“DAMMIT!” Palatak ni Toby habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan. Makakapatay siya ng tao kapag may masamang nangyari kay Mitzi.
Pabalik na sila ni Kayle mula sa mining site nang makita niya si Jason sa kanto mismo ng daan patungo sa bahay nila. Sumakay ito ng pulang sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon. Pero laking gulat niya nang makitang nakabulagta si Mang Ramon sa daan. Binalot ng matinding kaba ang dibdib niya nang makita ang maleta ni Mitzi at sling bag ng dalaga na nakakalat doon. Hindi na niya nagawang gisingin pa si Mang Ramon at agad na sinundan si Jason. Sigurado siyang na kay Jason si Mitzi. Tinawagan niya ang kanyang ina at nalaman niyang nagpahatid nga si Mitzi sa Terminal papuntang Maynila. Ipinaalam niya rin sa ina ang nangyari at sinabihan na puntahan si Mang Ramon sa kanto.
Natanaw ni Toby ang isang truck at van na nakahinto sa gilid ng daan. Patakbong tumawid ang isang lalaki sa kabilang daan, at halos takasan siya ng sariling hininga nang makita ang pulang sasakyan na halos kalahati niyon ay nasa bangin. Bumangga iyon sa isang puno at iyon ang tanging dahilan kung bakit hindi tuluyang nahulog sa bangin ang sasakyan. Nakasampa sa nabuwal na puno ang kalahati ng sasakyan pero sigurado siyang hindi magtatagal ay tuluyang mahuhugot mula sa pagkakabaon sa lupa ang puno at tuluyan iyong bubulusok sa bangin.
“Mitzi!” hintakot niyang usal. Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng daan at mabilis na umibis. Sumunod naman sa kanya ni Kayle na sumama pa rin sa kanya sa pagsunod sa sasakyan ni Jason.
“Mitzi!” Sigaw niya. Natatanaw niya mula sa loob ang dalawang bulto pero hindi malinaw dahil tinted ang salamin. Napahawak siya sa sariling ulo dala ng takot para sa maaaring kahantungan ni Mitzi kapag hindi ito nakalabas ng sasakyan. Nilinga niya ang paligid. Wala ng oras para humingi pa ng tulong.
“Fuck! Mitzi!” Muli niyang tawag. Alam niyang hindi siya nito maririnig. But thank God dahil bumukas ang pinto ng passenger seat at sumilip doon si Mitzi.
“Toby!” Muli siyang napamura nang makita si Mitzi na namumutla sa matinding takot. May mga luhang namalisbis sa pisngi nito at may dumadaloy na dugo sa gilid ng ulo.
“Mitzi, huwag kang matatakot, ilababas kita riyan, okay?” Kailangan nitong makalabas bago tuluyang bumigay ang punong nasasampahan ng sasakyan.
“Toby. . . I’m scared,” umiiyak nitong sabi.
“Please, tell dad na mahal na mahal ko siya. Tell him that I’m so sorry. If I won’t survive here gusto kong malaman mo na mahal kita. . . mahal na mahal kita, Toby!” Sa kabila ng takot na nararamdaman ay may sayang umusbong sa puso niya pero nawala ang lahat ng iyon at muling pinuno ng takot ang puso niya nang sumigaw si Mitzi dahil sa pag-uga ng sasakyan. Tiningnan niya ang ugat ng puno na unti-unti nang nahuhugot mula sa pagkakabaon sa lupa.
“Lumabas ka na riyan!” Narinig niya si Kayle na nasa kabilang bahagi ng sasakyan at hinihikayat si Jason na lumabas. Kailangan nang makalabas ni Mitzi. Kapag nagtagal pa ito sa loob ay siguradong kasama itong bubulusok pababa.
“Mitzi!” Tawag niya sa dalaga. Muli itong sumilip.
“Tumalon ka at aabutin ko ang braso mo.”
“No! Natatakot ako!”
“Bibigay na ang puno. Nandito ako, hindi kita pababayaan. You have to jump out! C’mon, Mitzi! Jump, baby!” Pagkukumbinsi niya. Muling humiyaw ang dalaga nang muling umuga ang sasakyan.
“Hurry up, Mitzi!” Inilahad niya ang kamay. Tumagilid ng upo si Mitzi. Nag-sign of the cross ito at humugot ng malalim na hininga.
“You can do it! Tumalon ka papunta sa 'kin.” Tumango ito at muling humugot at nagpakawala ng hininga bago pikit matang tumalon at sinabayan ng malakas na hiyaw. Agad niyang nahawakan ang kanang braso ni Mitzi. At dahil sa mapuwersa nitong pagtalon at bigat ay napadapa si Toby sa lupa. Tumama ang braso ni Toby sa nakausling ugat ng puno pero ininda lang niya ang sakit. Nakabitin ngayon si Mitzi sa gilid ng bangin at kailangan niya itong maisampa.
Malakas na sigaw ni Jason at Kayle ang umalingangaw sa buong lugar nang tuluyang mahulog ang sasakyan at kasama roon si Jason na hindi na nagawang makalabas pa. Lalong naiyak si Mitzi sa sobrang takot. Ginamit niya ang buong lakas para maisampa si Mitzi na napagtagumpayan naman niya. Humahangos ni Toby na ibinagsak ang katawan sa lupa habang si Mitzi ay bumagsak sa ibabaw niya. Mahigpit niyang niyakap ang nanginginig na katawan ng dalaga habang ang mukha nito ay nakasubsob sa kanyang dibdib. Ramdam niya ang matinding takot nito.
“Ligtas ka na.” Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito nang paulit-ulit.
ANG AKALA ni Mitzi ay katapusan na niya. Ramdam niya ang panghihina ng buo niyang katawan at parang gustong pumikit ng mga mata niya. Ayaw niyang kumilos. She felt safe in Toby’s arms. Gusto niya ang yakap nito. Napapayapa siya sa paghaplos nito sa kanyang likod at ang paglapat ng labi nito sa tuktok ng ulo niya. Sana manatili lang silang ganito. Sana wala munang pumutol ng moment na ito.
BINABASA MO ANG
Heredera Series 2 (Mitzi) To Be Published Under PHR
RomanceMitzi Sao is a stubborn and willful heiress. She does whatever she wants without even thinking of the consequences that may happen. A bonafide bar hopper, shopaholic debonair and irresponsible student. Bilang parusa...