Ano 'to?! Napa-atras ako nang makita ang chart na ginagamit naming mga agent. Nasa gitna ang malaking picture ng taong mahalaga sa'kin at may mga naka-konektang mga pictures at captions gaya ng ginagawa namin ng team tuwing may nireresolbang kaso o may iniimbestigahang indibidwal. Kami ang tinatawag nilang private agents, sa mata ng gobyerno ay illegal kami dahil sa pamamalakad namin at mga elite lang may kakayahang kunin kami para sa serbisyo. Pero ano ito? Bakit may ganito? Ang talagang tanong ko, ano ang ibig sabihin nito?
Lumapit ako sa chart para masagot ang sariling tanong. Pinag-aralan ko ang lahat pero sakit lang ng ulo ang inabot ko. Agad akong pumunta sa opisina ng taong nagpa-punta sa'kin sa lugar.
"Sir, ano ang ibig sabihin ng mga 'yon? Bakit may ganun?" Wala sa sariling tanong ko.
Sinuklian niya ako ng ngisi, "Is love really blind and deaf?" Pinaglaruan niya at ginamit pang hati ng papel ang knife pen na hawak at nagpakawala ng mahina pero kapangilangilabot na tawa, "That's a sign, a clue. Binibigay ko na ang lahat luminaw lang ang mata mo at lumakas ang pandinig sa katotohanan. Hindi ako makapaniwala, ikaw ba talaga ang naturingang pinaka magaling na Secret agent sa buong Adelaide corporation?"Napa-kuyom ako ng kamao sa mga sinabi niya. If only I have the gun, I won't think twice of shooting him! I can't believe he can be this judge mental! Thanks god at nai-surrender ko na ang mga weapons ko at hindi ko mababahiran ng dugo niya ang mga kamay ko, mataas pa naman ang respeto ko sakanya.
"Tanungin mo 'yan sa sarili mo. Ikaw ang nagbigay sa'kin ng titolo hindi ba?""Nagalit ba kita, Holly, honey?" Tumayo siya sa kinauupuan niya. Lumapit siya sa'kin at hinawakan ang kanang kamao ko, ibinuka niya ito mula sa pagkaka-kuyom at inilagay sa kamay ko ang knife pen.
"Living is a form of sacrifice. Hurt or be hurt, kill or be killed, write your own story or just be an extra character on other person's story. The only thing you have to do is to choose one and face the consequences."
Hindi ko na maipa-liwanag kung gaano ako naguguluhan basta ang alam ko ay pwede ko itong ikabaliw!
"Pero bakit--- why are you doing all of these?" Hindi ko napigilang itanong.
"You're the greatest secret agent of Adelaide corporation--the greatest private corporation in the whole world, where the best of the best secret agents of the world resides."
BINABASA MO ANG
7723
Mystery / ThrillerSecret Agent Double Seven Twenty Three. F: 02.13.17 U: 02.14.17