Chapter 4 - Jealous ??????

179 11 2
                                    

--Liam’s POV--

Bigla akong kinabahan. Hindi na ko sumagot, binaba ko na yung phone tapos bumangon na ko then tumakbo papunta sa bahay nila Joanne. Ewan ko, Alam kong hindi kaya ni Joanne i-handle yung mga ganitong situation. KAILANGAN AKO NI JOANNE NGAYON!!

Di ko alam kung paano gagawin basta pupunta na ko!

Ilang minutes lang nasa tapat na ko ng bahay nila Joanne. Nag-doorbell na ko ng nag-doorbell. Hindi na ko mapakali. Baka ano ng nangyari kay tito and kay Joanne.

*Biglang bumukas yung pinto.

“Manang, MANANG!!! nasan si Joanne” tanong ko kay manang,

“Ah..eh.. Nan-” Ang bagal naman sumagot nitong si manang! Kaya iniwan ko na siya, alam na emergency… pumasok na ko sa bahay nila.

“ JOANNE ? JOANNE ? NASAN KA? NANDITO NA KO ? Joannnnneeeee ?!”

“Liam sa dining room” Tumakbo kagad ako sa dining room.

“JOANNE OK-ay ka lang?” napatigil ako nang nakita ko mga kuya ni Joanne, nakaupo na sa dining room tumatawa.

JOANNE CLAIRE PEAZER!!  

“Liam ilang beses ka ng niloloko ni Sam, bumebenta parin. hahaha”  sabi ni kuya Theo.

“Alam mo kapag naloloko ka talaga ng ate ko, napapasaya niyo buhay ko. hahaha”   -Niall

“JOANNE ? JOANNEEEEE ? NASAN KA NA ? NANDITO NA KO JOANNE ? JOANNE ?! Haha, **** !”  ginaya pa ko ni kuya Greg.

umupo ako sa tabi ni Joanne, pinipigilan niya yung tawa niya. Tumingin ako sakanya, kaya napatingin siya sakin. Nanlaki yung mata niya tapos tinuro niya si kuya Greg.

“masunurin lang akong bata. Si-sinabi lang ni kuya Paul na lo- ah, ah, araaayy” –Joanne , kinurot ko yung ilong niya. Sigaw siya ng sigaw, hehe

“ikaw sa u-ulitin wag mo na gagawin sakin yun ah? Ibabalik uli kita sa piggery tignan mo. Alam kong mabait ako, wag mo lang abusuhin. haha” inalis ko na yung kamay ko.

“aray” tapos sabay hawak sa ilong niya.

“Joanne the red nose porky~” kinanta ko with the tone of rudolf the red nose reindeer. Tapos tumawa nanaman yung mga kuya ni Joanne.

“Ah ganun, sige umuwi ka na, nagluto pa naman si Daddy ng favorite mong food. Yayayain na sana kita dito magdinner kaso…”

“Beef Steak ?” specialty yun ni tito ~  waha, chibugan na naman.

“oo, eh kaso uuwi ka na diba ? Shoo!”

“sino may sabi ? TITO ? DIBA DITO AKO MAGDI-DINNER?” sigaw ko para marinig niya.

“OO, ANAK. PINATAWAG NGA KITA KAY JOANNE EH.”

Humarap ako kay Joanne, “well”

“Si Dad lang naman yung gusto ka dito eh.”

“Magtaas po ng kamay lahat ng gusto ako dito.” Nagtaas naman silang lahat. Haha, talo nanaman si Joanne.

“Sige pagtulungan niyo ko. ampunin niyo nalang tong monkey na to” tapos ng kinuha niya yung cellphone niya with earphone sa bulsa then sumandal sa upuan.

“Pikon ka naman kasi mylabbs eh.”

 “if I know kayo lang din niyan magkakatuluyan sa banding huli.”  Sabi ni kuya Paul.

“HINDI NO!” sabi ko.

Tapos bigla nagsalita si Joanne ng “ what ? what? , I said never in your wildest dreams” tapos tinanggal niya yung earphone niya.

He Loves Me Too!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon