay ng kagubatan, si Satral ang baboy ramong tinalo niyo aming panauhin.
Gelobeys: Humihingi kame ng paumanhin sa aming nagawa inkong ngunit kung hindi naman namen pinagtanggol ang aming sarili ay kame naman ang mapapahamak.
Elder: (umupo at muling nagsalita) Nauunawaan namen ang inyong kalagayan, san nga pla kayo galing mga binata? hindi kase pamilyar ang inyong kasootan.
BINABASA MO ANG
Black Sun
FantasyFour Doors, Four types of mystery and adventure. Challenges are ready for them to face. The only question is are they going to survive until the end?