Chapter 2: Friends?!

54 2 0
                                    

" Tss . Ikaw ngang nangyayakap dyan eh pa alcohol-alcohol pa ginusto naman yung yakap " Omo ! pa ngiti-ngiti ka pa dyan .Kanina ka pa !!!

Kainisss!!! talaga yung lalaking yun .Isa pa masasapak ko na talaga siya. Di niya ata ako kilala ako lang naman si Cattleya ang babaeng di pa umiyak ni minsan.

" Haist !!! " padabog na akong pumunta sa upuan sa pinakalikod .No choice wala nang ibang upuan lahat occupied na pero oks na oks naman tong natitirang upuan may sariling table pa at malambot yung foam sa may inuupuan. Umupo na ako at nagbasa ng favorite book ko BTCHO bali panglima ko na itong beses binabasa niyan .

Habang seryoso ako dito ay may biglang sumigaw " Parating na si Sir ! " sabi ni Din ang kaklaseng kong taba na tinubuan ng mukha . Pagkasabi niya non sabay-sabay nilang binaligtad ang kanilang mga upuan at ngayon nakaharap na sila sa akin .Nabigla naman ako dahil ang bilis nilang ginawa yon synchronize pa parang OMO ! o_O di na ako nakagalaw dahil andyan na si sir close and live !

" Good morning class ! Huh ? Ms. Eton , why are you sitting on my chair ? Do you want to be the prof. ? " tanong nitong tandang ulyanin aka Sir Jake . Bakit ba ? kung alam ko sang upuan niya pala to edi di ako umupo dito .Kainis !!! sinet-up nila ako kaya pala nila binaligtad ang mga upuan nila para pagmukhain akong tangeks dito .

" But sir I was just framed up ! " with matching puppy eyes walang uubra sa aking pamatay na mata .

" Hahaha ! You made me laugh but next time no one shall sit in this chair or he / she will get a punishment " hay ! I sighed. Kala ko magkakabad record ako on the first day . himanda kayong mga alipores ng FC na lalaking kanina pa ako iniinis talagang kinausap pa sila para gawin yon .

Natapos ang limang subjects at ako lagi ang nagrerecite Bwahahaha !!!! The world is mine !!!

Lunch na pero patuloy parin ang pag-ikot ko sa corridor kasi di ko parin mahanap sina Shim at Raj and worst baka di man sila nag-enrol ulit dito eh wala pa naman akong contact sa kanila dahil si Raj nagbakasyon sa Canada si Shim naman sa South Korea .

Bumalik na ako sa classroom at kinalkal ang bag para kunin yung wallet ko .Kakain na nga muna ako - teka ! wala yung wallet ko Shizzleberry !!! di ko nga pala nadala :( first day na first day wala akong makakain . Oo ! nagdidiet ako pero ayokong magka anorexia gusto ko ung tama lang gusto ko paring kumain !!! I'm hungry ....

" Grrrrr !!! Grrrrr !!! " yun po ang tyan ko kanina pa yan nagvivibrate dahil tinatawag ako ng kalululwa ko kanina pa ako umiikot dito umaasang uulan ng meatballs o kaya makakapulot ng pera .

" Oh dahan dahan mukha kang lasing dyan " Haist !!! sa lahat naman ng pwedeng mabangga siya pa ? Ay hindi ok lang pala yon sana nga nilakasan ko ung pagbangga sa kanya para tumilapon siya wahahah !

" Nowadays dahil sa pagiging sobrang gwapo ko kahit ang introvert sinasadyang una sa classroom niyakap ako tapos ngayon binagga ako ...tsk..tsk...tsk baka susunod sadyain naman ang pagha-Aackkkk ! " sa sobrang yabang yan tuloy ang inabot isang malakas na sapak .

" Epal kasi .Nabunggo lang kita dahil nahihilo ako at gutom na gutom na ako kaya pwede itigil mo yang kayabangan mo !!!! " Omo ! di ko na nakontrol napasigaw pa ako at ang mga estudyanteng dumadaan sa corridor pinagtinaginan kami . My gosh ! my reputation of being a demure girl its all lost in one day (O.O)

" Di ka pa ata kumakain ? "

*facepalmed* " natural kaya nga gutom eh ! " wala . talagang pinanindigan ko na ang palasigaw.

" May pagkain ka ba dyan ? " nagpaka kapalmuks na ako para makakain.

" Oo. Gusto mo ? " hinarap niya sa akin ang mga dala-dala niyang pagkain .Meron siyang Hot dog sandwich na 12 inch , 2 butchi , 1 large milkshake at 1 pint ice cream.

" Oo nasan na . " I'm acting like a mendicant now.

" Sorry ha di ko alam na pulubi ka pala " asar! nambwisit na nga nilayo pa sa akin ang mga pagkain .Tsaka niya kinain ang dala niyang butchi na para bang sarap na sarap siya pero ang intensyon lamang ay mang-inggit.

Aalis na sana ako at babalik na lang sa bahay namin na 20 minuto lang ang layo sa school pero bigla ko siyang narinig magsalita.

" Ok ! sige na nga eto na pagkain mo " Iniaabot niya na sa akin ang mga yon pero may dinagdag pa siya sa sinasabi. " But for one condition "

" Kahit ano gagawin ko " basta makakain lang at matapos na to .

"Magiging friends na tayo and that includes ang pagiging mabait mo sa akin pag nagawa mo yun sayo na ang lahat ng to tas mapapalapit ka pa sa gwapong tulad ko pero pag hindi lagi kitang pagtritripan " naka evil smirk pa siya ha sige na sige na ang cute mo kahit nagmumukha kang demonyo sa ngiti mo.

" Oo na sige na . akin na yan " Agad kong kinuha or more on hinablot sa kanya ang mga pagkain na binili niya at kinain ko lahat nun ng basta-basta .

" Patay gutom ! tsk..tsk..Gluton ka pala . Alam mo gusto kitang tulungan dahil nalaman ko na desperada na ang kalagayan mo wala na ka nang perang pambili ng pagkain at para ka nang lasing kung maglakad pwede kang pumasok bilang personal maid ko huwag kang mag-alala mahal naman ang sweldo . "

Aba ! How dare he ?

" Sira ! Nakalimutan ko lang ang wallet or should I say Hermes clutch ko sa bahay I mean mansion. Mayaman din kami esp. ako . Our family owned the Eton group of company , New Island Hotel , Pure Silver Supermarket at ang Prestigous Beauty , isang boutique na nakapangalan sa akin at lahat ng kinikita ay direktang pumupunta sa bank account ko ." proud na proud pa ako pero di ako nakangiti sadyang plain lang ang emosyon ko nang sinasabi yon.

Duh! Sino naman siya para ngitian ko?!

" Sige mauna na ako , salamat dito " aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan.

" Di ka ba marunong ngumiti ? "

" Lets make the long statement short ngingiti lang ako sa taong gusto ko thats a promise I bowed myself " hinayaan niya na ako kaya naglakad na ako palayo pero narinig ko parin ang sinabi or should I say sinigaw niya.

" Soon, Cattleya , soon mapapangiti rin kita " di ko nalang yon pinansin pinunasan ko nalang ang luhang tumulo sa mga mata ko. Isa lang kasi ang tumatawag ng " Cattleya " sa akin at bad trip lang naalala ko nanaman siya.

***

A/n : ang saya-saya ko tumaas ang rank ko yipeee !!! kaya dadalasan ko ang update pag may time :)

Basahin niyo po ang wattytales at friendzone by : Sims.hopelessromantic ... Yay !!!

In the name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon