#AUHesTheOne [Official Hashtag]
Bridget's POV
Tumingin ako sa paligid ng aking kwarto, kinabisado ang bawat sulok nito. I will miss this place. Maraming memorya ang nabuo dito. Ito ang nagsilbeng kwarto ko simula maliit pa lamang ako, kaya di parin ako makapaniwala na lilisanin ko na ito.
"Nak, okay na ba yang mga gamit mo?" Tanong ni mama. Tinulungan niya akong ilagay sa karton ang mga natitira kong damit.
Napa nguso na lang ako sa sobrang lungkot ko.
"Anak alam ko mamimiss mo tong bahay natin, pero kailangan na talaga natin lumipat sa manila para mas madalas natin makasama papa mo at para maasikaso niya maigi ang resto." napatango lang ako sa sabi ni mama.
"Syempre mama naiintindihan ko naman yan, pero di mo maaalis sa akin na malungkot. Dito na ako lumaki at nagka-isip." tumingin ako muli sa paligid bago naupo sa kama at bumuntong hininga
Dito ako lumaki sa Davao, kasama si Mama at Papa, minsan minsan mga pinsan ko kaso taga Butuan kasi sila kaya tuwing may okasyon lang kami nag kakasama-sama. Pero mukhang di na mauulit ang mga ganoong pangyayari dahil lilipat na kami ng Manila. Si papa kasi nagbukas ng resto sa manila noong Grade 11 na ako. Di naman kami agad makalipat dahil scholar na ako sa ADD at isa pa isang taon na lang gra-graduate na ako. Naisipan na lang namin na pag tung-tong ko na lang sa College. Kesa naman Balik balik na lang si Papa sa davao para makasama kami, at babalik ulit ng Manila para mas maasikaso ang resto namin.
"Nga pala mga pinsan mo papunta na dito by land, ipinahanda ko na kay manang enggay yung family room saka nakapag grocery na kami ni papa mo. Para naman makapag bonding kayo bago tayo umalis." Sabi ni mama bago lumabas ng kwarto ko.
Sumunod naman ay si papa, "Nak si Mark nasa baba, dalian mo mukhang malungkot." Tinaas baba pa niya ang kanyang kilay. Loko talaga to si papa.
"Ay ewan ko sayo papa! Di nga kami ni Mark!" Depensa ko.
Tumawa siya, "Wag ako iba na lang nak!" ani papa bago lumakad paalis.
Kulit talaga.
Agad akong bumaba para kitain si Mark, nakita ko siyang nakaupo sa may sofa namin na ngayon ay nakabalot na ng puting tela, at kanyang pinagmamasdan ang lugar.
"Uy piggy." Tawag ko sa kanya.
"Piglet." Sabi niya pagkakita sa akin, siya ay ngumiti pero halata ang lungkot sa mata niya. Di ko na lang ito pinansin at baka magdrama nanaman kami.
"Kala ko ba bukas ka pupunta para ihahatid mo kami sa airport?" Tataka kong tanong.
"Di ko mapigilan di pumunta eh, miss agad kita." Kumunot kaunti ng noo niya, Ang cute talaga ni bespren.
"Anong cheese natira mo piggy at ang cheesy at greasy mo right now?" Pang asar ko sa kanya
"Cheesy at greasy agad?" Pangbibitin niya..."Di ba pwedeng nagmamahal lang?" Seryoso ang mukha niya.
"Bro..."
"Bro...."
Tapos sabay kami tumawa ng malakas. Mamimiss ko to...yung gantong biruan namin. Yung chill lang kami. Mahihirapan siguro ako magadjust sa Manila dahil lagi ako nakadepende sa kanya.
"Oh bat ang haba nanaman ng nguso mo?" Kinurot niya ang labi ko, mabilis ko namang tinapik yung kamay niya palayo sabay tingin sa kanya ng masama na nagpatawa sa kanya.
"Wala lang mamimiss ko lang yung gantong kulitan." Malungkot kong sabi.
Niyakap lang niya ako at pinat ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Aristocrat University: He's The One
Romance[AUTrilogy: Book 1] Aristocrat University ay binuo upang protektahan ang pinaka mahalagang kayamanan ng mga Velez. Ang mga estudyante nito ay mga anak ng highest trinity mafia, tatlong grupo ng mga mafia na nagkaisa at kilala sa pagiging malakas at...