Chapter 8 - What ? Sorry :(

158 9 0
                                    

--Joanne’s POV--

Papasok ba ko? nahihiya ako sa kanya eh. Paano kung galit na galit na siya? Waaaa~ ano ba naman kasi ginawa mo Joanne eh.

Pinagpapalo ko yung pisngi ko. baka sakaling magising ako, baka kasi panaginip lang to eh. Haha

Tama tama!! Nasa labas ako ng room namin. Ayoko pang pumasok baka kasi bugbugin ako ni monkey eh. Gaaaaa~ ayoko na!! kinakabahan na naman ako oh. 

“ui Joanne alam mo na ba yung tsismis? Sila na daw ni Sophia!”

Well, oo nga naman bilis nga naman ng tsismis oh.

“sino?”

“si Liam ?” sabi noong isang babae na parang kabute. Bigla bigla na lang sumulpot

“ah.. eh~”

“waaaa~ kinikilig ako.” Tapos nag-usap na silang dalawa. Nag tsi-tsismisan ang mga bakla. 

Sumilip na ako doon sa door bago ko pa mapatay tong mga to. Pagkita ko wala pa pala si Liam. Whew!! SAFE!

Pumasok na ko with a big smile sa mukha ko. wala siya eh. SAFE ako. Hahaha

Umupo na ko sa upuan ko. tinignan lang ako ni Kim.

>_> Kim & <_~

“oh napano ka? Ganyan ka makatitig? Alam ko maganda ako, wag mo na sana akong pagnasaan. hahaha”

“sira!! Bru si Liam, may sakit”

nawala yung ngiti ko. kinabahan kasi ako eh. Yumuko nalang ako. Kunwari inaayos ko yung necktie ko.

“oh ngayon? Malaki na siya. Kaya na niya yung sarili niya. Bakit mo pa sinasabi yan?”

“bru ano ka ba? You’re acting immature AGAIN?! This isn’t funny anymore Joanne. You better be serious. Or else…” - Kim

“or else? What? You sound like a mother or something. Haha” – Me

Oo na, pinipilit ko tawa ko.

“serious”

“fine”

“nagkasakit siya dahil may isang girl na pinag-alala siya. Alam mo yun naka 100+ missed calls na siya hindi pa niya sinasagot. Ayun hinanap niya ng hinanap hanggang umagahin na yung tao. Naulanan pa, tinetext pa pala niya kahapon hindi rin sumasagot. Hay. konsensya bumagsak ka nga dito sa utak ng bruha ko.”

“huh?” napanganga nalang ako sa sinabi ni Kim

“bru nasan ka ba nun nagpamigay si Lord ng common sense sa mundo? natutulog ka yata nun eh.”

“nakausap mo na ba siya? Ano? Okay lang ba siya? Anong sakit? Lagnat? Oh baka sipon lang yan? Uminom na ba siya ng gamot? Kim?” tanong ko.

“easy ka lang! puntahan mo kaya?” - Kim

“ayoko nga!!”

“edi wag, paano mo malalaman kung ayos na siya?” sabi ni Kim

“edi sabihin mo sakin?” sabi ko naman

“pilosopo” - Kim

“thanks” - Me

tapos dumating na yung teacher at dumaldal na ng dumaldal. Pahingi nga ng isang truck ng tissue? Hindi ko maintindihan tong sinasabi ng teacher ko eh. tumutuyo na yung brain cells ko. wala kasi akong gana makinig ngayon eh. napaano na kaya si Liam ? Ayos lang kaya siya ?

Sana naman walang masyadong nangyari sa kanyang masama. Nag-aalala na ko.

______________________________________

Canteen

______________________________________

--Joebelle’s POV--

Pagpasok ko sa canteen nakita ko yung dabarkads ko na tahimik. As in walang nagsasalita. Nakooo. Sino naman kaya namatayan ?? May lamay ba ? Tsk tsk. Hindi pwede to. Hindi to kakayanin ng powers ko.

Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, safe. Walang teacher! Nilabas ko yung cellphone ko tapos pinatugtog yung C’mon C’mon  by My idol ONE DIRECTION ! yeahhhhh………

Tapos sumayaw ako sa harap nila. Oo tama kayo wala akong hiya. Haha, kahit ganito ako ang dami - daming nagkakandarapang lalaki sakin. Hindi makapal mukha ko ah? Malapad lang. hahaheks……….hehe…

syempre nagtitinginan lahat sakin ng mga tao. Tawa sila ng tawa. Pati yung dabarkads kong binagsakan ng langit at lupa isama mo narin yung mga sumo wrestler sa Japan, tumatawa na rin except kay Joanne and Harry.

Hindi effective ah.

*POINK* tamang batukan ang dalawa ! hehe

“hoy! Kayong dalawa diyan, emo (emotive) mode kayo ?” sabi ko sa kanilang dalawa.

“aray naman. May iniisip lang ako.” Sabi ni Joanne

“dapat lang” Zayn & Kim said.

*Tingin kay Zayn and Kim

Hehe nagkahiyaan pa ang dalawa at sabay pa ang mga loko mag-salita………..

“huh ?”  tanong ko naman.

“tsss. Joanne, minsan watch your actions. Hindi na maganda yung ginagawa mo eh. look, absent si Liam ngayonn because of you. alam mo ba ? Hinanap ka niya sa amin? Tinatanong niya kung nasaan ka. He even go to my place to check if alam ko kung sino bf mo. S*** JOANNE!! Grow old!! Hindi ito hide and seek. DON’T YOU GET IT?!” – Harry….

My bebelabss este  Harry has a point. Galit siya kasi mali ginawa ni Joanne and ayaw niya nakikitang nahihirapan si Liam. Ganyan si Harry, ayaw niyang nahihirapan mga kaibigan niya. Hindi lang halata pero concern yan.

“get what? Sorry Harry, I didn’t mean to do that. I know I was wrong. Uh, i….. I have to go. Hindi ko pa pala tapos yung pinapagawa sakin ni Sr. sige una na ko.”  kinuha na niya gamit niya at saka yung  tapos ng walk-out. Nakita ko yung luha sa pisngi ni Sam.

“Wait Joanne” - Kim

“Harry stop it!! Nakita mo nga napahiya yung tao. She’s also your friend for God’s sake!!” sabi ko naman.

“Belle as if naman hindi ka na nasanay? Lagi nalang silang ganyan. Pabayaan mo na lang sila.” Sabi ni Sophia.

JJJJJ

“err. fine” tama naman si Sophia eh. pero malala na yung ngayon. kung sigurong hindi ko nalaman na gusto niya si Sophia iisipin ko talaga na magkakatuluyan si Joanne and si Liam. Bakit kasi hindi na lang sila no ? mas bagay naman sila eh. Diba ? Diba ?

“by the way Sophia, wala ka bang balak dalawin si Liam?”

“huh? Ah.. eh..”

“namumula ka?” nagb-blush kasi tong babaeng to. Haha

“tinext ko siya pero hindi siya nagreply.”

“hindi naman yun nagpapadalaw eh.  hayaan niyo na lang.” ayaw kasi ni Liam na dinadalaw siya kapag may sakit. Hindi pa naman daw siya mamatay para dalawin.

“sundan ko lang si Joanne ah? Baka nag-papaka emo na dun magsuicide pa ang buruha. haha”  sabi naman ni Kim

umalis na si Kim, si Harry wala paring kibo. Malayooo ang tingiiin~ sana ako na lang tiningnan niya ! haha joke lang ! eto naman ! joke lang ! hahaheeks……

“halika nga.” hinawakan ko yung wrist niya tapos hinila ko siya papalayo sa table namin. O diba? Ang lakas ko? kala niyo ah?!

“anong gagawin natin? and saan tayo pupunta?”

“magka-cuttting class.”

He Loves Me Too!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon