Chapter 4

87 4 0
                                    

Kelly’s POV

“Hmm?” Binuksan ko ang mga mata ko. Kulay puti. Wait, am I in heaven already? Goodness no, I’m still young. Tumingin ako sa tabi ko. Sino ‘to? Ginalaw ko yung kamay ko. Hawak niya kasi. Tapos ayun parang nagising tapos si Jace? Seryoso?

“Oh gising ka na pala. Ayos ka lang ba?” Teka, nag-aalala ba siya? Hay nako tumigil ka na nga lang Kelly.

Sinubukan kong umupo pero ..

“Aray.”  Napahawak ako sa ulo ko.

“Tss. Humiga ka na nga lang kung di mo kaya. Sinasaktan mo ang sarili mo.” Sabi niya.

“Ewan ko sayo. Asan na ba sina Amy?” tanong ko.

“KELLYYYYYYYY!” sigaw ni Amy. Eto talagang pinsan ko ang ingay ingay.

“Hoy Amy, hinaan mo nga ang boses mo baka mas lalong sumakit ang ulo ni Kelly eh.” Dash

Kasama nga pala niya si Dash.

“Okay fine. Kelly! May dala kaming pagkain. Hmm. Sabi kasi nung nurse baka daw di ka pa kumakain kaya ka nahimatay kaya ito.”

“Salamat Ams!”  

Nag-McDo sila. Hahaha. Kukunin ko na sana ag fries ng biglang..

“Ops! Kumain ka muna ng kanin bago ka kumain nyan. Wala ka pang kinakain since kanina eh.” Angal ni Jace

“Mind your own business and shut the freak up!” sabi ko.

“Ewan ko sayo basta kumain ka muna ng kanin bago ka kumain ng fries.”

“Oo nga.” Sabay sabi nina Amy at Dash.

Natapos na kaming kumain at pinalabas naman din kami dito sa clinic at dumiretso na rin sa last period ng class namin.

//GYM

Andito na kami sa gym kasama yung tatlong kasama ko kanina. Okay. Volleyball daw kase ang lalaruin ngayon. Eh kasi ga Physical Education ang subject namin. Bale ayun, hinati kami Boys vs. Girls by batch.

At the same time kasama ko si Amy and first batch kami habang sina Jace at Dash sa second batch. And speaking of Jace, naaalala ko na naman yung kanina.

Jace’s POV

Nagsimula na ang aro para sa first batch. Nakatuon ang tingin ko kina Amy at Kelly. Well, kay Kelly lang sigurong nakatuon talaga, I mean joke lang.

Pumito na si Sir Hernandez.

Teka, lutang ba tong si Kelly o ano. Matatamaan siya ng bola!

“Kelly! Kelly!”

Papunta ako kung saan ang posisyon ni Kelly upang harangin yung bola.

**

“Hmmm.”

“Dash, Ams! Gising na siya.”

Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. Medyo blurry pero kilala ko kung sino siya. Edi si Kelly.

“Jace! Okay ka lang ba?” Tanong niya at ramdam kong may something na malamig sa ulo ko.

“Teka, nasan ako? Anong nangyari?”

“Nasa clinic tayo kasi natamaan ka ng bola ng volleyball kanina. At uhm, thankyou kasi hinarang mo sa akin yung bola.”

“Sus. Okay lang yun. Atleast okay ka.” Sabi ko.

TEKA. BAKIT KO SINABI YUN?

“Ha?” mukhang naguluhan siya.

“Ang sabi ko, mas mabuting lalaki yung natamaan kaysa babae kase kawawa naman ang babae. Hahaha.” Sabi ko.

“Sus. Deny pa.” sabi ni Amy.

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Joke lang.” Amy

“Pero Jace, okay ka na ba talaga?”

“Oo. Medyo okay na din naman.”

Nag-aalala talaga siya. 

~

It's February 1! Sorry ang short ng update xx 

Wishing Well (KathNiel) -Onhold-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon