“Agent Double seven twenty three.” Umikot ang swivel chair na inuupuan niya paharap sa kinaroroonan ko. Pinangarap ko at pinaghirapan ang lahat ng tinatamasa ko ngayon. Dugo at pawis ang isinakripisyo ko. Hindi matitimbang ang sakit na isuko ito. Nasa mga kamay niya ang resignation letter na halos pikit mata kong ginawa.
“Yes, Sir..” halos pabulong na sagot ko.
“You'll choose love over adventure and career?” nanindig ang mga balahibo ko dahil sa ma-otoridad na boses niya.
Noong unang apak ko sa corporation, ang sabi ko sa sarili ko, dito na ako at hinding hindi ako mapapa-alis ng kahit ano. Pero ngayon parang bumaliktad na talaga ang mundo, nagsimula ng umikot ang gulong.
“Sir Tyron… tahanan ko na po ang Adelaide corporation at mahirap kalimutan ang apat na taong pinagsamahan natin ng team. Sana po maintindihan niyo, time passes and I think oras na din para mag settle down. Hindi pwedeng kambal ko pa din ang panganib.” Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi. Labis ang sakit ng dibdib ko pero hindi ko ito ininda.
Itinaas ko ang laylayan ng paldang suot ko at inalis ang baril na naka-sabit sa lalagyang naka-kabit sa kaliwang hita ko. Tinitigan ko ng mabuti ang baril na ginawa pa para talaga sa'kin, baril na kailan man hindi ako ipinahamak. Fingerprint operated gun, baril na ako lang ang tanging makaka-gamit. ‘Apat na taon din kitang kasama.’
“That's the point, Agent double seven twenty three! Sisirain mo ang team! You’re the leader, dapat ikaw ang mas nakaka-alam niyan!” nagulat ako sa biglang pagtayo at pag sigaw niya, pero nag lakas loob pa rin ako.
“Sir.. Ako na po uli si Holland Holmes... umaasa akong pipirmahan niyo ang resignation letter ko bago magtanghalian.” Napa-kurap siya sa inasal ko at tila hindi niya inasahan ang isinagot ko.
“Hindi ko pipirmahan ‘yan.” Matigas na sabi nito at tiningnan ako ng masama.
“Kung ang concern niyo po ay ang team, ako ang bahala. I’ll talk to them. Aayusin ko ang lahat.” Pinunasan ko ang baril bago inilapag sa harap niya. Inalis ko din ang mga secret agent devices na suot ko at itinabi sa baril. “Isu-surrender ko na po ang lahat. Ihahatid ko nalang ang iba pa bukas.”
"As long as hindi pa napipirmahan ang resignation letter mo, you're still agent double seven twenty three." Pa-alala nito. Wala na akong nagawa kundi ang bumuntong hininga, lagi siyang tama.
Napa-iling na lamang ako at tumalikod.
Alam kong mahihirapan akong kumbinsihin siya. Malaki ang hirap niya sa'kin, ako ang tinatawag niyang masterpiece. Mahabang oras ang inilaan niya maging perpekto lang ako bilang leader ng team at pinaka magaling na secret agent sa buong Adelaide corporation. Siyang boss ang mismong nag turo sa'kin ng lahat, hindi ko siya masisisi kung bakit hindi niya ako mapakawalan pero hindi niya din naman ako pwedeng hawakan hanggang kamatayan, may buhay pa rin ako.
Pipihitin ko na sana ang door knob nang bigla siyang nagsalita, "Pero kung ang maging si Holland Holmes at normal na may bahay talaga sa siyudad ang makakapagpa-saya sa'yo, sino ako para ipagkait?"
BINABASA MO ANG
7723
Mystery / ThrillerSecret Agent Double Seven Twenty Three. F: 02.13.17 U: 02.14.17