February 14, 2017
10:00am
Adelaide Corporation"Matagal na kitang gusto pero pinigil ko dahil mas gusto kong lumakas ka." Ngumiti siya at ipinakita ang kumpletong set ng mapuputing ngipin na nagsisigawang perpekto sila.
"Akala ko hindi mo ako gusto dahil pinulot---"
"Hindi ganyan ang tingin ko sa'yo, double seven twenty three. You've been special since day one. I'm so sorry kung napilitan ka pang ibaling sa iba ang atensiyon mo."
He said, locking my hands between his. Nasa office niya kami at kinakausap ko siya tungkol sa biglaang pag amin niya habang nasa misyon ako.Yes, I'm really in love with my boss at dahil akala ko hindi niya ako mapapansin ay pinilit kong itinuon ang pagtingin ko sa iba pero nabulag ako sa kabaitan at sa kalagitnaan naloko ako. Tama nga sila, kahit anong katayuan mo malilimutan mong magpraktikal pag nagmahal ka na.
"Alam mong gusto kita?" Tumango siya at napa-tawa sa tanong ko.
"Tungkol nga sa buhay ng iba nalalaman natin, simpleng bagay pa kaya na nasa harap na?" Sagot niya at binitawan ang kamay ko. Naglabas siya ng maliit na kulay pulang kahon sa drawer niya at inilapag sa harap ko.
Tuwing may natatapos kaming misyon ay nagbibigay siya ng bagong secret agent devices o weapons bilang gantimpala. Lagi akong excited abutin ang mga gaya nito noon pero ngayon alam kong kailangan ko ng tumanggi--kahit pa umamin na siyang may gusto din sa'kin, pagka-gusto lang naman 'yun. Siguro kailangan ko nang mag-move-on hindi lang sakanya kundi pati sa manlolokong minahal ko din ng sampung buwan. Bagong buhay.
"Tapos na po ang misyon ko at talagang huli na 'yun. Magre-retire na po talaga ako."
Nangunot ang noo niya pero agad din siyang napa-ngiti at inabot ang box, binuksan niya ito sa harap ko at tumambad sa'kin ang isang white gold ring na may naka-engrave na '7723' nalaglag ang panga ko sa ganda.
"B-bagong device?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko.
"Kinda." Ngumisi siya at kinindatan ako. Kinuha niya sa tabi ang resignation latter ko at mabilis niyang pinirmahan. Biglang kumirot ang puso ko, teka lang naman!
Nginitian niya ako uli, 'yung tipo ng ngiti na sincere na sincere pero may halong hindi maintindihang expression sa mata.
"You're now free, I'm letting you go."
Patuloy ang pagsikip ng dibdib ko at hindi ko napigilang mapa-hinga ng malalim.
"S-sir.."
"I'm letting you go as my greatest Secret agent. But," Tumayo siya at sa isang iglap lang ay nasa harap ko na siya. On his one knee, holding the ring...
"Would you consider locking yourself with the boss of secret agents and never ever retire?" Hindi ko na napigilang maluha at lumuhod din para pantayan siya, agad ko siyang hinalikan kasabay ng pagsuot niya sa'kin ng singsing.
Mission Forever: Be with the man who loves me too. Tyron Adelaide.
The end.
BINABASA MO ANG
7723
Mystery / ThrillerSecret Agent Double Seven Twenty Three. F: 02.13.17 U: 02.14.17