Chapter 8

42.6K 852 212
                                    

NAGAMBALA ang mahimbing na tulog ni Mitzi sa bagay kumikiliti sa kanyang likuran. Tila may humahaplos sa kanyang spine. Mula sa taas ng spine pababa sa gulugod at muli na namang tataas. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mata. Confuse na tinitigan ang imahe sa harapan niya. Si Toby nga. Nakaupo ito sa gilid ng papag, nakatukod ang siko sa unan sa gilid ng ulo ni Mitzi habang nakatitig sa kanya at mukhang ito ang humahaplos sa likod niya. Dahil sa nakakaramdam ng kiliti mula sa likuran ay tumihaya si Mitzi. 

“Ano’ng oras na ba?” Tinakpan niya ng braso ang mata. Bakit parang ang sakit ng katawan niya. Nang hindi magsalita si Toby ay inalis niya ang braso. Kumunot ang noo niya nang makita ang itsura nito. Tulala ito habang nakatitig sa katawan niya. Nang yukuin niya ang bagay na tinitingnan nito ay isang singhap ang kumawala mula sa kanya nang madiskubreng wala siyang saplot. 

“Damn!” Mabilis siyang bumangon at hinablot ang kumot sa ibabaw ng unan na maayos parin na nakatupi at itinakip iyon sa kanyang lantad na dibdib. Nakatulog pala siyang hindi na nagawang magbihis kagabi. Kahit ang pagkumot ay hindi na niya nagawa. Umayos mula sa pagkakaupo si Toby. Kapansin-pansin ang pinipigil na ngiti nito sa labi. 

“Ano’ng nginingiti-ngiti mo?” Pagtataray niya para pagtakpan ang pagkapahiya. Ramdam niyang nag-iinit ang kanyang mukha. 

“Wala lang. Ang cute mo lang. Kung itago mo kasi 'yan akala mo naman hindi ko pa—” 

“Shut up, Toby! Whatever happened last night was a mistake. It just happened because of a hefty amount of alcohol in my system.” Nakakalokong ngumiti si Toby habang tinango-tango ang ulo. 

“Hefty. A bottle of beer. Yeah. That was hefty for a toddler.” Hinampas niya si Toby sa braso at humalakhak ito. 

“Lumabas ka na nga!” taboy niya rito. Sa halip na tumayo at lumabas ay dumukwang ito palapit sa kanya dahilan para mapaatras siya. Inabot ni Toby ang bra sa likuran niya.  Akma niya iyong kukunin pero inilayo iyon ni Toby. Hinawakan nito ang magkabilang strap at iniladlad sa harapan niya. Isusuot sa kanya? Seryoso ba 'to? 

“Dali na! Ngayon ka pa talaga nahiya. Brat, I already saw, touched and sucked them last night.” Kumalat ang pula sa malaporcelanang mukha ni Mitzi dahil sa sinabi ni Toby. Bahagya nitong itinango ang ulo para hikayatin siyang kumilos na. Nahihiya man ay kumilos na lang siya. Nang maisuot niya ang dalawang braso sa straps ng bra ay inilapit ni Toby ang sarili sa kanyang katawan, ipinaikot nito ang dalawang braso sa kanyang katawan para i-hook ang bra sa likod. Ang mukha nito ay nasa gilid ng kanyang mukha. Ang hininga ay tumatama sa kanyang tainga. Mahigpit siyang kumapit sa kumot na kipkip pa rin niya sa dibdib habang ang tibok ng puso ay wala na sa normal. 

“What happened last night was amazing.” Then bakit hindi mo itinuloy?  Gusto niyang itanong pero hindi niya itinuloy. Pagkatapos mai-hook ang kanyang bra ay ipinagtapat nito ang kanilang mukha. Hindi niya kinakaya ang ginagawang pagtitig sa kanya ni Toby kaya inuyuko niya ang kanyang ulo. Bakit ganito ba ang nararamdaman niya sa taong ito? Nag-angat lang siyang muli ng tingin nang isuot ni Toby ang T-shirt sa ulo niya at nang maibaba ang T-shirt at lumitaw ang kanyang mukha ay ginawaran siya ng halik ni Toby sa labi habang may ngiti ito sa labi. Gusto niyang mapangiti sa ginawa nitong iyon. He’s so sweet! 

“Alam ko gutom ka na. Halos hindi ka naman kumain kagabi. Ipinagluto kita.” 

“Thank you!” she said softly. Kusang bumuka ang labi ni Mitzi nang titigan ni Toby ang labi niya. She was anticipating his kiss, thinking about his lips on hers again. 

“Tara?” Wala sa loob na napalabi si Mitzi  nang hindi ni Toby ilapat ang labi nito sa kanya. Hinawakan ni Toby ang baba niya at inangat ang kanyang mukha. May ngisi sa labi na para bang alam nito ang nasa isip niya.

Heredera Series 2 (Mitzi) To Be Published Under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon