#AUHesTheOne
Bridget's POV
Nakarating na kami sa bago naming bahay or Mansion? para namang ambilis lumago ng resto namin nila papa?
Nakadungaw ako sa bintana ng magiging kwarto ko, sakto nito ay ang view sa isang maliit na park. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto, gaya nga ng sabi ni papa napaghandaan na niya bahay namin bago kami lumipat dito. May mini sala set ako, tapos may study area kung saan may dalawang book shelf andoon halos lahat ng libro ko, yung kama ko naman ay isang queen size bed at magkabilaan ang night stand.
Dito na rin titira si Josh sa amin, tutal ten minutes lang naman ang layo ng bahay namin sa WSU, and may sasakyan naman siya so madali na lang sa kanya iyon.
Natigil ang pagmumuni muni ko ng may kumatok sa pintuan ko.
"Pasok..." sabi ko.
"Hey.."si Josh lang pala, may dala siyang mga papel?
"Hey, ano yan?" nakatuon ang tingin ko sa papel na hawak niya.
Umupo siya sa sofa ko sa mini sala at sumunod ako, umupo naman ako sa swivel chair ko.
"Requirements for different universities dito within manila." Kibit balikat niyang sabi, inilapag niya ito sa lamesa ko at tinignan ko naman ito isa-isa.
"Kasama diyan ang WSU, ADM, at pati na rin ang kinahuhumalingan mong AU." Aniya at saka nagbukas ng chukie. Tinignan ko siya at agad naman siyang humalukipkip lang.
Agad ko namang nilagpasan ang ibang papel at hinanap ang sa AU.
binasa ko ito ng maigi...
Aristocrat University
Est. 2000 August.
Requirements: College.
- Final Grades Above 94
- 88% In Entrance Exams
- Parents Interview
-Membership Card with the Velez Org."So...." panimula ni Josh.
"So?" Tanong ko pabalik.
Come to think of it yun lang pala ang requirements. Masyado din naman mataas ang standards ng school kaya siguro kilala sila when it comes to academics. Now I know why.
"You didn't even read the whole thing?" He said. I shrugged. I might sound stubborn or im just really am...but I really wanted to attend that University.
"Determinado ka talaga na makapasok sa AU?" Pagkukumpirma niya, tumango ako. Kinagat ko ang pambaba kong labi ng tinitigan niya ako saglit at saka ngumuso
Kilala ang Aristocrat University pero ni isang artikolo tungkol sa AU ay wala akong nakikita, ni issue wala. Kaya siguro gusto ko talaga makapasok dito.
"Then kausapin mo na sila Tito at Tita dahil next week na ang enrollment nila. Isang araw lang yoon kung ganapin." He said, I looked at him.
"What?" Tanong ko samantalang siya ay inuubos ang natitirang chuckie niya.
"Pano mo nalalaman ang tungkol dito?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ko na parang tanga ako o sadyang pinanganak lang talaga akong tanga.
"WSU is the closest university sa AU, kaya alam ko." Kaswal niyang sabi. 'Ofcourse Bridget alam niya yang mga ganyang bagay. Kahit kelan ka talaga.
Napa 'tss..' na lang ako, sabihin nating samin magpipinsan siya ang pinaka cold, pero mayabang din naman yan at higit sa lahat siya pinaka close ko.
BINABASA MO ANG
Aristocrat University: He's The One
Romance[AUTrilogy: Book 1] Aristocrat University ay binuo upang protektahan ang pinaka mahalagang kayamanan ng mga Velez. Ang mga estudyante nito ay mga anak ng highest trinity mafia, tatlong grupo ng mga mafia na nagkaisa at kilala sa pagiging malakas at...