Chapter 21 - What?

152 8 8
                                    

--Liam’s POV--

Paglabas ko sa mall nakita ko si Joanne na nakaupo doon sa coffee shop. Napasmile ako kasi nakasmile siya sakin. sobrang namiss ko yung smile na yun.

Lalapitan ko na sana siya kaya lang bigla siyang tumakbo papunta sa isang kotse. May lumabas na lalaki na hindi ko kilala. Hindi kaya si Louis yun? Hindi naman pala para sakin yung smile na yun. Asa pa ko.  

Tinignan ko lang yung sasakyan hanggang sa makaalis na sila. Ewan ko bakit ako nasasaktan. Diba dapat masaya ako kasi may nagaalaga na kay Joanne? Pero sobrang nasasaktan ako. sobrang sakit..  

Message To: Sophia

~Sophia.. umuwi ka na lang mag-isa.. may pupuntahan pa ako

Sa totoo lang wala naman akong pupuntahan eh. gusto ko lang talaga mapag-isa. And AYOKO muna siyang Makita, naiinis lang ako. Naaalala ko yung ginawa niya kay Joanne.

Message From: Sophia

~Huh? Bakit? Edi sasamahan na lang kita, wag mo naman ako iwan..

Message To: Sophia

~Umuwi ka na nga lang. Bakit ba ang kulit mo?

After kong i-send yun, pinatay ko na yung phone ko. Baka kasi mang kulit ng mang kulit pa yun eh.

Saan naman kaya ako pupunta ngayon? ayoko munang umuwi kasi for sure ako lang naman tao dun. Basta alam ko kailangan ko ng makakausap ngayon. 

Umalis na ko sa mall, kasi ayoko naman magmukhang #%&*/ doon na naglalakad tapos parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa.

Wag namang ganun.

Ewan ko bakit ang sakit nung nakita kong may kasamang lalaki si Joanne.

Hindi ba dapat maging masaya ako para sa kanya? 

Habang ngda-drive ako, naalala ko kagad si Kim. Namiss ko rin yung babaeng yun. Simula noong naging kami ni Sophia hindi ko na siya nakausap ng matino.

Pumasok na ko sa village nila Kim. Bumili na rin ako ng 2 coke mismo at saka ng Piattos at Potato chips sa 7/11 sa loob ng village nila. Mukhang magiging mahaba haba ang usapan namin mamaya eh. Marami akong gustong tanungin sa kanya kasi sobrang gulong gulo na ko.    

Pagdating ko sa bahay nila, nag doorbell na kaagad ako. pinagbuksan ako kagad ni manang.

“Oh Liam, napadalaw ka ? long time no see ah ? Pasok ka muna. Wala pa alaga ko eh.”

“Ah, ganun ba manang ? Sige po hintayin ko na lang siya dito.”

“Sige na pasok ka na, dito ka na lang maghintay. hindi ka na naman others dito no! sige na pasok ka na”

“hehe, thanks po.”

Ayun pumasok na ko. Umupo na ko doon sa sofa nila. Iniwan na ko ni manang. Nakita ko naman yung dad ni Kim bihis na bihis.

“Oh Liam, nandito ka pala. Kasama mo ba si Kim?”

“Hindi po eh. pinuntahan ko po siya dito pero wala pa daw siya. hihintayin ko na lang po”

“Honey halika na we’re la- Liam ? long time no see ah ?” linapitan ako ni tita tapos hinug niya ko.

“Nasaan si Kim ?”

“Baka po nasa mall pa. hihintayin ko na lang po siya tita.”

“Oh sige, feel at home ah ? Hindi ka na others dito. Sige Liam una na kami ng tito mo, male-late na kami sa appointment namin eh.”

He Loves Me Too!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon