Chapter 16 - I Miss You!

133 9 0
                                    

--Joanne’s POV--

Shemes…. Almost a year na kaming hindi naguusap ni Liam, Kaya nga sobrang namimiss ko na siya. After nun nag-usap kami ni Liam, tinry ko na rin na minsan-minsan na wag sumama sa lakad ng barkada Kasi naman makikita ko lang sila Sophia and Liam na super sweet at nasasaktan na ko. 

Ayun si Liam? Top 2 sa buong 3rd year, Nagulat kayo no? ako rin nagulat eh. Maganda nga talagang sila nalang ni Sophia kasi nage-excel siya sa studies niya. Siyempre ako parin ang top 1 sa buong third year, hindi naman ako papayag na ankinin niya sakin ng ganun ganun lang pwesto ko no tapos si Belle yung  top 3, si Kim top  4, si Harry naman top 5 and si Zayn top 6. Wait, Si Kuto? Top 10! Okay na din yun basta may top siya! Kahit ganun siya sakin! Na-miss ko din yun kahit papaano kasi naging kaibigan ko sya.

Kami ni Louis? We’re going out pero we’re not dating  Haha, gets niyo? Ewan ko ba kung bakit hindi na lang kasi siya mahalin ko? Bakit kasi yun paring unggoy na yun, yun parin iniisip ko? Maygass!!

“ayos ka lang? kanina ka pa nakatulala jan”

“huh? Ah, ayos lang ako. Ako pa?” 

Kasama ko pala si LouLou ngayon papuntang school. Dun na siya mag-aaral? Hindi, pero dapat kaso lang hindi na daw pwede kasi  4th year na kami. Graduating na daw. Haha, pero ayos na rin yun kasi kapag lumipat siya yung soccer naman yung igi-give up niya. So, mas maganda na dun nalang siya Baka madiscover pa siya dun diba? Diba?

Nagbreak siya kaya napatingin ako sa kanya.

“andito na po tayo, Ano-ano kasi iniisip eh” tapos ginulo niya buhok ko.

“LouLou naman eh! First day na first day magulo buhok ko.” 

“para sakin maganda ka pa rin.”  Waaa~ kenekeleeeeg akeeee.  

“para sayo? o para sa kanila?”

“you will always be beautiful Princess Joanne” 

“wushu, sige bye bye na, malelate ka pa”

“bakit kasi hindi pa pwedeng magtransfer sa school mo eh.” 

“haha, wawa ka naman” 

“gwapo naman ako” 

“connection?”

“wala lang gusto ko lang sabihin na gwapo ako” 

“oh sige na mr. gwapo baba na po ako at baka malate ka pa”

“oh sige, Aishiteru Joanne” nag smile lang ako sa kanya tapos bumaba na then nag-wave na ko ng bye sa kanya tapos umalis na siya.

Pumasok na ko para tignan ulit kung anong section ako.

Room 501

“hayyy as I expected, walang pagbabago” please don’t tell me siya pa rin yun? Iba na nga sinabi ko eh. Pwede ba? 

Pagtingin ko sa left siya nga, Nagulat siya sakin, kaya nagsmile na lang ako sa kanya tapos umalis na ko Baka ano pang masabi ni Sophia sa akin! May golay!!

Pagpasok ko sa room nakita ko na si Kim, syempre merong vacant seat na isa sa tabi niya, syempre wala na kay Liam, alam niyo naman kung sino na katabi nun diba?

*inhale*

*exhale*

“bru alam mo sa graduation payat na ko, Tama ba naman kasing may fifth floor tong building natin?”

“ayaw mo nun hindi ka na baboy”

“You Thanks Much Very Salamat!” hahaha adik yata ako ngayon ah. 

“haha, you're welcome sis”  sabi niya.

“kamusta na pala kayo ni Liam?” hirit niya pa.

“hindi pa rin kami nag-uusap, Siguro okay na rin na sila ni Sophia, tignan mo naging top 2 pa siya ngayon diba ?”

“hindi naman dahil kay Sophia yun eh”

“huh?” 

“eh si Louis mo?”

“ganun parin” 

*poink*

“bru anjan na ang grasya, kukunin mo na lang, bakit di mo pa kunin ? Kesa naghihintay ka sa wala !!”

“siya parin bru eh, Ewan ko ba sa mokong na yun baka ginayuma yata ako ng unggoy na yun eh.”

“syempre mas gusto ko si L-”

“HMMMM?!” tapos pinanlakihan ko siya ng mata

“L-L-si ANO para sayo pero ayaw kong nasasaktan ka, Nakita ko naman kung gaano ka mahal nitong si Louis na to eh.”

“mahal niya nga ako, ang tanong naman eh kung mahal ko na ba siya?” 

--Liam’s POV--

Almost a year na yung nakalipas after nung huling pag-uusap namin ni Joanne and I miss her a lot. Feeling ko hindi lang one year yun eh. Ang dami kong kwento sa kanya, gusto ko siyang asarin, pikonin, kaso lang hindi pwede, Mahal ko si Sophia kaya lahat ng gusto niya dapat sundin ko. 

“B punta lang ako sandali sa field ah ? Pinapatawag ako ng adviser naming, Siguro about ito sa upcoming audition for new comers.”

“ano ba yan ? First day na first day meron kayong meeting, Hindi ba pwedeng mamaya na yun ?”

“hindi eh, Sige na b ? pleeeaaasssee ? Wait mo ko dito ah ? Bye bye.” Kiniss niya ko sa lips tapos tumakbo na siya papuntang  field.

Tinignan ko yung bulletin board, nakooo, Joanne. (naka-cross finger pa ako) Sana magkaklase pa tayo. 

4th year – A

“hayyy as I expected, walang pagbabago” bigla akong kinabahan. Pagtingin ko sa right ko, siya nga. May sasabihin sana ako sa kanya kaya lang nagsmile na siya tapos umalis.

Haaaayyy. Ano nga naman eexpect ko? Ako naman may gusto nun eh. 

~Masyado ko atang minahal si Sophia……..

He Loves Me Too!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon